"You've got to believe,
In the Power of Love,
It gives meaning to each moment,
It's what our hearts are all made of,
You've got to be—"
"Hoy, bilisan mo raw dyan, Luna! Isang oras ka na naliligo."
Nandito na naman 'tong kuya ko, wala talagang araw na hindi pwedeng hindi niya ko naiinis. Everyday routine na niya, parang daily task.
"Oo na, ito na! Palibhasa maliligo ka 2 minutes lang."
"Ano sabi mo? Mama, si Luna oh sabi bakit mo raw siya pinagmamadali."
"Mama! Wala ako sinasabi, ang epal mo kuya doon ka na nga, patapos na ko!"
Syempre nasa everyday routine na rin naming magsigawan, pero kahit ganyan yan, maasahan ko naman si kuya at some point, minsan lang yon as in bihira pa sa madalang.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako, nag - oversize polo shirt, short at white rubber shoes lang ako, onting lagay ng make up, at inayos ko na rin yung dadalhin ko. Magkikita kasi kami ni Ligaya, bestfriend ko. Magkaiba kasi kami ng school, kaya walang gaanong time sa isa't isa. Actually, tatlo kami magkakaibigan, si Haraya kasi busy ngayon, gumagawa ng story, script writer kasi ang ate niyo.
"Ma, magkikita lang kami ni Ligaya ah." Pagpapaalam ko at syempre hindi pwedeng hindi sasabat ang kuya ko.
"Sus, Ma, 'wag ka maniwala dyan, makikipag-date lang yan."
"Ano naman, Blair? Matanda na yan kapatid mo at isa pa, ga-graduate naman na siya." Pagtatanggol saakin ni Mama.
"Kahit na, Ma, lalaki ako, alam ko na yan, mamaya lokohin pa siya, saktan at iwan oh sino mag-aasikaso dyan, ako 'diba?"
"Sus, kuya, 'wag mo kasi itulad lahat ng lalaki sayo. Alam mo ba Ma, si kuya, 'diba nililigawan niya si ate Setsuna tapos nakita ko iba yung babaeng kausap n---"
Tignan mo kung gaano kabastos kuya ko, tinapalan ako ng tinapay sa bibig. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ang alam ko si ate Setsuna nililigawan niya, tapos kagabi iba yung itsura ng babaeng nililigawan niya hmp.
"Huli ka na sa balita, nak. Haha! Binusted na ni Setsuna ang kuya mo."
"Ay weh? Buti nga sayo, ble!" At tinapalan ko rin siya ng tinapay sa bibig kala niya ah.
"Busy masyado si Setsuna, hindi pa raw siya ready mag-commit. Sabi ko mag-aantay ako, pero syempre hindi ko sinabing sa-sideline muna ako."
"Yuck! Cheater na cheater ang datingan, hmp! Alis na nga ako, Ma, ba-bye!"
"Sige, nak, ingat ka!"
"Hoy, mag-text ka kay Papa kung ano oras ka uuwi, para sumabay ka na."
Tumango na lang ako at lumabas na, baka kapag pinatuloy ko pa makipag-asaran kay kuya masira lang buong araw ko.
--
Nandito na ako sa 7/11 at as usual, inaantay ko na naman si Ligaya, palagi naman, siguro mag-iisang oras na ako nag-aantay sa kaka-wait niya.
"Sorry, ang dami ko pa kasi ginawa sa bahay eh."
"Parang hindi naman ako nasanay? Eh since high school lagi mo ako pinagaantay hmp. Tara na nga, mainit, sumakay na tayo."
Nag-jeep lang kami papuntang mall, magtipid daw kami dahil marami daw siyang babayaran, eh kuripot naman talaga siya ever since. Naisipan muna naming kumain sa Jollibee since tanghali na rin, ganon katagal ko siya inantay inabot na kami ng tanghali. Umorder lang ako ng chicken na may kasamang burger steak, siya naman palabok at shanghai.
"Oo nga pala bago pa mawala sa isip ko, ano yung nabasa ko sa tweet mo? Ano meaning non ha?" Pagtatanong ko, nabasa ko kasi sa tweet niya na namimiss niya na raw kasabay umuwi si Aeron, which is ang engineering student na naging m.u niya nung first year.
"Ah yun ba? Hehe. Nabanggit ko naman sayo na nagkakausap kami ulit 'diba, yun."
"Ang sabi mo nagkakausap lang, hindi nagkikita o nagkakasama."
"Luna, nasa iisang school lang kami, magka-department pa, syempre hindi maiiwasan magkita."
"Oh ano nga meron sainyo?" Nas-stress ako sa bestfriend ko na 'to, hilig talag nito bumalik sa taong niloko lang siya.
"Nanliligaw."
"Ah, so, nagliligawan na pala, kailan pa?"
Minsan naiisip ko kung bestfriend ko pa ba 'to si Ligaya eh, hilig magtago saakin hmp.
"2 months pa lang, busy kasi siya ngayon, madalas nasa site siya, ginagawa niya na kasi yung para sa isang graduation project niya."
"So, nagliligawan na nga. Hmm! Kapag ikaw niloko ulit nyan at may nililigawan pa palang iba ha, ewan ko na lang talaga, Ligaya!"
Concern lang naman ako, ilang beses na siya niloko, ayoko lang naman maulit ulit. Mas masakit kaya kapag nakita mong nasasaktan yung bestfriend mo.
"Ipapakilala ko naman na dapat ng personal, dapat kasama siya ngayon, kaso sabi ko next time na lang, ngayon na nga lang tayo magkikita may kasama pang iba 'diba."
"Oo na, sige na, siguraduhin niya lang na matino siya. Huhuntingin ko talaga siya tignan mo."
"Hahaha, oo na, alam naman na niya yon, takot niya na lang sa'yo. By the way, kumusta na pala yung graduation project mo sa art appreciation? May nagawa ka na ba?"
"Ayon, as usual wala pa rin." Napasubo na lang ako sa kinakain kong ice cream nang maalala ko yung ipapasa ko na yon, hays.
"Hindi rin kasi ako makatulong eh, alam mo naman paggaling sa school deretso sa trabaho ako. Bakit hindi ka magpatulong kay Kuya Blair?"
"Sus, teh! Ano aasahan mo doon? Pambwibwisit lang ata alam non gawin. Tsaka may tutulong naman na saakin, bukas namin sisimulan."
"Oh yun naman pala eh, wala ka na pala pro-problemahin."
Speaking of, hindi ko pala nahingi yung number niya o facebook man lang, ni wala man lang ako sinabi ano oras kami magkikita. Dadaan na lang akong iSTUDYo mamaya, kay ate Ami ko na lang hihingiin.
"Hindi pa sure yon, kakakilala ko lang dun sa tutulong saakin, bagong singer sa iSTUDYo."
"Ay Luna, bilisan mo na dyan, mag 2pm na, mags-start na yung papanoorin natin."
--
Naisipan naming maglakad ni Ligaya pauwi, para mas matagal pa kami makapag-usap, inaya ko siya na dumaan sa iSTUDYo para mainform ko si Sol kung ano oras kami magkikita bukas. Hindi mahilig magkwento si Ligaya lalo na pag tungkol sa kanya, pero pinilit ko siya na magkwento ng tungkol sa kanila ni Aeron.
Masaya naman ako na nakikitang masaya si Ligaya, kaso minsan nasaakin pa rin yung takot na baka masaktan siya. Ganun ko lang talaga sila iniingatan ni Haraya, hindi naman kasi nila deserve maloko at maiwan, well, hindi deserve ng kahit sino 'yon.
Pagkarating namin ng iSTUDYo ay sakto naman na lumabas si Ate Ami, kaso ay may kausap siya sa tawag kaya pinaderetso niya na lang kami sa loob at sakto din na patapos na kumanta si Sol, balak niya ba magaraw-araw dito? Mayamaya ay bumalik na rin si Ate Ami, nabanggit niya na yung kausap niya ay yung kinuha niyang interior designer, balak niya na palitan yung style ng iSTUDYo, para mas attractive.
"Ayan tapos na si Sol, Sol!" Pagtawag naman agad ni Ate Ami habang inaayos ni Sol yung mic, nakakamiss talaga humawak nh mic, napakadami ko kasing ginagawa, ang tagal naman ng graduation, hays.
"Hindi ba masyadong boring yung kanta ko kanina, Uy, Luna, right?"
"Yep, friend ko, si Ligaya." Pagpapakilala ko sa katabi kong iba na agad ang tingin, kung ano-ano na naman iniisip nito panigurado.
"Kanina ka pa inaantay ni Luna, bakit mo pala hinahanap si Sol, akala ko ba bukas pa kayo magkikita?" Maka-kanina naman 'to si Ate Ami baka ano isipin ni Sol.
"About that, nalimutan ko kasi humingi ng number or facebook mo, hindi ko alam paano kita ic-contact kung anong oras tayo magkikita."
"Nagmamadali ka kasi umalis noon eh, here, type mo phone number mo." Pagkaabot niya ng phone niya ay tinype ko na rin agad yung number ko, ibabalik ko na sana ng mapindot ko yung back, at nakita kong wallpaper niya ay araw, as in sun.
"Sol na Sol yung wallpaper mo ah."
"Nako, ikaw nga buong kwarto mo may moon." Pagsabat naman ng mabait kong bestfriend.
"I just love the representation of sun, so, what time tayo tomorrow?"
"1pm na lang."
"Sure, it-text na lang kita."
Magsasalita pa lang sana ako ng biglang nag-ring yung phone niya at agad siya napangiti, girlfriend niya siguro. Sumenyas lang siya saamin na aalis na siya para sagutin yung tawag. Napatingin naman ako agad kay Ate Ami at Ligaya na halatang inoobersabahan yung reaction ko.
"Nako, kung iniisip mong girlfriend niya yon, oo, girlfriend niya." Pagsagot ni Ate Ami sa tanong na nasa utak ko, well hindi pala tanong kasi in the first place alam ko naman.
"Parang may umasa na wala, pangalan ata Selene Marie?" pangggatong pa ni Ligaya, hindi ko nga type si Sol, I mean he's not really in my standard pero pwede na, more on parang kaibigan yung dating niya saakin.
And isa pa, may ka-MU na ko, mali, hindi ko na pala sure kung MU pa ba kami kasi isang lingo na siya hindi nagm-message. Ghosting na ba 'yon? Na-ghost na ba ako?

YOU ARE READING
SOL at LUNA (2020)
Teen FictionMahal kong Sol, ako si Luna. Tayo ba ay tinadhana ng sansinukob? Ngunit, tayo ay ipinaglayo. -- © babaeng marupok / 2020