Section 1-The Beggining - Gone

557 33 25
                                    

ITO NA PO ANG SECTION 1...

ENJOY READING...

NO SILENT READER..

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------

--Michelle's POV

  "Bakit?" malakas kong tanong.

  Nakita kong nagsisiiyakan, tulala at tahimik ang iba. Nagsitinginan ang lahat kong kaklase sa akin.

"Patay na si Nicole." Nagulat ako sa sinabe sa akin ni Ashley. Isa sa mga malapit na kaibigan namin ni Nicole at ang top two namin sa klase. Bakas sa kanyang mga mata na kakatapos lang nya umiyak. 

  Si Nicole Gomez patay na, ang class president at ang top one namin. 

  Nabibilang din sya sa mundo ng kagandahan at kabaitan. Halos ng magagandang ugali ay nasa kanya na. At ang tinuturing kong kakampi, kasama, kaagapay at tunay na kaibigan.

  Hindi ako makapaniwala sa sinasabe sa akin ni Ashley. Kung totoong patay na talaga si Nicole.

  "Totoo ba ito?" Di ako makaalis sa aking kinatatayuan. Binabalot ng takot ang aking buong katawan.

  "Kaibigan mo, wala kang nalalaman. Sa bagay, wala ka naman pakialam sa mga nangyayari sa iyong paligid", sambit ni Veronica isa sa mga kinaaayawan ko sa aming classroom. Nanatili akong tahimik sa kanyang sinabe. 

  Pinilit ko ang katawan ko na makaalis sa aking kinatatayuan at pumunta sa aking sariling upuan.

  "Oh siguro, ikaw ang killer", dagdag pa nito. Nagsang-ayunan ang ilan kong mga kaklase sa sinabe nya. Para bang sinasabe nila na ako nga ang killer.

  "Hindi ako ang killer", tanging nasambit ko.

  "Nagmamaang-maangan ka pa, aminin muna. Dahil walang sikretong di nabubunyag. Walang tinatagong di nalalaman." Dahan dahan lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

  "Bitawan mo ako, nasasaktan ako. Wala akong dapat aminin sayo o sa inyo dahil hindi nga ako ang killer." Hinigpitan nya muna ang kapit sa braso ko at tsaka nya binatawan. Napakalakas nyang babae, bakas sa braso ko ang nakakamatay nyang kamay.

  Ngumiti syang galit.

  "Veronica hayaan muna. Kailanman ang kriminal ay di aamin na sya ang killer", sambit ni Monica. Isa sa mga barkada ni Veronica.

  "Tama ka girl", dagdag ni Tricia. Ang magkukumpleto sa barkada nila Veronica at Monica.

  Silang tatlo ang tinatawag na Three Girls. Three Girls na walang kinikilanlan. Mapa guro man o studyante.

  Tumalikod si Veronica sa akin at lumipat kina Monica at Tricia. Ngunit bago sya tumalikod, nag iwan muna sya ng ngiting malademonyo.

  Inikot ko ang mga mata ko sa buong classroom. Napansin kong wala ang mga kalalakihan.

  "Nasan ang mga lalaki?" tanong ko sa katabi kong nakaupo sa armchair na si Arnie.

  "Pinatawag sila ni Sir Nievera", sagot nya.

"Bakit daw?"

"Bakit papatayin mo rin sila?"

  "Hindi ako mamamatay tao." Kumukulot na ang noo ko s galit. Lahat ba sila ay naniniwalang mamatay tao ako? Isa akong inosenteng tao. Wala akong kinalalaman sa pagkamatay ng matalik kong kaibigan.

Section 1-F7: Every Girl is Missing (On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon