New
Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. It's already 4:30 am, kahit gusto ko pang matulog ay minabuti kong bumangon na. Ayokong ma late sa unang araw ng pasukan at nakakahiya.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa ibaba kung nasaan ang kusina. Naabutan ko si Ateng naghahaing almusal habang iinom ng kape. Nang magawi ang mga mata niya sa hagdan ay agad niya akong sinenyasang ma upo na.
" Ang aga mo ngayon Mari ah", sabi ni ate sabay higop sa hinahawakan niyang tasa ng kape.
"Nakakahiyang ma late Ate", tinatamad kong sabi sa kaniya at umupo na sa six seater oval dining table.
Nagluto si ate ng bacon at Pancit Canton?! Nang tiningnan ko siya ay ngumiti lamang siya ng pagkatamis-tamis.
"Don't give me that look of yours Maria Quinne Tabalinqous Reyes, you know that I can't cook anything just this two viands", sabay turo ni ate sa bacon at pancit canton. She's already 24 year's old but she doesn't know how to cook yet. Rice cooker and ready to cook food lang ang nakakapag pasurvive sa kanya whenever she's boarding.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik pa ko sa kwarto upang kunin ang bag ko. Sa di malamang dahilan ay napunta ako sa gilid ng aking kama kung saan tanaw ko ang picture frame naming pamilya. Sa likod ng isang wooden na upuan ay nakatayo ang kambal kong kuya, napapagitnaan nila si Ate. Nakaupo naman ako at napapagitnaan nina Mama at Papa. It was taken when my kuya's graduated as summa cum laude's in UP Diliman. Nakasuot kaming lahat ng puti habang ang mga kuya ko ay nakasuot ng kani-kanilang toga. Bakas ang saya sa mga mukha namin ng kinuha ang larawang iyan.
"Mari! Mari! ", Natauhan ako dahil sa tawag na iyon ni ate. Dali-dali akong bumaba ng hagdanan at nakita siyang may kinakausap na babae, mukhang nasa fifty-five to sixty and edad. Nang lumapit ako pinakilala sa akin ni Ate si Aling Perla. Siya ang babaeng makakasama ko habang nasa Iloilo si Ate, kumuha kasi ulit siya ng Architecture na kurso kahit last year lang naka-graduate sa kursong Civil Engineering. Nasa kabilang lalawigan lang naman ang Iloilo pero kumuha si Ate ng boardy house at uuwi lang siya tuwing weekends.
Mukhang mabait naman si Aling Perla.
"Halika na at baka ma-late ka", yaya sa aking ni ate kaya pumasok na ko sa kotse niya at umupo sa front seat. Tahimik kami buong biyahe,malapit lang naman kasi ang paaralan ko. Nang nakarating na kami sa Antique National School ay pinarada ni ate ang BMW niya sa gilid ng school. Bago ako lumabas sa sasakyan ay niyakap niya ako ng napakahigpit.
"Mag-ingat ka dito bunso ha? Tawagan mo lang ako kung may mangyaring masama. Okay?". Ang drama ni Ate.
" Oo. Mag-ingat ka rin doon Ate. Mag entertain ka na rin ng manliligaw", natatawa kong sabi. Namula naman siya, maganda naman kasi talaga si Ate eh.
"Ewan ko sayong bata ka, pinagsasabi mo? Lumabas ka na nga", pagtataboy niya saken. Natatawa nman akong lumabas ng sasakyan.
Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa probinsiya nakakarelax. Hindi ko namalayang nakapikit pala ako habang inaamoy ang simoy ng hangin. Nang minulat ko ang aking mga mata, may ilan sa mga estudyanteng pinagtitinginan ako. Awkward. Ngumiti na lang ako sa kanila at nagsimula ng maglakad papunta sa main gate ng ANS. Marami-rami na rin ang mga estudyanteng naroroon at dahil nahihiya nalalakad akong nakayuko. Nang nakapasok na ako sa main gate, napansin kong nahinto sa paglalakad ang mga estudyante at nakatingin sa malaking entrance gate ng school. Nakarinig pa ako ng mga bulong-bulungan pero ang clear lang ay ang word na 'Sanchez',I think it's a surname. Dahil na curious na rin ay huminto ako at tumingin sa labas. Nakita ko ang isang maitim na van nakabukas ang pinto nito at iniluwa ang --------------, well, nag gwa-wapuhang mga lalaki. Lakas ng karisma ng mga dumating para silang magnet nakaka-attract. Yung iba sa kanila naka glasses,it looks like they're nerds but no mas dumagdag lang sa angking nilang karisma ang mga glasses, you can call them smart. Kaya pala halos matulo na ang laway ng mga babaeng estudyante, ganito ba naman bubungad sayo? Akala ko tapos na ang palabas yun pala may puting van pa, hindi kidnapper's o hold-uppers, they're beautiful ladies. Mga baba na naman ngayon ng mga lalaki ang nakanga-nga. Well,hindi ko sila masisisi. Yung ibang mga estudyante pinadaan sila at parang hindi pa rin maka get-over sa nakita at sinundan pa talaga. Maglalakad na sana ulit ako ng may babaeng naka bangga sa 'kin.
"Oooppss, sorry!" Nag peace sign siya saken at ngumiti,lumitaw yung mga braces niya, pero biglang nawala ng ngiti niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang sinisiyasat gamit ang mga mata lamang. Nung na satisfy siya ay ngumiti ulit.
" You must be an SPA student, but you're not familiar".
"I'm a transferee kasi" sagot ko na lang sa kanya.
" Oh" at napatu-top siya sa kanyang baba.
" What's your grade level?"
" I'm a Grade 10".
Biglang mas lumiwanag ang ngiti niya na parang nanalo sa lotto.
" I think we will be classmates", she wink at me and hold me at my elbow. Nagsimula na kaming maglakad kahit nalilito sa mga kinikilos niya nagpatianod na lamang ako.
Habang naglalakad kami ay bigla na lamang siyang nagsalita.
"By the way, I'm Shine Addah Condes Pillado, you can call me Shine. How about you?"
Shine? Bagay nga sa kanya yung name niya.
" I'm Maria Quinne Tabaliqous Reyes, you can call me Mari"
" I like your name!" Tumingin siya sa akin at ngumiti ulit.
Hindi ko namalayang nasa isang hallway na pala kami naglalakad. Naghahanap ako ng bulletin board para mahanap ko kung saan ba talaga ako papasok.
AN: Habang ginagawa ko po to, nag e-edit edit pa po ako, sorry sa mga errors😅. Mahaba-haba pa ang ating biyahe mga estudyante😅.