Kabanata 13

41 0 0
                                    

"Kaya nga dalawa kayo e, pag hindi kaya ng isa nanjan ka para hawakan sya, pero take note parang isang sugal yan kaya siguraduhin mong may laban ka o mahal ka...." Pinatay ni Cas ang radyo kaya natigil sa pakikinig si Tasha, kanina pa kasi tulala ang dalaga

"Kelan kapa nag ka-interes sa mga payong pag ibig na yan?" Natatawang turan ni Cas, pilit lang na ngumiti si Tasha, hindi na lamang nya pinansin ang kaibigan at binuklat ang kurtina

"Malakas parin ang ulan" aniya Tasha

"Wait si Kieran ba 'yon?" Nilakihan ni Cas ang bukas ng kurtina ng mapansing nakatayo roon si Kieran, sa gitna ng ulan

Napatingin din si Tasha at nakumpirma nga nyang si Kieran iyon "Kanina pa ba sya dyan?" Tumayo si Tasha at binuksan ang pinto para tawagin ang binata

"Sus in-denial pa? Sinusundo ka ano pa ba?" Panunukso ni Cas kaya napairap nalang si Tasha

"Kieran?! Ano ba! Pumasok ka!" Pag tawag ng dalaga, may pag mamadali namang pumasok si Kieran dala ang magagarbong bulaklak

"Happy birthday" mahinang usal nito pero napangiti nya ang dalaga "salamat" tinanggap iyon ni Tasha at pinapasok na si Kieran

"Ay sus! O pamalit!" Bigla nalang sumulpot si Cas at binato kay Kieran ang isang pan lalaking t-shirt, natawa naman iyong tinanggap ni Kieran at umalis muna sandali para mag palit

"Kayo na ba? Ha?" Taas kilay na tanong ni Cas ng pumunta ito ng salas agad namang umiling si Tasha

"Nag text sya kung nasa bahay ba daw ako, sabi ko nag papatila lamang ako dito sa bahay mo malay ko bang pupunta sya" dipensa ng dalaga

"Nanliligaw?" Hindi naman naka imik si Tasha, sinundot sundot sya ng kaibigan sa tagiliran kaya natawa sya

"Tumigil ka nga! Mamaya marinig tayo non"

"So? Nag papaligaw ka narin naman bakit hindi mo pa sagutin?" Bigla namang nag seryoso si Cas

"Tinanggihan ko na sya, nag pupumilit padin, bahala sya hindi ko na iyon kasalanan" inirapan nalang sya ni Cas dahil dumating na din ang binata

"Hoy ikaw? Pano mo sya susunduin ng wala ka man lang sasakyan o payong? Edi dagdagin kapa sa problema?" Nahampas naman ni Tasha si Cas dahil sa sinabi nito, napakamot nalang si Kieran sa batok

"Gabi na kasi" nasabi na lamang ni Kieran at tumingin kay Tasha, hindi na lang umimik si Tasha dahil alam nitong hindi gumagamit ng kahit ano ang binata dahil isa itong bampira

"Tara?" Naunang umalis si Kieran kaya sinundan sya ng dalaga, nag paalam na din si Tasha sa kaibigan

"Umuulan pa, saan kayo pupunta?" Takang tanong ni Cas at nag kibit balikat lang si Tasha

Dahan dahang sinara ni Tasha ang pinto at humarap kay Kieran "May supresa ako sayo" saad ng binata, hindi na sya nakasagot ng hawakan sya ng binata sa kamay kasabay ang pag laho nila sa lugar at makarating agad sa kaharap na pinto ng dalaga

"Pumasok ka" nakangiting saad ng binata, hindi na sumagot si Tasha at binuksan ang pinto

Nanlaki ang mga mata nya ng bumungad sa kanya ang nag iisang mahal nya sa buhay "I-Ina!" Mangiyak ngiyak nya itong niyakap

"Ina sorry ha, hindi ako naka uwi, may exam kasi ako Ina" napangiti nalang ang kanyang ina habang hinahaplos ang buhok nito

"Okey lang, b-buti nalang nandito ang kaibigan mo" seryosong nag katitigan ang prinsipe at ang ina nya

"Si Kieran ma? Paanong.."

"Wag mo ng isipin Tasha, ang mahalaga nag kita tayo ngayon" ngumiti na lamang si Tasha sa ina

His Sinful Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon