KAREN'S POV
Ngayon daw dadating si Idol. Naku.. Kailangan maghanda. Magpaganda kaya ako?
Ay hindi... Dapat simple lang.
Ay hindi... Dapat ...
Ano ba!??
Ano bang gagawin ko?
Argh, wala. Hamo na. Di naman ako mapapansin nun ee. Sino ba naman ako?
===
GAB'S POV
Heto na,.
Nakababa na ako ng sasakyan.
Buti wala masyadong estudyante, siguro may klase sila.
Paakyat na kami doon sa may Office ng Principal.
Doon nakita ko yung ilang mga highschool students na mga babae kaya naman nagtatakbo sila papunta sakin.
Ayoko nito!!! Nakakainis. Ayoko ng mga nagkakandarapa sakin. Ganito na ba sila ngayon?
"4th year students, later na kayo magpapicture" sabi nung principal.
"Ahhhhhh! Mam D...!! Ang gwapo!!!" sabi nung mga babae.
Puro yan naririnig ko. Hay nakoo. Sawakas, nakapasok na kami sa pinaka office nila.
Nag usap lang yung manager ko at pati yung mga coordinator sa school na yun.
Tapos narinig ko yung pinagusapan nila. Sabi nung manager ko, maghahanap daw sila ng isang babae na may extra ordinary voice.
"Pano natin gagawin yun?" sabi nung principal.
"Eh kung mag pa audition kaya tayo?" sabi ko naman...
"Oo nga tama! Isa ka sa mag jujudge.." Sabi nung principal.
Kaya naman. Nagkasundo kami. Magpapa audition kami bukas na bukas din. Sa ngayon, bababa muna kaming lahat para ma-meet nila ako personally kahit sa stage lang....
===
KAREN'S POV
Pinabababa na lahat ng highschool students.
Eto na...
Makikita ko na si Idol..
Karen.. Chill..Chillax .
Huuu. Makapunta nga muna sa C.R.
Nilock ko yung pinto. (HAHAHA! Parang ako may ari ng CR wah)
Polbo mode, pabango, suklay, anu pa ba kulang? Ahh wala na..
" ~ I feel, so free, It's like a fantacy
Having you next to me...
Suddenly It's Magic...
Hmmmm Hmmmm.... ~ "
Yeah. Ganda ba boses ko ? (hihihihii ^_^)
Makalabas na nga. San na kaya mga kaklase ko?
Silip dito.. Silip don. Ng biglang. .....
"Aray!" -- Napaupo ako kasi may nakabangga ako.
"Miss naman di ka tumitingin sa dinadaanan mo ee." -- Sabi nung lalaki pero di ko nakikita yung mukha kasi nakayuko ako..
"Miss tulungan na kita tumayo." -- *PAG TINGALA KO...* Ahhhh! Si Idol yung tumulong sakin tumayo. Ahhhh! Karen Chill... Chillax. Take it easy.
"Ahh. Sorry po . Di ko po napansin.. Pasensya na"
"No it's okay. Sorry din. Di ako tumitingin sa dinadaanan ko ee. I need to go. Bye miss."
Tinatawag na kasi sya ee.
Tas ayun, nahanap ko na yung mga kaklase ko. Hindi nila alam yung nangyari. Ang nakakita lang ay ako, si artista, yung manager nya, si Mam Diaz at si Mam Nancy.
===
GAB'S POV
Pababa na kami ng hagdanan. Habang bumababa, may naririnig akong kumakanta sa may CR nila.
Wow,. Ang ganda ng boses..
"~Suddenly It's Magic.....~"
Nice. Amazing. Pero umakyat ulit ako kasi may naiwan pala ako . Hanggang sa nawala na yung boses na pinakikinggan ko kanina.
Sakto pag baba ko...
"Aray!" -- Nabangga ko yung isang babae. Napaupo tuloy siya.
"Miss naman di ka tumitingin sa dinadaanan mo ee." -- Sabi ng manager ko..
"Miss tulungan na kita tumayo." -- Pangaalok ko dun sa babae.
"Ahh. Sorry po . Di ko po napansin.. Pasensya na" sabi nya na parang nagblu-blush :">
"No it's okay. Sorry din. Di ako tumitingin sa dinadaanan ko ee. I need to go. Bye miss." Kailangan ko na kasing pumunta sa stage since tinatawag na ako nung manager ko..
===
![](https://img.wattpad.com/cover/2464118-288-k811399.jpg)
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic <3 (on-going)
Подростковая литератураLOVE IS A BATTLEFIELD, MAY NANANALO,.. MAY NATATALO.. Pero paano mo ipapaglaban ang pagmamahal mo, kung alam mo sa sarili mo na mahirap ito. Kakayanin mo bang mag tiis para lang sa taong mahal mo, o ipapaglaban mo ito para sa kapakanan mo...