Be Fan, Vote and Comment. . Plissssssssssssssss
Para malaman ko saloubin nyo, makakatulong yan sa story ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
--Michelle's POV
"Class new classmates, Mr. Giego Maniebo and Ms. May Belle Signo", pagpapakilala ng aming adviser sa dalawa naming bagong kaklase.
Pumasok sila sa loob ng classroom na may dalang matamis na ngiti sa mukha. Natulala ang lahat kong kaklase sa nasilayan nilang angkin na kagandahan at kagwapuhan ng mga bago naming kaklase.
Pero hindi nila alam kung ano ang pinasok nilang seksyon. Dahil ang seksyon na ito ang magdadala sa kanila ng masamang kapahamakan.
"Good Morning. I’m May Belle Signo, 16 years old. From Section 1-F4. Nice to meet you all." Ang lumbay nyang magsalita na tilang nahihiya .
Kanina ko pa napapansin ang lalaki naming bagong kaklase na tingin ng tingin sa akin na may kasamang ngiti sa mukha.
At napansin ito ng adviser namin.
"Mr. Maniebo!!!"
"Sorry Ma'am. Hi! Good Morning. I'm Giego Maniebo, 16 years old. From Section 1-F4. Sana magkaroon ako ng mga bagong kaibigan dito sa seksyon. Nice to meet you all." Napakalamig ng boses nya na parang boses babae. Muling tumingin sya sa akin at ngumiti. Ngunit hindi ko ito pinansin at hinayaan ko lamang.
Balita sa amin na ang Section 1-F4 ay napakasayang seksyon. Laging natutuwa ang mga guro sa kanila. Ano kaya ang dahilan sa paglipat nila dito?
"Wow! ang gwapo ni Giego", sambit ni Kate ang tinuturing naming mahilig sa mga gwapong lalaki. Mabilis na lumapit sa unahan at nagpapansin.
"Mabaho rin ang tae niyan", sigaw ni Xavier.
"Mapanghe din ang ihi niyan", dagdag ni Yashi.
"Asedo lang ang katapat nila", pahabol ni Veronica. Sabay tawa ng dalawa nyang barkada.
Napatungo ang dalawa sa unahan. Na tilang nahiya sa sinabe ng tatlo.
"Shut up!!! Hindi ba kayo maalam mahiya sa dalawa nyong bagong kaklase? Ipinapakita nyo talaga na kayo ang huling seksyon." Tama si Ma'am. Lalo nilang ipinapakita na kung ano kaming seksyon. At kung ano ang mga tao dito.
"Ms. Signo and Mr. Maniebo, dun kayo umupo sa dalawang bakante sa likod."
BINABASA MO ANG
Section 1-F7: Every Girl is Missing (On-Going )
Gizem / GerilimWelcome to our Section Isang classroom na punong-puno ng misteryo, mga hindi maipaliwanag na pangyayari, mga katauhang kinukubli, mga sikretong tinatago at mga babae ang nawawala. Takot ang bumabalot sa classroom namin kung saan kaming mga babae ang...