ONE

17 1 0
                                    

LUNA's POV

"Ano na Selene Marie? Kanina ka pa pagulong – gulong sa kama mo wala ka pa rin nasisimulan dyan?"

"Ano ba kuya, doon ka nga! Mas lalo ako wala maiisip kapag nanggulo ka rito."

"Eh wala ka naman talaga isip eh."

Kita mo 'tong kuya ko, ang lakas mang – asar saakin eh siya nga 'tong hindi nagtapos ng pag – aaral dahil sa ex girlfriend niya na niloko lang naman siya.

"Mama, si kuya oh!!!"

"Magsumbong ka pa wala naman si mama, lumabas namalengke bleee!"

Humablot ako ng unan at binato sa direksyon kung nasaan siya, kaso nakailag agad ang baliw. Hay nako! Paano ako makakagawa kung may kasama akong ganyan sa bahay.

Naisip kong pumunta ng iSTUDYo, baka sakaling doon may masimulan ako sa dapat kong gawin. Isang malaking place na may dalawang floor ang iSTUDYo. Kapag tinignan sa labas ay parang restaurant lang, sa 1st floor ay may mini restaurant sila at gig station habang ang 2nd floor ay ang mini library. Hindi naman rinig ang ingay sa 1st floor kapag nasa taas ka. Magandang tambayan yon kaya madalas ako doon.

Nag –ayos lang ako ng onti at umalis na rin, naligo naman na ako kanina, hindi ko na rin inisip magpaalam kay Kuya dahil naiinis pa rin ako sa kanya, bahala siya dyan, magt-text na lang ako kay Mama na uuwi rin ako agad.

--
"Hi, ate Ami!"

"Luna, ngayon ka lang ata uli tatambay ah."

Bati saakin ni ate Ami, ang may – ari ng iSTUDYo. Simula nung nagcollege ako, dito na talaga ako tumatambay kaya naging close ko na si ate Ami at isa pa, niligawan siya dati ng magaling kong kuya, buti na lang hindi niya sinagot, sobrang perfect ni ate Ami, favorite ata ni Lord 'to eh.

"Busy ate eh, alam mo naman buhay graduating."

"Ay oo nga pala, kaya mo yan, ilang buwan na lang naman eh. May naisip ka na ba saan ka maga-apply after graduation?"

Shoot. Hindi pa nga sure kung ga-grauate dahil wala pa ako nasisimulan sa dapat kong ipasa para sa graduation project.

"Wala pa ate eh, wala pa kong plano."

"Ganun ba? Kapag hindi ka busy kanta ka rito. Miss ka na madinig ng iSTUDYo."

"Sige ate, siguro sa mga susunod na araw, kapag natapos ko na siguro 'tong ginagawa ko."

Namimiss ko na rin kumanta, nangalawang na ata boses ko. Nagagamit ko lang pag nagsisigawan kami ng kuya ko. Psh.

"Ay siya nga pala, sana maabutan mo yung bagong tutugtog dito. Mamaya unang tugtog niya. Baka malay mo mag-click kayo, pwede kayo mag collab. For sure ako, magkaka-vibes kayo."

"Sige, ate! Bababa na lang ako mamaya. Akyat na muna ako."

Akala ko irereto na naman ni ate Ami saakin. Kung kani-kanino kasi ako nirereto ni Ate, wala naman nangyayari. Hindi ata talaga ako para sa lovelife na yan.

Nang makahanap ako ng perfect spot ay nilapag ko na lahat ng gamit ko. Kanina ko pa pala sinasabi na may gagawin ako pero hindi ko sinasabi kung ano. Graduation project namin sa Art Appreciation, gagawa ng isang kanta for appreciation in music kasi ang nabunot ko, sa dami dami 'yon pa nabunot ko. Hindi naman ako song writer, frustrated singer lang ako.

Matapos ang ilang oras na pakikipagtitigan sa papel ko, wala pa rin akong nagawa at nasulat. Ang hirap pala sumulat ng kanta kapag wala kang inspirasyon o pinaghuhugutan. Napatingin ako sa cellphone ko, maga-alasais na pala kaya pala dumidilim na. Niligpit ko na ang mga gamit ko para bumaba, titingin na lang ako ng pwede makain.

Umorder lang ako ng isang okinawa milktea at burger, late ko naman mag-meryenda, halos maghahapunan na rin. Napalingon ako sa gig station para tignan kung sino ang tutugtog, nakita ko ang isang lalaki, hindi ganun katangkad, mapayat, nakahoodie siya na navy blue at nakacap na black, kaya hindi ganon kita ang mukha niya. Siya siguro yung sinasabi ni ate Ami na bagong tutugtog dito, so, solo lang din pala siya? Mamaya na siguro ako uuwi since nagsabi ako kay ate Ami na manonood ako.

