Chapter 1

205 37 5
                                    


Dumarami na ang kaso ng hindi pang kilalang sakit, napabalitang ang unang kaso nito ay nagmula sa bansang Thailand.”

“Sa ngayon wala pa ring sapat na kaalaman kung ano pa ang mga sintomas maliban sa panlalamig at seizures.” “At kung saan nagmula ang sakit na ito.”

“Nandito ngayon Si Doctora Fer- ” hindi ko na narinig ang mga sumunod pang sinabi ng reporter dahil bigla nalang in-off ni Papa yung t.v.

"Si Papa nanonood pa nga eh, bakit mo naman pinatay agad?" sabi ko habang nakangusong tumingin sa kanya.

"You know the reason already, right?" seryosong sagot ni Papa sa akin kaya tumango nalang ako. Wala naman ako magagawa e, si Papa kaya 'yun nakakatakot kaya siya magalit.

"Naayos mo na ba yung school requirements mo? Sinabi mo na bang lilipat ka ng school?" tanong ni Papa at tinignan ako habang kumakain siya ng bacon.

"Tuloy pala talaga Papa? Pati yung paglipat ng bahay? " tanong ko sa kanya sabay simangot.

Ayoko na sana lumipat kasi may mga naging kaibigan na rin ako dito at nakapag- adjust na. Ang hirap kaya mag -adjust sa new environment 'no.

Tumango siya at nagsalita. "Kilala mo 'ko Siona Zuri kapag sinabi ko, gagawin ko." binigyan niya ako ng tingin na seryoso kaya tumango nalang ulit ako.

"Sabi ko nga po Pa, pero tapos ko na po asikasuhin yung akin." "Si Kuya Uno ba nakapag transfer na rin ng school?" tanong ko.

"Last month pa siya nakalipat at nandun na rin siya sa bahay kung saan tayo lilipat."

"You mean sa bahay nina Grand La?  Hindi siya dun sa condo niya? Saang school naman lumipat si Kuya Uno?" sunod-sunod na tanong ko.

"Don't tell me Papa, doon siya sa school kung saan ako lilipat?" dagdag ko pa. Tumango lang si Papa habang naglalakad papuntang workplace niya.

No way, ayokong makasama yung kuya kong kupal na 'yon. Kinuha ko na yung pinagkainan namin at naghugas na kaagad dahil may lakad ako ngayon.

May pupuntahan akong importanteng tao ngayon at ayokong ma-late kasi birthday niya ngayon.

After ko maghugas ay umakyat na rin ako sa kwarto ko naligo na kaagad ako at nagbihis. Simpleng white dress with small dots design, and white heeled sandals lang ang sinuot.

Habang bino-blower ko yung buhok ko, biglang tumunog naman yung notifications ko sa ig.

Chineck ko kung sino nag-send ng request sa 'kin Xyro Savedra at nag dm siya.

@xyrosvdr : Hi Siona!

Habang inaalala ko kung may kakilala ba akong Xyro nakita kong nakatambay siya sa convo namin at bigla siyang nag-chat ulit.

@xyrosvdr: Seen lang ako baby? :( ang bad mo naman sa future boyfriend mo.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Siraulo ba 'to? hindi ko nalang siya pinansin at inayos na ang buhok ko.

Naglagay lang ako ng blush and lippies  sa lips ko. Sinuot ko na rin yung regalong necklace sa akin ni Papa nung nag 7th birthday ako.

Dinampot ko na yung shoulder bag at nilagay ko yung cellphone ko sa loob ng bag ko tsaka kinuha yung cropped cardigan ko at bumaba na.

"Pa, makikipag kita lang ako sa mga friends ko." dahilan ko kahit ang totoo sa coffee shop ang punta ko dahil doon kami magkikita ng taong 'yun.

"Mag-iingat ka anak, call me if magpapasundo ka." sagot niya sa 'kin lumapit ako kay Papa kasi nasa sala na ulit siya at kiniss siya sa cheeks.

"No need na Papa baka may biglaang lakad ka rin e." sabi ko at lumabas na sa bahay.

Z.C - Zombie Catastrophe (UNDER MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now