Mahigit tatlong linggo na ang nakakaraan matapos ang insidente. Tatlong linggo na ding hindi umuuwi ang kanilang ina. Naalala niya ang gabi pagkagaling niya sa trabaho, naabutan niya itong nag-eempake ng mga damit at ang paghagulgol ni Maymay.
"Sige, tutal nasusumbatan niyo na ako at nagmamayabang na kayo na kaya niyo na, edi mamuhay kayo mag-isa! Ayoko na ding nakikita ang mga pagmumukha niyo dahil pinapaalala niyo lang sa'kin ang mga gago niyong ama!"
"Heto ang suweldo mo, Sha." Inabot niya ang sobre mula sa kamay ni Aling Cecille.
"Salamat po."
"Napakasipag mong bata kaya dinagdagan ko yan."
"Naku Aling Cecille, di na po kailangan!" inalok niya pabalik ang sobre ngunit umiling lang ito.
"Hindi, tanggapin mo na. Alam kong kailangang-kailangan mo iyan."
"Salamat po talaga, Aling Cecille."
"Woww, sweldo time niya na! Manlibre ka nemen diyen!" Biglang pagsulpot ni Nash.
"Anong libre ka diyan? Gayahin mo kaya itong si Sha, napakasipag maghanap buhay. Eh ikaw, puro ka nalang games!" Panunuway ni Aling Cecille.
"Grabe ka naman, 'Nay. Gamer ako ngayon pero future engineer 'to! 'Di ba, 'Tol?"
Babarahin pa sana niya ito nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, hudyat ng tawag at nakita niya ang pangalan ng kapatid.
"Bakit, May?"
"Sha, si Lydia ito." Narinig niya ang pagkataranta sa boses ng kausap. Agad na dumagundong ang puso niya sa kaba.
"B-bakit po? Nasaan po si Maymay?"
"Yung kapatid mo, pauwi na siguro eh bigla na lang tumumba dito sa tapat ng tindahan! Inihatid na namin siya ni Roger sa posibleng pinakamalapit na ospital, mukhang malakas din kasi yung pagkabagsak niya!" Paliwanag nito bago sinabi sa kanya ang address ng pagamutan.
Hinabol niya ang hininga sa takot. "S-sige po, pupunta na po ako diyan." Agad niyang ibinaba ang tawag.
"May problema ba, Sha?" Nag-aalalang tanong ng ina ni Nash.
"S-si Maymay daw po, sinugod daw po sa ospital." Naluluhang sagot niya.
"Ha?! S-sige, ipahahatid na kita kay Nash."
Tumango na lamang siya at 'di na tumanggi pa.
Habang nasa sasakyan ay napansin niya ang panginginig ng mga kamay. 'Di rin matigil ang pagtulo ng kanyang luha.
"Sha, Magiging okay lang si Maymay." Pagkumporta ni Nash na inilipat ang tingin sa kanya.
Pinalis niya ang luha. Pinilit niyang maging matatag at umasang ayos lang ang kapatid. Alam niya ang sakit na meron ang kapatid at alam niya kung gaano ito kapeligro. Kung may malalang nangyari dito ay 'di niya alam ang gagawin.
Maya-maya pa ay nakaabot na sila sa ospital. Dali-dali siyang bumaba at nagtungo sa loob upang hanapin ang kapatid. Nang sagutin ng info desk ay mabilis siyang tumakbo upang puntahan si Maymay.
Mula sa labas ng silid ay naabutan niya sina Aling Lydia at ang asawa nito na may bahid ng pag-aalala sa mga mukha. Sinilip niya ang kapatid mula sa bintana ng kuwarto at nakitang wala itong malay habang may nakasuportang IV na inaayos ng dalawang nurse. Hindi niya na napigilan ang pag-iyak nang makita ang kalagayan ng kapatid. Naramdaman nalang niya ang dalawang brasong bumalot sa kanya.
"Tahan na, bubuti din ang lagay niya." bulong ni Nash.
Lumabas ang doktor mula sa kuwarto at agad niya itong nilapitan.
"Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito.
"Ako nga po, Doc. A-ano pong nangyari sa kapatid ko?"
"Base sa medical records niya, may diagnosis ng brain aneurysm ang kapatid mo. Ang pagkahimatay niya kanina ay sanhi ng pagod at sakit na dinulot ng arterial rupture na nag cause ng internal bleeding sa espasiyo ng utak niya. Maaari itong magdulot ng life-threatening stroke."
Nanghina siya nang marinig ito. Alam niya ang kondisyon ng kapatid at kahit natutustusan niya kahit papaano ang gamot nito ay 'di pa rin matutukoy kung kailan pwede mamiligro ang buhay nito dahil sa sakit. "Pero doc, magiging okay pa naman po siya, 'di ba? May magagawa pa po kayo para sa kanya, 'di po ba?" Palihim siyang nanalangin na sana'y may pag-asa pa. Handa siyang gawin ang lahat para sa kapatid.
"Masuwerte ang kapatid mo at nakaligtas siya ngunit kailangan agad matugunan ang operasyon na dapat isagawa para maiwasan natin ang risk ng pangalawang fatal bleeding. Pero iha, tatapatin na kita. Maselan ang operasyon na ito kaya kailangan siyang ilipat ng ospital at hindi din tayo makakasigurado sa kalalabasan ng operasyon."
Kanina pa siya nakatulala sa harap ng pagkain. Kanina pa din siya kinukumbinsi ni Nash na galawin iyon.
"Siya na lang talaga ang meron ako." Pinunasan niya ng luha na pumatak. "Hindi ko kayang mawala yung kapatid ko, Nash."
Agad na lumipat ng upuan si Nash at tumabi sa kanya at marahang isinandal ang ulo niya sa balikat nito habang maingat na tinatapik ang kanyang likod.
"Bata pa lang tayo, alam ko na kung gaano kahalaga si Maymay sa'yo. Ang tanging kailangan natin ngayon ay dasal at tiwala na gagaling ang kapatid mo. Tutulungan kita para sa operasyon niya."
I'm
Humiwalay siya mula bisig ni Nash at tiningnan ito ng may apresasyon. "Salamat Nash. Pero sa tingin ko, kaya ko na 'to."A/N: Salamat, co A'TIN, Sharlenatics and SharTins sa pagsuporta ng story! Mabagal ang update pero madami akong plano para sa flow. Ingat kayo lagi!
YOU ARE READING
Chasing Fire
FanfictionDrowned in fame, Justin seeks for a fresh air of freedom. In doing so, he unexpectedly stumbles upon someone he'd never thought would exist. Would he still run after her regardless of the risks? Would he still chase her even if she's a fire that mig...