5 years Ago

19 1 0
                                    

Monday, 7 in the morning. October 26, 2009. ‘Yan ang eksaktong oras at petsa kung kalian ko nagawa ang Death Note for my Love. Hindi ko na inisip kung ano ang maaaring kahinantnan ng plano na’to. Basta ang alam ko: Nasaktan ako; Umiyak Ako; BABAWI AKO!

Sa totoo lang Mark, natatawa ako sa sarili ko. Tatlong buwan na ang nakakalipas nang simulan kong isagawa ang unang Death Note for my Love which is

                                                                        -Move on

 Grabe! Ang hirap pala nito. Look, three months na ang nakakalipas yet hindi ko parin nagagawa. Paano ako matatapos nito e Tatlong Move-On pa naman ang nalagay ko. Sa isang Move-on nga e hindi ako makaalis paano pa kaya kung tatlo tapos may Times 10 pa. Niloloko ko ata ang sarili ko. Nakakainis. Lahat ginawa ko. Naglagay ako sa ceiling ng kwarto ko ng: 

Hello Marcus! It’s MOVE-ON Day! Start your day with Moving On! You can do it!

I took a picture of it then I made it as wall paper of my laptop and my phone. I even printed and laminated it. ka-size siya ng ID ko. Ginawa ko siyang Key chain. I even pinned it to my Facebook Wall. Everyday ko siyang nire-retweet sa mga twitter followers ko. Siyempre, hindi ko pinatawad ang Instagram.

Pero walang naging epekto. Gabi-gabi parin akong umiiyak. Ang weak ko ano? Wala eh. Tao lang na nagmamahal, taong nasaktan…

Hahaha, sorry buds for interrupting you. Natatawa ako sayo. Yung Hello Marcus! It’s MOVE-ON Day! Start your day with Moving On! You can do it! Nagawa mo talaga yun? Hindi kapani-paniwala. I don’t know that you’re that kind of man. Hahahah.

Ayan ka nanaman sa kind of kind of kind of mo  na yan ah!

E kasi buds, until now, I don’t know you yet pala. You have lots of stuffs to tell about your life huh. It’s getting interesting. Sige tuloy buds.

Lahat ng bagay na pwede kong pagbalingan ng atensyon pinagbalingan ko na. As in.

Like what Buds?

Hmm, like reading books, writing novels. Actually I accidentally created a story at wattpad and it was entitled  BAKIT KA MAGMO-MOVE-ON, NAGING KAYO BA? Hahaha. Lumabas ang pagiging artistic ko that time. Dahil sa gusto kong matapos agad ang story na’yon, pati mga spelling kulang-kulang. Yung parang text na tinatamad.

Parang Jejemon ba Buds?

Not totally Jejemon. Haha. Hindi ko rin naman natatapos pa hanggang ngayon eh.

also Youtube videos. Halos lahat ata ng funny videos ay napanood ko. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko kina 9gag, just for laughs, sa mga prank videos dahil panandalian kong nakalimutan ang kalungkutan.

PANANDALIAN.

Lahat ng pangyayari ay maiihalintulad ko sa salitang PANANDALIAN. Walang pangmatagalan. Ano nga English word ng walang pangmatagalan? Nakalimutan ko na eh. Nabaon ko din ata sa limot ang English nun.

Hay Buds. Bitter ka nga! FOREVER ang English nun. And to clarify, FOREVER DOES EXIST, hindi mo man siya naramdaman noon, wag ka mag-alala dahil balang araw ay magpapasalamat ka sa salitang Forever. Katulad ng pagmamahal, Forver kang magmamahal, maybe not in the same person but still, Forever you will love and will be loved. Remember that Marcus.

Narinig ko na binanggit ni Mark ang panaglan ko. Haha. Seryoso na siya sa oras na ‘to. Minsan lang magseryoso ‘to pero once na sersyoso siya, tunay at may pinanghuhugutan siya ng bawat linyang binibigkas nya. Pareho kami ng characteristics nitong bestfriend ko na'to eh, mas pogi nga lang ako.

Forever does exist ng ba? Bigla ko nalang natanong ‘to sa sarili ko. Napaisip kung tama ba ang sinasabi niya at mali ang pinaniniwalaan ko? Hay buhay! After school, diretso agad ako sa paborito kong lugar bago umuwi tutal dadaanan ko naman ‘to para makauwi. Saktong sakto kasi every night e maganda ang view, mga ilaw na kulay dilaw, tila ba mga matang kumikislap. Tila nagpapaalala na sa bawat dilim na kinakaharap natin sa ating buhay, may liwanag paring naghihintay at ikaw lang ang hinhintay ng mga ito. May mga bagay na nasa harapan mo na pero hindi mo parin Makita. May mga small water fountain na umaakyat mula first floor papuntang second floor hanggang third floor at huli sa fourth floor. Inihahalintulad ko ito na ang buhay ay hindi laging nasa baba. Walang escalator or elevator papunta sa hinanhangad mong kinabukasan. Kelangan maghagdanan at bawat hagdanan ay may nag aabang na pagsubok. Pagsubok na susubok sa’yong katatagan.

Teka Buds, parang alam ko ang tinutukoy mong lugar. Sa Tri… pshhhhhh. Wag ka nga Buds. Sikretong lugar ko’yon tapos isisiwalat mo? No! haha. I want it to be private even though I know it’s a public place. Haha. 

So March na at mag eend na ang school year. Iniisip ko kung ano ang paglilibangan ko ngayong summer. I and Xieltiel used to have vacations. We already went to Baguio, Tagaytay, Ilocos, Batangas, Boracay and many more. nakakamiss. no! no! no! nakakainis pala Buds.

At that time, isinagawa ko na ang plan no.4 ko

itutuloy...

www.moving-on.com/mahirap-palaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon