"Ok class, dismissal time. Pwede na kayo maglagay ng gamit sa locker at pwede na kayong umalis. See you tomorrow!" ang sabi saamin ni Mr.Arce, ang English teacher namin. "Goodbye and thank you Mr.Arce." ang sabi ng buong klase. Naglagay na ako ng gamit sa locker at sabay-sabay kaming bumaba ng mga bestfriends ko. Naka-sabayan rin namin sila Kriz kasama ang mga ka-tropa niyang si Rodelio Rein at Jack Cronin na nasa harap namin pababa ng hagdanan. Shuks, ang pogi niya talaga. Pagpunta namin sa waiting area, umuwi na sila Greshi at Isabelle. Natira kami ni Jairus at naglaro kami ng flappy bird. "Oy pataasan." sabi ni Jairus. "Yabang. Ge ba. Walang dayaan ah." sabi ko. (After ten minutes.) "Hoy Jai, mag c-cr lang ako ah." ang sabi ko kay Jairus. "Ge, bilisan mo, mananalo na ko." sabi niya. "Mukha mo, mas mataas ako. Ge pagbalik ko panalo na ko" sabi ko. Habang naglalakad ako, tinawag ako ni Jack. "Mimi! Punta ka dito, may tatanungin lang ako." Oh my, katabi niya si Kriz. Pumunta ako sa kanya at sabi ko "Yow. Ano ba tatanungin mo?" "Pogi ba si Kriz?" sabi niya. "Ha? Ewan." sabi ko, kahit alam kong pogi talaga siya. Auto deny pa ko e. "Weh? Aminin mo nang pogi siya, hiya ka pa e." sabi ni Jack. "Hindi ko nga alam." (sabay irap) . "Hindi daw alam. Pero alam kong alam mo talaga." sabi ni Jack. "Oo na. Pogi na siya. Ano, ok na? Masaya ka na?" sabi ko. Nung sinabi ko yun, ngumiti si Kriz. Oh men, killer smile. Ang cute cute cute niya! "Yeah naman si ate. Yieee. Totoo ba yung balita?" sabi niya. "Ha? Anong balita?" sabi ko, kahit parang alam ko na yung balitang yun. "Psss. Yung balitang... Crush mo si Kriz." sabi niya. "Huh? Hindi totoo yun." "Weh? Aminin mo na." sabi ni Jack. "Sige na Mi, sabihin mo na yung totoo. Naghihintay ng sagot si Kriz oh." sabi sakin ni Rodelio. Kinindatan ako ni Rodelio nung sinabi niya yun. Eto yun e, yung napagkalat. Nung sinabi yun ni Jack, tumingin sakin si Kriz, titig na titig. Waaah! Yung tumitig siya sakin, tumibok yung puso ko ng mabilis. Shuks. Ay, oo nga pala, nagtatanong si Jack kung totoo ba yung balita. Ano sasabihin ko? Sabihin ko kaya yung totoo? Pano? Bakit? Or wag na lang kaya. Chance ko na to e. Ok, mini-mini minimo, aaminin ko ba o hindi. Oo, hindi, oo, hindi, oo. Ano ba yan. Ge na nga. Whoo. Chilax. Hinga. 1..2..3.. "OO! CRUSH KO SI KRIZ VAUN!" ang pasigaw na sabi ko. Nung sinabi ko yun, tumitig ako sa dalawang mata ni Kriz. Hindi ko alam kung bakit ko inamin. Tapos pasigaw pa. Tuloy maraming tumingin, nasa public pa kami. Shuksss! Wala talaga akong ideya kung bakit ko inamin! Nung tumitig ako kay Kriz, namumula siya at wagas yung ngiti! Waaah! May meaning kaya yung pamumula niya at yung ngiti niya? Crush niya rin kaya ako? Waaah! Sana nga! Nung sinabi ko yun, tumakbo na agad ako sa tabi ni Jairus. Hindi na ako na c-cr. "Oh, ano nangyari? Bakit parang ang saya saya mo?" tanong ni Jairus. "Ha? Wala." sabi ko. "Anong wala? E namumula ka tapos naka ngiti ka pa. Hoy babae. Aminin mo. Bestfriend mo ko." sabi ni Jairus. "Kasi... Ganto yan... Inam... Inamin ko na kay Kriz na crush ko siya. Shhhh. Wag ka maingay ah." sabi ko kay Jairus. "Waaah! Nakaka-kilig! Yieee! Nagiging babae na si Mimi! Atlast! Hindi ka na lalak*!" sabi niya. "Ano? Ano? Lalaki? Gusto mo bang mabugbog? Babae ako!" sabi ko. "Joke lang naman bro! Alam ko namang babae ka e. Hahaha!"
sabi sakin ni Jairus. Pit! Pit! Yes, dumating na rin sa wakas yung service ko. "Jairus, alis na ko. Bye. Bukas na lang ulit." "Ah sige. Mimi ah, may crush ka na pala ha. Yieee!" sabi sakin ni Jairus. "Shhh. Sabing tahimik lang e." sabay takbo sa service. Bago ako sumakay, tumingin muna ako kay Kriz. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin na siya sakin. Waaah! Nag wave siya ng goodbye sakin. Nag wave rin ako ng goodbye sa kanya. Nakaka-kilig! Ngumiti pa siya sakin. Waaah! Nakaka-kilig talaga to! Heart heart!---------------------------------------------
Next is Part 5
I hope na enjoy niyo! Hihi :)
BINABASA MO ANG
Crush kita, angal ka?
Teen FictionCrush kita, angal ka? Ay kwento ng isang babae na si Mimi na nagka crush sa kaklase niyang hindi niya inaakala. Si Kriz ang hindi niya inaakalang naging crush niya. Si Kriz ay laging iniinis at inaasar si Mimi. Kaya silang dalawa ay laging magkagal...