Sa sobrang lungkot na naramdaman ni Jhonas sa mga oras na yun nagpatakbo lang siya ng napakabilis hangang sa makarating siya sa tabing dagat, sa lugar kung saan niya dinala si Kalissa nagbalik tanaw siya sa nakaraan, yung mga panahong magkasama sila doon, yung mga panahong nakilala niya si Kalissa bilang si Kalissa Agustin hindi bilang isang artista na kilala ng mga tao.
Bumuhos ang malakas na ulan, napatinggala sa langit si Jhonas
Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin
Jhonas: ang galing naman talaga eh, nakikisarama rin ang panahon sa nararamdaman ko
Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan
Jhonas: teka nga lang bakit ba may background music pa?!
Dumi at putik sa aking katawan
Ihip ng hangin at katahimikan
Jhonas: oh! Wag mo ng ituloy pa, hindi ko kailangan ng background music!
Naiinip ng naghihintay si Kalissa kay Jhonas pinangako kasi ni Jhonas na pupuntahan niya si Kalissa eksaktong 5 ng hapon ngunit malapit ng mag 6 kaya nag-aalala na siya. 10 beses niya ng tinawagan ang cellphone nito ngunit hindi nito sinasagot kung ano-anong mga pangyayari ang nasa isipan ni Kalissa ng mga oras na yun.
Nagtataka na rin siya sa sarili niya kung bakit ba nag-aalala siya ng husto para sa lalaking yun, hindi naman siya ganito sa iba sadyang napakalaki ng impak ng lalaki sa kanya