1: Jowa

16 3 0
                                    

"Lord, para mo nang awa, kailangan ko ng jowa!"

Sambit ng mga kabataan ngayon. Sino ba namang ayaw mag ka jowa?

Sa panahon ng kalungkutan, masarap ang may karamay.

Ang sarap kaya sa pakiramdam ng may minamahal. Hindi ba? Ang sarap sa pakiramdam na pupunta ka ng mall kasama ang boyfriend o girlfriend mo. Ang sarap sa pakiramdam na may ipapakilala kang jowa sa mga kaibigan mo.

Masarap ang may jowa.

Ngunit sa bawat pagmamahal na iyan ay dapat matutunan mo munang mahalin ang sarili mo.

"Ibibigay ko saiyo ang lahat! Maging akin ka lang."

"Saiyong saiyo na ako bebe ko!"

Aniya ng iba. Iyan nga ba dapat ang ginagawa natin? Ibinibigay ng lubos ang oras, at pagod para sa kapwa rin  nilalang? Dapat bang ibigay natin ang lahat sa isang taong walang kasiguraduhang magtagal sa buhay natin? O baka naman, kailangan mo munang kilalanin ang sarili mo?

Pagisipan mong mabuti. Handa na ba ako sa relasyon na ito? Magagawa ko padin ba ang mga bagay na gusto ko kapag pumasok na ako sa relasyon na ito? May oras pa ba ako sa sarili ko kapag ginawa ko ito? Madali ba ito?

Kung gusto mong maging matagumpay ang relasyon mo sa iyong kasintahan, kailangan mo muna patunayan.

Patunayan mo munang mahal ninyo ang isa't isa. Patunayan mo muna na kaya niyo nang magsama. At higit sa lahat, patunayan mo na karapatdapat siya.

Sabi nga ng matatanda, "Nasa huli ang pagsisisi." baka dahil sa maling pagpili mo ng destinasyon ay maging parusa iyon.

Think wisely.

Kung mag jojowa ka rin lang naman sa right person na. Baka mag bunga lang ng pag kakasiraan.

Kung ikaw naman ay napagod na, sumuko dahil nasaktan, chin up! There's a lot more exciting and memorable things you're missing dahil sa pagluluksa.

Find yourself.

Kung ano man ang nakaraan, dapat na nating kalimutan. Kung tayo'y nasaktan, dapat nating lagpasan. Break-up lang yan!

Every failure comes with a great lesson! Natuto ka na ba? O uulit ka pa? Masakit pero dapat may limit!

Dapat nating tanggapin kung ano tayo ngayon. Single, taken, moving on, be happy. It's a part of a beautiful future. Who knows? Baka makahanap ka na ng tamang tao. Not now but soon! Be positive!

Mas magandang inaantay natin kaysa pinipilit natin.

May darating din saiyo! Antay ka lang!

Sigaw ng MasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon