Pasukan na naman. Tapos new school pa. Lumipat kami ng tirahan dahil sa work ng papa ko. Napromote kasi s'ya so dito na kami nanirahan sa Manila kung saan malapit ang work niya.
Nandito ako ngayon sa bagong school ko. Tulad ng sabi ng papa ko ay maganda nga rito. Malaki tapos ang babait ng mga tao. Kahit hindi ka kilala, babatiin ka. Sana may maging kaibigan ako.
Doon sa dati kong school, wala akong ibang kaibigan bukod sa mga pinsan ko. Walang nagtangkang makipagkaibigan sa akin dahil sa mga pinsan ko. Paano ba naman eh mga bully sila. Natatawa ako sa mga kaklase kong babae dahil naiinis sila sa mga pinsan kong bully pero maya maya ay kikiligin dahil sa kagwapuhang taglay. Hahahaha. Namimiss ko tuloy lahat sila. Kahit hindi ko sila kaclose, kaibigan ang turing nila sa akin kapag kausap nila ako. Yun nga lang ay kapag ang mga pinsan ko ang pinag-uusapan. Hay.
Nagbell na. Hudyat na dapat nang pumasok ang lahat ng mag-aaral sa kani-kanilang silid-aralan. May biglang kumalabit sa akin.
"May pag-asa ba?"
Nung tinanong n'ya yon sa akin, bigla akong napaisip. Hindi ba't iyon ang sinasabi ng mga lalaki kapag nagcoconfess sila ng damdamin? Sabi nila mama at papa hindi pa ako pwede d'yan. Masyado pa akong bata para sa ganyan.
"Sorry, i'm not into relationship----." Hindi natapos ang sasabihin ko dahil bigla s'yang tumawa.
"Hahahahaha. Akala mo siguro manliligaw ako sayo. Ang ibig kong sabihin ay may pag-asa ba na maging famous ako dito. Ang gwapo ko noh?" sabi n'ya sabay pose.
"Hehehehe. Ah oo. Sige mauna na ako." Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Hinablot naman n'ya ang kamay ko.
"Tara hatid na kita sa klase mo! Mukhang transferee ka." sabi n'ya.
"Tama ka."
"Anong year ka ba tsaka section?"
"1st year section A." nahihiyang sabi ko.
"Magkaklase pala tayo." sabi nya sabay pakita ng killer smile n'ya. Ang cute n'ya.
"Nga pala ako si Reticent Torres. Ikaw?"
"Ako naman si Revelation Tan."
"Ang kulit! Magkasalungat ang kahulugan ng pangalan natin! May pag-asa ba?" manghang sabi n'ya.
"N-na?" tanong ko.
"Maging magkaibigan tayo?" tanong n'ya. Nginitian ko lang s'ya bilang tugon.
"Simula ngayon, besprens na tayo ah." sabi n'ya sabay ngiti na abot hanggang tainga.
"Pero----" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na n'ya ako kung saanman.
Gusto kong sabihin na hindi pwede dahil hindi pa kami lubos na magkakilala.
Ang isang tahimik at simpleng R E V E L A T I O N T A N, biglang nagbago ang buhay sa isang iglap. Ako si Revelation Tan na mas kilala bilang Revee at kilala bilang istudyante na hindi nakikisalamuha sa iba pero dahil sa isang Reticent Torres, nabago na ako. Naguguluhan na din ako kung tama ba na pinapasok ko sya sa buhay ko o hindi.