3: Plastik

11 4 0
                                    

"Hindi naman maganda yan si (name)  inggetera nga yan eh."

Iyan ang sinasabi ng mga etchosera mong kaibigan. I mean, plastik na kaibigan. Plastik ang tawag nila dahil hindi ito makatotohanan.

I thought plastic belongs to the garbage?

Masaya ang umuwi kasabay ang iyong kaibigan. Masayang makipag bonding at tawanan. Masayang tumakas ng tahanan para sa kaibigan. Masaya ding magpakamanhid kahit alam mong pinaplastik ka nalang.

I feel you. Ang taong pinakatiwalaan, sinuportahan at iningatan natin ay plastik.

Sabi ng ilan, maihahalintulad ang plastik na kaibigan sa isang barbie doll. Maganda, mahaba ang buhok, maputi pero peke. Ang saklap hindi ba? Masaklap pero iyon ang totoo.

Sa panahon ngayon, bihira ka nalang makahanap ng totoong mga kaibigan. Ang iba pa nga, katabi mo lang tinutuklaw ka na. Mahirap sabihin na tunay o hindi ang isang tao.

Ngunit para malaman, kailangan mong suriing mabuti. Totoo ba siya? Kaibigan nga ba talaga ang turing niya saakin? Baka ginagamit lang ako nito.

Nakapagtataka hindi ba? Nung una, napakabait niya sayo. Lahat ng kailangan niya binibigay mo. Tapos bigla kang iniwan sa ere? Sakit girl.

Sa kabila nito, dapat padin tayong maging mabuti. Huwag nating gantihan ang ano mang nagawa nila. Kung ganon sila mamuhay, kasama nila ang karma.

Kindness will always be the godess.

Kailangan lamang natin na maging maingat sa mga taong ating nakakasalimuha o nakakasama.

Mahirap makuha ang tiwala. Totoo hindi ba? Kaya huwag nating ibibigay itong agad agad.

Laging iisipin na mayroon tayong pamilya. Baka kailangan mo lang ng advices ni ate, o di kaya ni kuya? Bakit hindi nalang sakanila ka makipag bonding? Sa talagang totoo. Totoong nag mamahal sayo.



Sigaw ng MasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon