Kabanata 14

48 1 0
                                    

"Kalat na sa kaharian ang nangyari sa mga alagad Ahswel, maging ang pag kawala ninyo ng dalaga, samu't saring kwento ang nag kalat sa lugar natin" saad ng kaibigan nya, nakayuko lamang si Ahswel, nagugulahan sa mga kinikilos nya

Kinuha ng kaibigan nito ang sandatang gawa sa pangil ng lobo at inabot ito kay Ahswel

"Inaasahan ko na babalik ka, babalik ka dala ang lunas sa prinsesa, wala ng duda Ahswel, malinaw na sya ang hinahanap natin" hindi magawang kunin ni Ahswel ang dahas ng kaibigan kaya iniwan nalang nito sa harap ng binata

"Huwag mo na dagdagan ang parusang naka atang na sayo" huling sambit nito bago ito nag laho

Mariin na lamang napapikit si Ahswel, hindi nya matanggap ang sinabi ng kaibigan, hindi nya matanggap ang katotohanan, katotohanan na si Tasha nga ang hinahanap nya

Lumabas ang dalaga sa kwarto dala ang cake, wala itong salamin kaya batid nyang hindi ito nakaka kita, pinag masdan nya ito at may kung anong kumirot sa dibdib nya

Makakakuha na sya ng lunas sa prinsesa pero buhay ng dalaga ang kapalit, hindi man lang nya nagawang ngumiti sa magandang balita sana

"Happy Birthday Ahswel, alam kong nariyan ka pasensya kana hindi ko na naman makita ang salamin ko" nakangiting turan nito habang palapit sa kinaroroonan nya

Dahil sa mga ngiti nito ay lalong nag sikip ang dibdib ng binata, hindi na nya kaya mag isip pa kaya mabilis nyang kinuha ang dahas, pilit nyang pinatigas ang kanyang puso

Napatigil nalang si Tasha ng maramdaman nito ang masamang balak ni Ahswel, gayun pa man ay pilit itong ngumiti at muling nag tiwala sa binata

Natatakot man ay pinag patuloy nya ang pag lalakad hanggang sa tagpuin nya ang pwesto ni Ahswel

Batid ng binata ang tiwalang binigay ni Tasha sa mga oras na 'to kaya nanginig nalang ang mga kamay nya ng tinutok nya ang dahas sa dalaga

Napalunok si Tasha ng maramdaman nito ang malamig at matilos na bagay na humahaplos sa kanyang leeg

"A-Ahswel.."

Tumulo na lamang ang mga luha ni Ahswel habang nakatingin kay Tasha, ito na ang huling araw para maisalba nya si Selena at maaaring huling araw na din para kay Tasha

Dahil sa dahas na dumampi sa leeg ni Tasha ay nakita nito ang lahat, ang lahat ng plano ng binata, ang dahilan kung bakit sya narito, ang planong pag kitil nito sa buhay nya para sa kanyang minamahal, nakita nya ang lahat sa isang pangitain

Kusa ng tumulo ang mga luha ng dalaga, hindi sya nasasaktan para sa buhay nya, nasasaktan sya dahil sa katotohanan, katotohanan na may iba na palang iniibig si Ahswel

Nasasaktan sya dahil sa mga pinakita ni Ahswel, alam nyang sa mga oras na 'to ay hindi lamang sya ang nasasaktan kundi ang nobya nito

Pumikit na lamang si Tasha at hinayaan na lamang si Ahswel sa balak nito, masyadong namanhid ang dibdib nya sa mga natuklasan

Dahil sa panginginig ng kamay ni Ahswel ay nasugatan na nya ang dalaga, mahigpit syang napahawak sa dahas, hindi nya kaya, hindi nya kayang may mawala pa kaya buong pwersa nya itong itinapon

Bigla na lamang syang nakaramdaman ng galit sa sarili, nag punas sya ng luha bago ngumiti, inangat nya ang kanyang kamay para punasan ang mga luha ng dalaga, nag tuloy tuloy padin ang mga luha nya ng halikan nya si Tasha sa noo

"Bakit hindi mo tinuloy?" Natigilan sya sa tanong ng dalaga, natahimik sya at pinanood ang dalaga habang pinapatanong ang hawak ng cake sa maliit na mesa

"Bakit Ahswel?" Kita nya ang sakit sa tinig ng dalaga kaya parang paulit ulit syang sinasaksak sa dibdib

Umiling sya at hindi magawang sumagot "Gawin mo na... Gawin mo na dahil para mo narin akong pinatay, mahal kita Ahswel, minahal kita dahil sa mga pinakita mo, minsan na lamang ako mag mahal sa mali pang tao" tuloy tuloy sa pag patak ang mga luha ng dalaga, naaawa sya dito

His Sinful Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon