NEW YORK, USA - NOV 9 20XX
mabagal akong lumakad papunta sa bahay na kinalakihan ko. nanginginig ako marahil dahil sa lamig ng hangin lalo na ngayon sa gitna ng taglamig dito sa amerika pero dahil rin sa paggunamgunam ng magigin reaksyon ng aking mga magulang kapag nakita nila ako umuwi sa bahay. nagtatangkang mahulog ang mga luha sa aking mga mata pero huminga ako ng malalim at lumakad papunta sa pintuan; habang hila-hila ko ang aking maleta.
kumatok ako sa pintuan at mga ilang minuto lamang ay binuksan ito at nakita ko ang aking mga magulang, tila buong araw silang naghihintay saaking pagdating pero... aakalain mo na sasalubungin ako ng mga yakap at ngiti mula sa kanila ngunit ang nakikita ko lang sa mga mukha nila ay ang bakas ng pagkadismaya at galit.
hindi ko matitigan ang kanilang mga mata sa kahiyaan ko at bumabalik ang pakiramdam ng pagkabigo. pinapasok nila ako sa loob at pinaupo sa sopa kungsaan nagsimulang magsalita ang aking ama, "narinig namin mula sa kolehiyo, bumagsak ka sa lahat ng asignatura mo at nagdrop-out ka na daw" mabalasik na wika niya.
"hindi mo ba alam kung gaano kahirap magtrabaho para mapag-aralin kayong magkakapatid dito sa amerika?" sabi ni inay, ang boses niya ay pilit at parang mapapaiyak na. ang aking mga mata ay masakit at nagluluha, gusto kong magsalita pero tila may masakit na pumipilipit sa lalamunan ko; sahalip na mga salita ay mga ungot lamang ang lumalabas saakin.
"diyos ko! ano ba ang plano mo sa buhay mo anak!?" sigaw ng aking ama. iyon ang mabigat na tanong na tila buong buhay ko ay hindi ko masagot sagot. ano ba talaga ang gagawin ko sa buhay ko? nasa kolehiyo na ako pero wala parin akong kinukuhang major. naiinip na ang aking mga magulang, wala parin akong patutunguhan sa buhay.
hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil sa sahig lamang nakatitig ang aking mga mata, malabo at nagluluha. ngunit naririnig ko ang mabigat na mga apak ng aking ama at mahinang mga iyak ng aking ina. mabigat sa aking puso ang marinig silang galit o umiiyak dahil saakin pero hindi ako makapagsalita. hindi ako makatingin sa kanila.
naiinis na sinigaw ng aking ama, "ilang taon na namin tinatanong yan at wala ka paring sagot? gusto mo ba talagang magtrabaho o maging pulubi sa kalye!? kasi kug hindi mo aayusin yaang buhay mo, wala kang patutunguhan!"
"aasahan mo nalang ba na habang-buhay ka naming susutensyahan!? Amihan, dalawampung taon ka na! dapat marunong ka na tumayo sa sarili mong paa!" sigaw ni ina. "hindi ko maisip kung paano ka lumaki ng ganyaan. kami naman ay lumaki ng maayos, mula pagkabata ay marunong na akmi maghanap ng paraan para lamang may makain sa buong araw. ikaw nga na isinusubo na ang lahat, binabalewala mo lamang!"
ilang minuto ang lumipas at wala saamin ang nagsalita. nang biglang lumapit saaking si itay at hinatak ang siko ko. pinatayo niya ako at tinitigan niya ako.
"mas mabuti na bumalik ka sa pilipinas, kanila tita Maya mo. baka doon ay matuto ka ng importansya ng pagtayo sa sariling paa." sabi niya saakin. kokontra sana ako pero inunahan niya ako, "ayusin mo ang mga gamit mo, aalis ka ng maaga bukas"
sa mga oras na iyon ay walang wala ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta at ubos na ang pasensya ng aking mga magulang.
pilipinas? doon ako pinanganak pero... tila kahit kailanman ay di pa ako nakakapunta doon. sa mga oras na iyon ay pagdududa at takot ang umiibabaw na emosyon.
-----------------X
UwU
YOU ARE READING
PARALUMAN
Ficción Generalkung magbabalik tanaw ako at nakilala ang sarili ko noon, aakalain ko ba na mararating ko kung ano ako ngayon? siguro ay mapapatawa nalang ako, di kailan man maiisipan ko na may maabot pala ako. pero andito ako ngayon, isang patunay ng tagumpay. lah...