Saimon's POV
"Oy, Reigo. Aba, bihira 'to, ha?" bati sa 'kin ng isang varsity ng basketball team nang dumaan kami sa tapat ng gymnasium. May halo pang pang-aasar ang boses n'ya pero tulad ng dati, dinaanan ko lang s'ya. Hindi ko s'ya nilingon. unang-una, sapat na ang pagtawag n'ya sa 'kin ng 'Reigo' para masabing hindi kami close. Pangalawa, sasayangin n'ya lang naman ulit ang oras ko.
"Alam mo bang bukang-bibig ka ng girlfriend ko?" pahabol pang sigaw n'ya. Pero sa pagkakataong 'to, galit na ang maririnig mo sa boses n'ya. Hindi ko alam kung bakit sa 'kin nila sinisisi ang mga problema nila sa mga girlfriend nila. Ni hindi ko nga kilala kung sinong tinutukoy n'ya.
"Hoy, Lance! tigilan mo 'tong best friend ko kung ayaw mong lumpuhin kita!" sigaw naman ng katabi kong naglalakad. Inakbayan n'ya pa ako. Si Gean 'yan. Nag-iisang kabarkada ko. Tagapagsalita ko kapag wala ako sa mood magsalita. Bodyguard ko na rin siguro.
"Alam mo, Gean, okay ka sana kung hindi ka lang buntot nang buntot sa talunan."
Nagtawanan sila Lance at ang mga kasama n'ya. Huminto si Gean at parang balak nang sumugod kaya hinawakan ko s'ya sa balikat.
"Hayaan mo na," sabi ko sa kan'ya. Wala naman kaming mapapala kung makikipag-away kami.
He tsked.
"Kelan ka ba huling nagkaroon ng excitement sa buhay?" iritableng tanong n'ya bago ulit naglakad. Kelan nga ba? Matagal nang boring ang buhay ko. Wala akong makitang bagay na worth paglaanan ng oras.
"Alam mo, Sai, kailangan mo ng girlfriend," banat pa ni Gean. "Tignan mo ako. Araw-araw exciting ang buhay!"
"Araw-araw din namang iba ang girlfriend"
"'Yon nga ang exciting do'n."
"Gean, girls are fire. Don't play with fire."
Tumawa s'ya ng maloko habang naglalakad kami sa kalagitnaan ng hallway. Sinubukan kong tumingin sa ibang direksyon at dumistansya ng konti para magmukhang hindi ko s'ya kasama.
Huminto bigla ang lahat ng tao sa hallway. Maging si Gean na tumatawa, napatahimik din. Huminto rin ang lahat sa paglalakad. May naririnig kaming sumisigaw na babae.
"Let me go! Let me go!"
Isang babae ang kasalukuyang hawak ngayon ng dalawang guard sa magkabilang braso. Sa liit at paraan ng pagwawala n'ya, umangat na sa ere ang dalawang paa n'ya habang pumapadyak.
"Miss, sinabi na kasi naming hindi ka pwedeng pumasok," nawawalan ng pasensyang sabi ng isang guard habang hawak s'ya.
"I told you already! I'm a transferee! I'm just not enrolled yet!"
Napakamot na lang sa ulo ang dalawang guard. Napahampas naman sa noo si Gean.
"Ang lakas ng tama ni ate," bulong pa ni Gean.
"Kaya nga, miss, hindi ka pa pwedeng pumasok. Saka ka na lang pumasok kapag enrolled ka na o mag-eenroll ka. Ni wala kang maipakita sa 'ming requirements ng school para makapag-enroll ka," madiing bigkas ng isang guard sa bawat salitang sinasabi n'ya. Gumilid kaming dalawa ni Gean para padaanin sila. Tuloy pa rin sa pagwawala 'yong babae pero bigla na lang s'yang tumigil no'ng nakita ako.
Napaatras ako bigla.
"Hubby!"
Malawak ang ngiting sigaw n'ya habang nakatingin sa 'kin. Napalingon agad ako sa kanan at kaliwa. Ngayon, si Gean naman ang dumidistansya sa 'kin. Nagsilayuan din sa 'kin ang iba pang nasa paligid ko. Tinitignan ko lang sila ng nagtataka. Hindi naman siguro nila iniisip na ako nga 'yong tinatawag ng babae, hindi ba?
BINABASA MO ANG
Ms.MIA (Missing In Action)
Misterio / SuspensoYumiko Tokima is a special teenager who needs a special bodyguard. Sa kabutihang palad, nahanap n'ya si Saimon Reigo Almante na saktong-sakto sa mga katangiang gusto n'ya para sa personal bodyguard n'ya. May isa nga lang problema. Saimon doesn't hav...