2

3 0 0
                                    

        Lumipas ang panahon. Third year high school na kami. Hanggang ngayon ay magkaklase kami ni Reticent. At mabuti naman ang aming pagkakaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang tanong n'yang "May pag-asa ba?"

Suki pa rin kami ng tuksuhan sa klase.

"Ayan na ang magbestfriend!" hiyaw ni Ysabelle.

"Bestfriend ang tawagan, lovers ang turingan!" hiyaw naman ni ate Eydee.

"Revee! May pag-asa ba?" kantyaw ni Beys.

"Ano ba kayo! Tigilan nyo na nga kami! Kayo talaga." Natatawang sabi ni Reticent. Hindi ko na lang sila pinansin. Tumungo na ako sa pwesto ko at tumahimik.

BLAH. BLAH. BLAH. BLAH. BLAH.

        Dismissal na ngayon. Sabay na naman kami ni Reticent dahil magkapitbahay kami. Uwi ng isa, uwi ng dalawa. Kung may kani-kanilang lakad man pagtapos ng klase ay dapat magpaalam muna sa mga magulang namin. Hay. Magulang ko magulang rin n'ya. Ewan ko ba. Ang sabi ni mama, bestfriend niya ang mama ni Reticent at ganun din si papa at ang papa ni Reticent. Okay. Walang nagtanong :3

Uwian na ngayon, as usal ay magkasabay kami ni Reticent sa pag-uwi.

"Vee! May pag-asa ba?" tanong n'ya. Ayan na naman s'ya sa tanong na yan. Nakakaloko talaga. Vee ang pet name n'ya sakin. Samantalang Cee ang pet name ko sa kanya na sya mismo ang nagbigay. Ewan ko ba. Baliw baliw din yan eh. Hahahaha XD

"Reticent! Ano na naman yan?" sabi ko.

"Hep! May ginawa na naman ba akong mali? Reticent na naman ang tawag mo sa'kin. Nakabusangot din yang mukha mo! Ano ba'yan Vee! Sayang ang beauty mo oh?" paglalambing n'ya.

"Please. Wag nang paligoy-----"

"Ligoy ligoy paligoy-ligoy p---" Napatigil s'ya sa pagkanta dahil kinurot ko s'ya sa tagiliran n'ya.

"Aray! Bastusan. Kumakanta yung tao eh." pagmamaktol n'ya.

"Ay sorry! Tao ka pala? Sorry talaga. Ngayon ko lang nalaman eh. Ge!" sabi ko na medyo sarcastic.

"Eh? Kung anuman ang nagawa kong mali, sorry na. Please?" sabi n'ya. Ngumiti at tumango na lang ako bilang tugon.

        Gusto kong sabihin sa kanya na wala s'yang nagawang mali. Gusto ko lang umiwas dahil parang may nararamdaman na ako sa kanya. Crush ko na nga yata s'ya. Eh sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Reticent Torres? Saksakan ng gwapo. Nung nagpaulan si Lord ng kagwapuhan at talent, HINDI S'YA NAGPAYONG! Ayon! Nagtatampisaw pa sa saya XD Chos.

        Ang gwapo na n'ya, ang talino pa. Talented din pagdating sa arts at music. Pati pagsasayaw, tinahak na n'ya. Okay! Halatang hindi boring ang buhay n'ya. Noh? Ang daming ginagawa XD Kakandidato rin s'ya bilang Supreme Student Government President. Hahahaha. Idol ko na talaga s'ya. Wala eh. Almost perfect si kuya.

H A B A N G  N A G L A L A K A D  P A U W I .

"May pag-asa ba na sagutin ako ni Vienne kung liligawan ko s'ya?"

"Sinong Vienne?" tanong ko tapos bigla n'ya akong siniko.

"Ano ba yan! Hindi mo s'ya kilala? S'ya lang naman yung transferee na pinakahinahangaang babae sa campus natin. Last month ko lang sya napansin pero parang bumibilis yung tibok ng puso ko kapag nagkikita ko s'ya o nakakasalubong. Pati nga mga accounts n'ya inii-stalk ko kapag gabi eh. Mahal ko na yata s'ya eh. Ano sa tingin mo bespren Vee?" sabi n'ya gamit ang masayang tono at may ngiti sa mga labi. Bigla akong nalungkot pero hindi ko ipinahalata iyon.

"Ang bilis naman? Baka naman libog lang yan!? Maawa ka pare!" kantiyaw ko.

"Eto namang si Vee! Akala mo naman nagbibiro ako." pagdaramdam n'ya. Sakto naman at nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.

"Bukas na lang Reticent! Pagod na ako eh. Bye!" sabi ko sabay takbo papasok ng bahay namin.

"Teka la-----"

Pagkapasok ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Buti na lang at wala pa sila mama. Naalala ko na naman yung pag-uusap namin ni Reticent kanina. Biglang kumirot ang puso ko. May mahal na s'ya. Akala ko naman may pagtingin din s'ya sa'kin.

Masyado ka kasing assuming! Sabi ng isip ko.

Sa pag-iisip, nakatulog na rin ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

May pag-asa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon