Embe WP

71 8 0
                                    

Page 21

————-««✼»»————-

Letter

————-««✼»»————-

OPENING my locker, numerous letters gushed out, resulting in a mess on the floor.

Napabuntong hininga na lang ako lalo na't hindi ko naman binabasa ang mga iyon kung kaya't sayang lang ang effort ng kung sino man ang nagpadala nito.

Yumukod ako't mabilis na pinulot ang mga envelope sabay kuha ng paper bag mula sa aking bagpack at dito isinilid lahat ng sulat na natanggap ko.

Hindi pa man ako nakakatapos nang sandaling may kamay akong napansin. Maingat na pinulot nito ang mga sulat at do'n ko lang napagtantong pamilyar ako sa hulma ng kamay na 'yon.

"Ten?" I raised my head to see the guy with thick glasses and messy hair standing in front of me.

His eyes disappeared as he flashed his sweet smile.

Gosh! It's him nga!

"My cutie bestie---shgshsg!" I shouted.

Agad naman itong lumapit sa akin... pero imbes na mainit na yakap ang kanyang ibigay ay mabilis pa sa alas k'watrong tinabunan nito ang aking bibig.

"Buang man ka oy! Saba kaayo ka nga duha ka adlaw ra man tang wala nagkita!"

Ayan na naman siya sa kanyang alien words.

Agad kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking bibig lalo na't amoy ko pa ang kinakalawang na metal dito.

"Ano ba, Ten? Lasang-lasa ko 'yong kalawang sa kamay mo! Pwe!" I was about to spit when I realized na nasa hallway pala ako ng building.

His face grimaced,"Yuck!Kaluod. Ke babaeng tao dumudura bisan asa."

"Wow! Diring-diri, ah! Ano ba kasing pinaghahawak mo at ganyan lasa ng kamay mo?"

Napa-arko ang kilay ko nang sandaling mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.

"What?" I asked again.

"Ikaw, ah! Gusto mo pala ako matikman. May pagnanasa ka pala sa akin. By the way, galing pala ako ng banyo at gumamit lang ako ng tissue---agay! Agay! Sakit kaayo ba!"

"Ang baboy mo! Yucks! Kadiri ka!"

Hindi ko na siya pinatapos nang sandaling maring ko ang kanyang sagot. Ilang beses ko siyang pinaghahampas ng bag ko dahil sa kanyang sinabi.

Mabilis kong hinablot mula sa aking bulsa ang panyo at pinunasan ang aking dila lalo na't dumapo ito sa kamay ng dugyutin kong bestfriend.

"Lumayo-layo ka sa akin, Ten! Baka hindi kita matantsa. Nandidilim talaga paningin ko sa 'yong hayop ka!"

"Ouch! Ang sakit mo namang magsalita, porque't moreno ako nandidilim agad paningin mo. 'Tsaka if magiging animal ako, pero mas animal man ka!" matapos niyang sabihin 'yon ay humagalpak ito ng tawa.

Ewan ko ba!

Transferee siya galing Bukidnon tapos no'ng first day niya rito sa amin ay para siyang anghel sa sobrang bait at tahimik sa klase.

Kalaunan ay nalaman ko na ang totoo niyang ugali. Isa pala siyang may saltik at laging sabog naming kaklase.

Kahit grabe siya makalait ay siya naman ang pinakanakagaan ko ng loob sa lahat ng mga kaklase ko.

Unsaid TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon