"To the G. To the 7. To the G. Go Grade 7 Girls! Focus, Fight, Win!" naririnig kong chini-cheer kami ng classmates namin habang naglalaro kami ng basketball kalaban ang Grade 10(4th year) girls. Tiiit! Tiiit! Tiiit! "Time out!" sigaw ng referree. "Ok girls, 10 seconds na lang natitira. Isabelle, gawin mo yung trabaho mo, ikaw rebounder. Ok? Mimi, papasa sayo ni Greshi yung bola. Mag-shoot ka ng 3 points para malamangan natin sila. Ok?" ang sabi sakin ni Tito, in short, si Coach. "Ok coach." sabi ko. "In 1, 2,3! Go Empowered 7!" ang sigaw namin, na sinabi ni Greshi, na leader ng team. Pabalik na ko sa court, ng may humawak sa balikat ko. "Mimi, gusto mo tubig? Ito oh..." binigay sakin ni Kriz yung tubig na hawak niya. "Ah, sige. Salamat ah." sabay inom sa tubig, at ngumiti sakin si Kriz. Tiiit! "Mimi! Game na!" sigaw sakin ni Greshi. Tumakbo na ko sa court, at tumingin ulit kay Kriz, at ngumiti siya sakin. Tiiit! Sa 4th year yung bola. Shuks. 10 seconds na lang. Nakuha ni Bethany yung bola galing sa 4th year. Pinasa niya ito kay Greshi na tumakbo at nililito ang mga nakabantay sa kanya. Pinasa niya ito sakin. In 3.2.1. Na-shoot ko yung bola and kami nanalo. "With a score of 25-26, congrats Empowered 7!" sigaw ng referree. "Whoo! Panalo tayo!", "Rock n' Roll dude!" ang naririnig ko sa mga classmates namin. Niyakap ako ng ka-team ko. Pumunta kami kay coach. "Congrats Grade 7 Girls! Proud ako sa inyo! Mimi, nice shoot." ang sabi samin ni coach. "Haha. Thank you po coach." ang sabi ko. "Kung hindi niyo po kami tinulungan, hindi po kami mananalo." ang sabi ni Greshi kay Coach. Niyakap namin si Coach ng mahigpit at pinasalamatan. Pagkatapos ng laro namin. Laban naman ng Grade 7 boys and Grade 9 boys. Patapos na yung laban. Tiiit! "Time out muna!" sigaw ng referree. "Guys, mananalo na tayo. Basta bantayan niyo ng maigi yung bantay niyo." ang sabi ni Kriz, ang leader nila. Nakita kong pagod na pagod si Kriz, kaya naisipan kong bigyan siya ng tubig. Tutal, binigyan niya ako kanina ng tubig e. "Kriz! Tubig oh." inabot ko sa kanya. "Salamat." sabi niya sakin habang naka-ngiti. Ngumiti rin ako. Bumalik na sila sa court at naglaro. Goodnews at nanalo rin sila. Sa score, leading si Kriz, magaling kasi siya maglaro sa basketball.
Papasok na kami sa classroom at cino-congrats kami ng mga tao. "Ok class, dismissal time. Congrats nga pala Grade 7 Girls and Grade 7 Boys!" ang sabi samin ng adviser namin. Medyo nahihilo ako, siguro dahil sa init at pagod, kaya yumuko muna ako. Ramdam kong may palapit sakin at tiningnan ko kung sino to. Si Kriz. "Mimi, ok ka lang?" sabi niya. "Medyo nahihilo lang ako, pero ok lang ako." "Ah ok. Gusto mo ba ng tubig? Or uminom ng gamot?" tanong niya sakin. "Ah, hindi na. Ok lang ako, pahinga lang to. Salamat sa concern mo." sabi ko. "Ah sige. Pahinga ka lang. Hintayin na lang kita lumabas." "Wag na. Ok lang talaga ako. Tatayo na ko. Sige na, umuwi ka na." sabi ko. "Kriz! Andyan na service mo! Bumaba ka na daw!" sigaw sa kanya ni Rodelio, isa sa mga katropa niya. "Mi, alis na ko ah. Pahinga ka lang muna diyan at matulog ka agad sa bahay niyo, para mas mahaba pahinga mo." sabi ni Kriz. "Ah sige. Salamat nga pala ulit ah. Congrats din pala." "Congrats din sa inyo." ngumiti siya at ngumiti rin ako. Eto na naman e. Tumitibok na naman yung puso ko ng mabilis. Crush ko na kaya siya? Hahaha! No. Ayoko. Never.---------------------------------------
Habang tumatagal, mas lumalalim feelings ko kay Kriz. Naiinlove na kaya ako sa kanya? No, hindi, ayoko. Hindi sa isang lalaking katulad niya. Pero, mabait naman siya, pogi, gentlemen, magaling sa basketball. Kaya lang lagi niya kong inaasar at iniinis, kaya laging kaming magkagalit. Pano kaya kung maging crush ko siya? Kung pwede naman? Wag! Ayoko! Pero ang pogi niya at ang bait pa. Waaah! Naguguluhan na ko! Lagi ko na siyang tinititigan. Hindi ako makapag-concentrate sa pakikinig kay teacher. Shuks. Bakit ba ko nagkakaganito?
---
Kinabukasan, iniba ng adviser namin yung seating arrangment. "Ok class, may ginawa akong seating arrangment. Ruth doon ka sa dulo ng likod, Sam dito ka sa unahan sa left side, and..." Oh shuks, no way dude. "Kriz Vaun... doon ka sa likod ni Mimi, katabi ni Isabelle at Justin. Nilipat siya ni teacher sa likod ko. Hindi ko na siya matititigan. Hindi na rin ako makakakilos ng maayos at hindi na rin ako makakagawa ng kabaliwan kasi nasa likod ko siya. Wait, wait lang, ano ko na ba siya? Bakit nagkakaganito ako? Crush ko ba siya? Ay hala. Edi wow.
-----
1 month na ang lumipas since nung pasukan. Na-enjoy ko yung pag-aaral ko at bonding naming magkaka-ibigan. May nabalitaan ako na may dadating saamin na bisita, ang Aguhon. Ang Aguhon ay nilalaman lang ng 4 na lalaki. Pumunta na sila dito last year, at bumalik ulit. Nag tuturo sila ng mga bata tungkol sa stages in life. Ang pinaka-gusto kong part ay yung aminan ng crush, pero ayoko aminin yung crush ko. Ha? Ay oo, crush ko na siya. Approve na. Mataas lagnat ko nung araw na yun, pero gusto ko pa ring pumasok. Kasi, gusto ko siya makita. Haha, ay landi. Hinati kami sa 4 na grupo. "Kriz, group 2 ka.......... Mimi, group 4 ka." ang sabi nila kuya Roger na isa sa mga nagtuturo saamin. Thank God, di ko ka-grupo si Kriz. "Ok, next, si... Mimi!" sabi ni kuya Mike, isa sa mga nagtuturo saamin. "Ha? Ano gagawin ko?" Hindi ko alam yung gagawin kaka tingin kay Kriz. Ganda kasi ng view e. "Hay nako Mimi, aaminin mo yung crush mo! Sabihin mo yung totoo ha!" pasigaw na sabi ng kaklase kong si Troy. "Ah ok. Si... Ano... Ay... Si..." hindi ko masabi e. "Sige na Mi, secret lang naman e. Please?" sabi sakin ng kaklase kong si Alex. "Miii! Sabihin mo na....!" sabi ni Bethany. "Please Mimi, please please please?" sabi ni Coleen. "Si... Eto na nga. Secret lang ah. Patay kayo sakin pag pinagkalat niyo. Si... Kriz? Kriz. Ayun, siya crush ko." panginginig na pagkasabi ko. Lahat sila ngumiti at sinabi, "Weh? Ayieee!", "Yeah naman, may crush na siya!", "Oy, bagay, bagay sila!" at eto ang nakakainis "Kriz! Si mimi oh! Ang pogi mo! Crush ka niya!" Simula sinabi yun ni Troy, tumingin sakin yung buong klase, inaasar ako at halos lahat naka-ngiti. Tumingin rin sakin si Kriz. Nakakatunaw. Yumuko na lang ako at nanahimik, habang inaasar nila ako "Yieee! Si Mimi! Inlove!", "Wow Kriz, ang pogi mo naman. Hahaha!", "Mimi! Bagay kayo!"(namumula at kinikilig).-------------------------------------------
Next is Part 4
I hope nagustuhan niyo. Hihi:)
BINABASA MO ANG
Crush kita, angal ka?
Teen FictionCrush kita, angal ka? Ay kwento ng isang babae na si Mimi na nagka crush sa kaklase niyang hindi niya inaakala. Si Kriz ang hindi niya inaakalang naging crush niya. Si Kriz ay laging iniinis at inaasar si Mimi. Kaya silang dalawa ay laging magkagal...