Hi! First time ko mag publish ng story dito sa wattpad... Ang saya pala. Haha. Na-encourage kasi ako sa kaklase kong si Isabelle. Ayun, eto na. Haha. By the way, ako si Shammel Mahilum. Sana ma-enjoy niyo yung story ko:) Hihihi:)
---------------------
Mimi's First Day in Highschool.
------------------------------------------
I SHAKE IT OFF, I SHAKE IT OFF! I... I... I shake... *turns of the alarm
"Pasukan na naman... Nakakatamad! Ayoko pang bumangon, gusto ko pang matulog. Badtrip yan!" Ang una kong sinabi pagkagising ko. Ako nga pala si Mimi Faith Steel, 12 years old. Boyish type ako, mahilig sa sports katulad ng volleyball at basketball, at mahilig rin ako sa music katulad ng singing, drums at guitar.
--
"Mimi! Gising na! Pasukan niyo na ngayon!" pasigaw na sabi ni lola sa labas ng kwarto.
--
"Opo la! Gising na po. Maliligo na po ako." ang sabi ko kay lola. Nagsuklay muna ako pagbangon. Hinanda ko na yung uniform ko at naligo na ko. Yay, ang lamig. Nagbihis na ko, nagsuot ng sapatos at I.D. Nagpaalam muna ako kay papa bago umalis, "Pa! Alis na po ako papuntang school." "Sige anak, mag-ingat ka." ang sinagot ni papa. Lumabas na ako sa gate at sumakay ng tricycle.
--
Nakarating na ako sa school at pumasok sa classroom. Ako ay Grade 7 student sa Oaks High Hundreds. Pagpasok ko sa classroom, inabangan agad ako ng mga bestfriends ko na sila Isabelle Quin, Greshi Clarson at Jairus Brin. "Hi mimi!" sabi sakin ni Jairus, "Yow bro." sabi ko. "Hoy, na-miss kita!" ang sabi sakin ni Greshi, "Ako rin naman e, haha." ang sabi ko. "Mi, tabi ka samin doon sa likod." ang sabi sakin ni Isabelle, "Sige ba!" ang sagot ko. Natutuwa ako at nilapitan agad nila ako pagpasok sa classroom. Na-miss ko sila, sobra.
--
Sobrang excited ako sa first day ng pagiging highschool at tinatamad rin ako. Ano ba yan, ewan ko. Isa isa kaming nagpakilala, as usual. Sa ngayon, wala pa akong crush. Hindi ko muna iniisip yun, since nalaman ko na may girlfriend yung dati kong crush. Saklap dre, lol.
-----
2nd day ng pasukan ngayon. Tinatamad pa rin ako. "Class, pumili kayo ng partner niyo. Mag share kayo ng mga ginawa niyo this summer. Then, i-share niyo ito sa buong klase." sabi ng adviser naming si Ms.Rosco. "Ok cher." ang sabi ng buong Grade 7. Nagpilian na sila ng partners. Absent si Greshi, si Jairus at si Isabelle ang naging mag partner. "Karl, may partner ka na?" tanong ko kay Karl. "Oo, si Gabby."
"Ahh ok." Nagtanong ulit ako sa iba, "Nicole, pwede ba kitang maging partner?" "Partner ko na si Bethany e, sorry." "Ahh sige, ok lang." ang sabi ko. Wala na kong makitang iba, badtrip yan. Kaya umupo na lang ako at nag drawing ng stick man. Maya-maya, may humawak sa balikat ko. "Mi, pwede ba kita maging partner? Wala na kong mahanap e." ang sabi sakin ni Kriz, ang kinaiinisan ko since kinder pa kami. "Eh, ayoko nga. Mas pipiliin ko pang mag-isa kesa maging partner ka." "Ang sungit mo talaga no? Akala mo ang ganda mo." gusto ata ng away nitong Kriz na to ah. "Hah. Oo, tanggap ko ng pangit ako. E ikaw, pogi ka?" *sabay dila. "Tinatanong pa ba yan? Oo naman. Ako pa." "Oh talaga? San banda? Kriz, wag ka ng mangarap, ok? Hindi mo rin matutupad yan." "Psss. Inlove ka lang sakin e." Wow ha! Big word! "Excuse me kuya, ako? Maiinlove sayo? Hahaha! Never! At hinding-hindi ako maiinlove sa isang katulad mo!" *sabay sinuntok ko siya sa balikat. "Haha. Inlove ka talaga sakin. I love you." ang sabi niya habang nakangiti sakin. Nakakainis talaga tong taong to! Bakit ba kasi pinanganak pa tong lalaking to sa mundong ito?! "Yuck! Kadiri! Eww! Ewan ko sayo! Bahala ka diyan! Maghanap ka ng partner mo mag-isa!" Pasigaw na sabi ko sa kanya. Nakangiti pa rin siya sakin. Parang killer smile, hindi para sa tao yung ngiti niya, panakot to sa daga e. "Ms. Steel and Mr.Vaun, ano nangyayari dito?" sabi ng adviser namin. "Uhm... Wala po..." ang sabi ko. "Ayaw po kasi ako maging partner ni Mimi e." sabi ni Kriz. "Ms. Steel, totoo ba ang sinasabi ni Kriz? Kung ayaw mo, wala kang grade. Kung ako sayo, pumayag ka na." sabi ng adviser namin. "Uh... Sige po cher. Papayag na po ako." ang sabi ko. Kahit ayoko! Papayag na ko! Grade kapalit e! Ayokong mawala sa honor, lalo na ko, lagi akong kasama sa top 3. "Ok, good. Simulan niyo na ngayon." sabi ng adviser namin. "Hah. So, sino saatin ang mauuna magsalita?" sabi ni Kriz na nakangiti pa rin. "Ako na, nakakahiya naman sayo e. Natulog ako, kumain ako at naglaro ng volleyball this summer. Nagbakasyon kami sa Hotel at sa mga resorts. Yun lang. Tapos na." "Ang bilis naman. Bakit ba kasi ang sungit sungit sungit mo sakin?" tanong ni Kriz. "Nakaka-inis kasi yang ugali mo! Hindi mo naman kayang baguhin ugali mo e, kinalakihan mo na yang ugali mo. At alam kong wala kang mapapatunayan na maganda ugali mo. Alam mo, sayang ka. Pogi ka sana, kaso ang pangit ng ugali mo. Sorry to say that."*sabay irap. "Oww. Ok. Ge..." Nawala yung ngiti niya sa mukha, nalungkot siya, sabay umalis ng walang paalam. Hala ka, ano nangyari dun? May sinabi ba kong masama? Nagsasabi lang naman ako ng totoo e.--------------------------------------------
Next is Part 2
I hope nagustuhan niyo. Hihi:)
BINABASA MO ANG
Crush kita, angal ka?
Teen FictionCrush kita, angal ka? Ay kwento ng isang babae na si Mimi na nagka crush sa kaklase niyang hindi niya inaakala. Si Kriz ang hindi niya inaakalang naging crush niya. Si Kriz ay laging iniinis at inaasar si Mimi. Kaya silang dalawa ay laging magkagal...