Chapter 2

76 12 5
                                    


"Here's your or-" narinig kong sabi ni Kahel pero napatigil siya, siguro nakita niya yung laman ng box.

Nakatitig lang ako sa laman ng box at kinuha 'to.

"Ang cool.." nasabi ko sa bagay na hawak ko ngayon, isa 'tong throwing knife na gawa sa copper ang handle.

May dalawang star sa gilid ng handle habang may isang star sa pinaka dulong baba. Tapos yung blade naman may torquise holographic ang color.

May leather case rin siya na sinusuot ata sa legs at sa ilalim ng leather case may letter.

Binasa ko yung letter galing pala sa panganay kong kuya na si Kuya Third, gift niya raw sa 'kin since next month ang birthday ko in advance nalang daw.

Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig kong tinawag ni Kahel yung pangalan ko.

"Zuri.." tinignan ko siya na may nagtatakang mukha pero nilapag niya yung iced coffee kong order at umupo sa harap kong upuan.

"Paano mo nalaman yung pangalan ko?" nakangunot noong tanong ko sa kanya. Stalker ko ba siya or what? Lol assumera ka Zuri.

"Ayun oh nakasulat." sagot niya at nag nguso paturo sa box sabay ngumiti nang para bang natatawa siya.

Medyo tanga lang Zuri ha

"Sino nag bigay sayo?" tanong niya habang naka cross arms.

"Si- teka close ba tayo? bakit ko naman sasabihin sayo?" pataray kong sagot sa kanya. Nakita ko namang parang pinipigilan niya yung tawa niya.

"Ok ok sabi ko nga, anyways-" sabi niya pa pero hindi ko na narinig pa yung mga sumunod niyang sinabi dahil may naalala ako.

Naalala ko yung mga panahong tinuturuan  kami ni Papa about sa mga klase ng guns at knives pati na rin mag-self defense, para raw in case of emergency may alam kami. Ayon ang isa sa pinakamasayang parte ng buhay ko.

Naalala ko dahil sa inis ko sa pang-aasar ni Kuya Uno sa 'kin nag duel kami sa karate. Ending talo siya nagka bukol pa tapos ako grounded for one week argh.

"Nakikinig ka ba?" rinig kong sabi niya kaya bumalik ako sa wisyo.

"Ah?  Oo nakikinig ako." pagsisinungaling ko sabay tawa nang peke.

"Sige nga, If you're really listening to me  ano nga yung sinasabi ko?" nagcross arms siya habang nakatingin sa akin nang hahamon na tingin.

"Hehe hindi ko talaga narinig, sorry." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Nakita ko namang pinipigilan niyang tumawa ulit kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya.

Tumawa siya nang mahina nakakainis yung tawa niya, sarap sakalin.

"Zuri ang taray mo pa rin hanggang ngayon." napakunot noo ako sa sagot niya "hanggang ngayon" kilala niya ako?

"Sino ka ba talaga? Kilala ba kita?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Teka close ba tayo? bakit ko naman sasabihin sayo." pang-gagaya niya sa sinabi ko kanina. This guy is getting into my nerves argh.

Tumayo na ako para maghanda na umalis dahil naiinis lang ako at mukhang hindi na rin naman na dadating yung taong hinihintay ko. Kinuha ko na yung box at sinuot na yung shoulder bag ko sabay kuha sa iced coffee ko.

Nang makalabas na ako balcony at akmang aalis na ako may humablot ng pulsuhan ko kaya nagulat ako at hindi ko napigilang mapasigaw.

"AHHHHH!!" sigaw ko sabay tingin sa humablot sa akin, si Kahel na naman for God's sake! He's so annoying!

Z.C - Zombie Catastrophe (UNDER MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now