6: Friends no more

5 2 0
                                    

"Manhid at wala ka kasing pake."

Linyahan kapag nagaway kayo ng bestfriend mo. I feel you. Ito yung pagod na pagod ka nang umintindi. Kung baga sa love, one sided. Ang hirap, sobra. Yung tipong ikaw nalang lagi ang umiintindi. Nakakapagod. Paulit ulit. Tapos siya pa ang may ganang manumbat? Nakakabanas hindi ba? Ikaw na nga ang nagmamalasakit, ikaw na ang tumutulong ikaw pa ang masama at walang naidudulot? Aba'y hindi ata tama iyan.

Lagyan muna siguri natin ng espasyo sa pagitan. Palamigin muna ang ulo ng bawat isa. Pero kung ikaw naman talaga ang dehado,

Let him realize the mistake he made.

Putulin mo na ang pagiging responsable sa pagiging mapagkumbaba kapag may alitan. Alam natin na ang tampuhan at galit ay may dahilan.

Minsan, dahil sa materyal na bagay. Pero best advice? Kung talagang mahalaga ang friendship niyo, hindi ka niya ipagpapalit sa materyal na bagay.

What more about being materialistic? Pathetic?

Hayaan mo nalang. Baka ito na yung pabahon para i-give up mo siya. Kapag alam mong hindi na mag wowork, let go. Mahirap man pero, mas mahirap kapag ikaw ang nahihirapan. Gets mo? Baka this is the time para sarili mo naman ang intindihin mo.

Consider this time for yourself.

Madami ka namang friends hindi ba? Isipin mo nalang na hindi siya kawalan sa libu-libong tao.

Free your self. Tanggalin mo ang kaba sa mga gagawin mo na baka ikagalit niya. Tanggalin mo ang takot na mawala siya. Kase baka siya nga, walang paki kung nasasaktan at naiyak ka na.

Pahalagahan mo naman ang sarili mo at huwag puro iba. Baka kase sa sobrang pagiintindi mo sa iba, hindi mo na maintindihan ang limitasyon mo.

Para naman sa iba, commitment. Iyan ang kailangan ng bawat isa. Iyan ang dapat na tinatangkilik natin. Commit. Ment. Commitment.

Mahirap ang humanap ng kaibigang iintindi sayo hanggang huli kaya ang malas mo nalang kung aalisin mo pa sa buhay mo ang taong iyon. Masuwerte ka pa nga dahil may kaibigan kang ganiyan. Kumbaga sa swerte, lottery prize na iyan.

Mas higit pa sa pagmamahal ng jowa mo ang pagmamahal ng kaibigan mo. Alam mo kung bakit? Dahil may mga bagay na sakanila mo lang na oopen-up at may mga bagay na sila lang ang nakakarelate, tama? Oo tama.

Value a friend's love.

Pahalagahan mo sila. Kung minsan man, nagkakasakitan, sila padin ang mag-iistay until the end. Siguro may mga ilan na bumitaw, dahil hindi sila kumapit o baka ayaw na nilang kumpit.

Pero na niniwala ako sa kasabihang, love conquers all. Masyado mang makaluma, pero tatak padin sa puso at isipan ng bawat isa.


Sigaw ng MasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon