Page 26
————-««✼»»————-
Library
————-««✼»»————-
EVERYONE on campus talked about the sudden death of the four bullies who found their bodies around campus.
Isang nakakagimbal na balita na hindi namin inasahang bubungad sa mga estudyante alas siyete ng umaga.
Fear instills in us as we eavesdrop near the police.
Pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming naririnig kung sino ang may gawa ng karumaldumal na krimeng 'to.
Sa pagkakaalam ko, nakita ang katawan ni Drake sa loob ng banyo sa girl's room na wala ng puso at nakasabit ang katawan nito sa trusses gamit ang tali ng nylon.
Nakita naman ang katawan Cad sa may basurahan na nakasandal sa pader, nilalangaw ang bibig na pinuno ng biodegradable waste samantalang nakita naman ang katawan ni Jake sa may treehouse ng school. Para itong pinako sa krus ngunit limang matatalas na kutsilyo ang naging dahilan ng kamatayan nito. May tarak din ng kutsilyo sa kanyang ulo dahilan daw para mabasag ang kanyang bungo.
At ang pinaka-nakakadiri sa lahat ay si Jax, nakatusok ang ulo nito sa tuktok ng flagpole habang naka-tali naman ang kanyang katawan at ginawang bandila.
Lahat ay nandiri at hindi makapaniwala.
Kanselado ang klase at hinayaan muna ang mga estudyante na magsiuwian habang ang limang nakakakita sa mga katawan ay pinapunta muna sa mga eksperto dahil baka raw ay na-trauma ang mga ito.
Nandito ako ngayon sa classroom at isa-isang isinisilid sa loob ng bag ang mga kagamitan na gagamitin ko para sa susunod naming activity.
My classmates are panicking, but I can't let this slip away since I really need to get a high grade before the semester ends.
Nakakatawa lang dahil natatakot ang iba para sa kaligtasan ng kanilang buhay, samantalang ako ay takot na bumagsak. Hanggang ngayon ay grado ko pa rin ang inaatupag ko.
"Clayton?" Nagitla ako at malapit ko pang mahulog ang librong dala ko nang pumasok sa classroom si Luis, kaibigan at kaklase ko.
"Luis! Okay ka lang ba? Hindi pa rin pala maayos ang sugat diyan sa mukha mo." Wika ko nang mapansin na halos hindi pa maidilat ni Luis ang kanyang isang mata dala ng pagkakabugbog ng apat no'ng isang araw.
He smiled, "Okay lang ako. Kaso nabawasan kapogian ko." Tapos bumulalas ito ng tawa. "Narinig mo na ba ang balita?"
"About do'n sa nangyari sa apat na bully? I guess they deserve it!" I expected him to laugh but he didn't bother to. "B-bakit?"
"Alam kong malaki ang kasalanan ng apat na 'yon sa akin pero hindi nila deserve ang kamatayang 'yon sa brutal na paraan." He quickly averted his gaze and took his shoes under his chair. "Naging lead din ito na posible ako ang suspek sa nangyari sa kanila. Ako lang naman kasi ang nakaaway ng apat na 'yon nitong nakaraang araw."
"But that doesn't make sense. Nakabantay ako sa hospital at nakita kitang nakahimlay sa kama at walang malay. Pati ikaw na rin ay pinagsusupetsahan ng mga pulis?"
"It's alright, Clayton. Malalaman din natin ang posibleng gumawa nito. Ang need lang talaga natin ay kung paano hulihin ang pumatay sa mga 'yon."
"Paano mo mahuhuli ang mga salarin? Aber?"
A grin crept across his lips, making me puzzled.
"Watch out! Mahuhuli ko rin ang suspek na 'yan."
Napatango-tango na lang ako sa kanyang tinuran.
Hindi pa siya tuluyang gumaling tapos may plano nang hulihin ang culprit. Bahala siya sa buhay niya, tingnan ko lang kung magagawa niya.
Basta, labas ako sa gagawin niya.
————-««✼»»————-
NANDITO ako ngayon sa library dahil magsasauli na ako ng hiniram kong mga libro nitong nakaraang araw.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng library nang bigla na lang akong nakaramdam ng pagbigat sa aking batok rason kung bakit ko nahimas-himas ito.
Hindi ko rin maipaliwanag ang pagtaasan ng balahibo ko kaya mas lalo akong kinabahan habang papasok sa loob.
Agad kong nilapag sa counter ang librong dala ko at tiningnan naman ito ng librarian.
"Mr. Radfill, cleared ka na sa akin. And makikisuyo na rin kung p'wede ikaw na rin ang magbalik ng mga 'to sa mga shelf."
I thanked her and nodded at her.
Dali-dali naman akong nagtungo sa kung saan ko ito nilagay. Napatingin din ako sa aking relos nang mapansin na malapit na mag-alas onse ng umaga.
Sa pagmamadali kong maibalik ito, hindi ko maiwasan na mahulog ang iba sa sahig dahilan gumawa ito ng malakas na ingay.
Natataranta ko itong binalik muli.
Aalis na sana ako nang may narinig akong ingay mula sa likuran ng bookshelf at wala sa sarili akong naglakad patungo rito.
Napasilip ako sa kung ano ang nangyayari at hindi inasahan ang aking nakita sa gawing likuran ng mga shelf.
Si Louie at Crax, mga bully rin ito gaya no'ng apat.
Naikuyom ko ang aking mga kamao nang masaksihan ang ilang beses na pagbitaw nila ng suntok sa isang batang lalake na hindi ko kilala.
Hindi ko alam kung papa'no 'to nakakalusot sa librarian gayong maririnig naman nito ang ingay kung sakali.
Nangyari pa ang ilang beses na pambubogbog hanggang sa tuluyan na ngang natumba sa sahig ang batang lalake na duguan ang kanyang mukha.
Nagpupuyos ako sa galit at naikuyom ang aking kamao sa galit.
'Hindi p'wede 'to. I hate bullies! They deserve pain! And death!'
Umalis ako sa aking pinagtataguan at itinapon nang malakas ang dala kong bag sa sahig para makuha ang atensyon nila. The two looked at me in disbelief and their faces boiled my blood.
Masaya siguro ang buhay kung hindi ko na makikita ang pagmumukha ng mga 'yan.
Walang pasabing tinakbo ko ang pagitan namin at wala pang ilang segundo nang mabilis kong itinarak ang aking dalawang kamay sa bandang puso nila.
As I reached the organ, I quickly pulled it resulting in the two dying without a word.
Dito na tuluyan nagbago ang anyo ko at nagsitubuan ang mga balahibo sa aking katawan. Pati ang mga kuko sa aking kamay ay nagsitaasan din.
As I saw the reflection of myself on a glass nearby, I couldn't see Clayton Radfill but an angry werewolf hungry for justice for the victim.
And you are right, ako rin ang salarin sa kamatayan ng apat na bully na 'yon.
I dragged both of their bodies but a sudden flash of light stopped me. Then I saw Luis holding his camera.
Then he collapsed out of shock.
————-««✼»»————-