"Hello, everyone! Just call me Sol."

Pagkatapos niya magpakilala ay nag strum na siya agad sa gitara.

"I was distracted
And in traffic
I didn't feel it
When the earthquake happened
But it really got me thinkin'
Were you out drinkin'?
Were you in the living room
Chillin' watchin' television?
It's been a year now
Think I've figured out how
How to let you go and let communication die out"


Parang narinig ko na yung tono ng kanta na 'to, hindi ko lang matandaan kung saan.

"I know, you know, we know
You weren't down for forever and it's fine
I know, you know, we know
We weren't meant for each other and it's fine"

Maganda boses niya, malalim pero ang buo ng dating. Parang ang sakit agad pakinggan ng kanta kapag siya yung kumanta,

"But if the world was ending
You'd come over, right?
You'd come over and you'd stay the night
Would you love me for the hell of it?
All our fears would be irrelevant
If the world was ending
You'd come over, right?
The sky'd be falling and I'd hold you tight
And there wouldn't be a reason why
We would even have to say goodbye
If the world was ending
You'd come over, right?
Right?
If the world was ending
You'd come over, right?
Right?"

Natandaan ko na saan ko narinig yung kanta na 'to, sa tiktok.' Yun pala title ng kanta na 'yon. Pero talagang maganda boses niya ha. Tama si ate makaka-vibes ko nga 'to kapag nag-collab kami, kaso parang ang introvert type niya.

--

Pumunta ako sa counter para hanapin si ate Ami, magpapaalam na ako na uuwi na ako, sakto naman na lumabas siya sa office niya kasama yung bagong tutugtog.

"Oh, Luna aalis ka na?"

"Oo ate, hinahanap na ko ng magaling kong kuya eh."

"Yung kuya mo na 'yon talaga ginagawa ka pa rin na baby. Teka, bago ka umuwi, papakilala ko muna sayo si Sol, siya yung bagong tutugtog dito sa iSTUDYo."

Agad naman ako ngumiti at inabot ang kanang kamay ko. "Luna."

"Sol." Inabot niya naman ang kaliwang kamay niya. Kahit pala magsalita siya ganun pa rin boses niya.

"Sol, si Luna, siya yung kinukwento ko na matagal na rin dito sa iSTUDYo."

Hala, nakwento na ako agad? Sabi ko na eh, nirereto na naman ako nito ni ate Ami.

"I heard you're good at singing. Let's collab if you want."

"Ah, sure kaso hindi pa ko pwede ngayon, may tinatapos pa ko na graduation project eh"

Ang formal naman niya masyado, mage-english din sana ako kaso baka mapahiya ako, sobrang sabaw ko pa naman ngayon.

"Ano ba yang ginagawa mo? Baka sakaling may matulong ako." Pagtatanong ni ate Ami.

"Need ko gumawa ng song for graduation project namin sa Art Appreciation, ate. Wala pa kong nasisimulan hehe. Alam mo naman, hindi naman ako song writer."

"I can help." Pago-offer ni Sol.

"Hala, no need! Nakakahiya naman."

Ako mahihiya? Kung close ko lang 'to baka sa kanya ko na pinagawa para wala na ko gagawin at para matapos ko na pinapanood ko na k-drama.

"No, I'm willing to help, since sabi ni ate Ami na gusto niya na kumanta ka na ulit."

"Sige na, Luna, tanggapin mo na." Yung mga tingin ni ate Ami parang may iba pang kahulugan eh. Nako talaga.

"so, tomorrow?"

"Ah, sorry 'di ako free bukas eh, pupuntahan ko kasi bestfriend ko. Sa susunod na araw? Free ka ba?"

Nakakahiya naman, ako na nga 'tong magpapatulong, siya pa maga-adjust sa sched ko.
Pero wait, siya naman nag-offer eh.

"Sure, dito na lang."

"Ah, sige. Ate Ami, una na ko, Sol thank you, see you!"

At nagmadali na ko tumakbo palabas, nag-text na kasi si Kuya, kapag hindi pa raw ako umuwi, mamamatay na raw si Yumi sa gutom, sobrang bait ng kuya ko 'diba? Kanina pa siya nasa bahay pero hindi man lang naisip pakainin yung aso ko!

--

SOL at LUNA (2020)Where stories live. Discover now