Chapter 1

44 0 0
                                    

Stacey's POV

Hayyy...Ang boring naman sabagay wala naman bago sa buhay ko simula ng magkasakit ako, minsan nga naiisip ko baket hindi nalang ako mamatay ng hindi na nahihirapan sila mama at papa, kaya kasi sila naghirap dahil sa sakit ko kaylangan bilin yung mga gamot ko para mabuhay ako. Ako nga pala si Stacey 16 years old isang cancer survivor not actually a survivor kasi gamot ang bumubuhay saken pag tinigil ko ang pag inom ng gamot mamamatay nako nagsimula ang cancer ko nung 13 ako kaya hindi ko naenjoy masyado ang pagiging bata. Kasalukuyan kong binabasa ang librong isang libong beses ko ng nabasa ang Tfios (The Fault in our Stars) pareho kasi kami ni Hazel ng kalagayan ang pinag kaiba lang namin ay ang uri ng kanser tsaka si hazel kasi may Augustus samantalang ako wala iniisip ko nga sana magkaroon ako ng boyfriend na kagaya ni Augustus pero alam ko namang imposible mangyari yun sino ba naman magkakagusto sa babaeng may kanser. At dahil gustong gusto ko si hazel ipinagupit ko ang buhok ko ng kagaya sa kanya.

" Stacey!!! anak! bumababa kana dito at kumain baka malate tayo"sigaw ng mama ko mula sa kusina at dahil manipis lang ang dingding namin narinig ko kahit nasa kusina si mama may chemo kasi ako ngayon.

Umupo na ko sa pabilog naming lamesa at kasalukuyang kumakain ng almusal, habang nakain ako naiisip ko yung tanong ni hazel na bakit hindi pwede kumain ng almusal sa hapunan like bakit hindi ka pwede kumain ng bacon pag hapunan so tinanong ko sila mama " ma, pa baket hindi pwede kumain ng almusal sa hapunan"

" kasi iba ang pag kain sa hapunan iba ang pagkain sa almusal" sagot ni papa

" Ganun po ba yun" nagtatakang sagot ko.

" Ganto kasi yan anak..."
" Wag na po naten pagtalunan yan." Hindi pa nakakatapos si mama sa pag sasalita ay pinutol ko na dahil napagisip isip ko na bakit ko ba tinatanong pa yung mga ganyang klase ng tanong na nakuha ko lang sa isang fictional character.

Tapos na ako kumain kaya umakyat na ko sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ay pinili ko na ang damit na susuotin ko para sa chemo, ang napili ko ay jeans na dark blue at light blue na v neck t-shirt at flat shoes. Pag katapos ay bumaba nako dahil hinihintay nako ni mama sa kotse. Pag baba ko ay nagpa alam na ko kay papa na nagaayos dahil papasok sya sa trabaho at pag katapos ay lumabas na ko at pumasok sa kotse. Habang nabyahe kami papunta sa ospital ay binasa ko ulit ang tfios. Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating na kami sa ospital umupo muna ako at lumabas si mama may bibilin lang daw sya. Habang nakaupo may nakita akong lalaki na may hawak na DSLR and he's taking a picture of something. He's tall just like Augustus but his hair is black tapos gray na t- shirt ang suot nya tas yung pantalon nya maong and i can't deny he's handsome napansin siguro nya na kanina ko pa sya tinitigan kaya nag wave sya ng hands with HI pero walang boses so i wave back tapos dumating na si mama kasama yung doktor ko nag kasalubong daw sila sa baba kaya magkasama sila.

****

Pagkatapos ng chemo ay bumaba na kami at pumunta sa parking lot nang malapit na kami sabi ni mama "Stacey mauna kana may nakalimutan ako sa ospital babalikan ko lang saglit".
" Okay po" sagot ko naman. Pumasok na ko sa kotse at sa passenger sit may nakita akong card na wala naman kanina dito saying:" Hi can i get your number i'm the guy you're staring kanina 😉 nandito ko sa likod mo"
Pagtingin ko sa likod ko nagulat ako at nandun nga sya.

"Aahhhh!" Napasigaw ako sa gulat

" Sorry kung nagulat kita i just wanna get your number so if don't mind write it in my hand" sabi nya with a gentle voice.

Muka naman syang mabait so binigay ko yung number ko 0928******* at sa sinulat ko sa palad nya like what he said.

"By the way my name is Perseus, pwede ba tayong magselfie"nahihiya nyang tanong.

"Okay." Click! Click! Pag katapos ng dalawang picture ay dumating si mama "Mukang may bago kanang kaibigan ah keep it up! Stacey!" Tuwang tuwang sabi ni mama.

"I'll chat with you later keep it up! Staycey!" Sabi nya na may halong pang aasar sa boses nya.

Sumakay na kami sa kotse sa buong byahe namen ay puro PERSEUS PERSEUS PERSEUS KEEP IT UP! STACEY! KEEP IT UP! STACEY! Lang ang nasa isip ko pati rin yung mata nya na kulay brown parang asian version lang ni Augustus ang pinag kaiba lang nila ay hindi prostetic yung leg ni Perseus. Pag katapos ng ilang oras ay naka uwi nakami, natapos ang ilang oras na puro si Perseus lang ang iniisip ko.

"Stacey okay ka lang ba? Napapansin ko kanina pa parang ang lalim ng iniisip mo" sabi ni mama.

"Ah wala po pagod lang po ko siguro"sagot ko kay mama hindi ko sinabi na si Perseus ang iniisip ko.
Umakyat na ko at nagpalit ng damit pag karaan ng ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko at may text mula sa unknown number : "Hi keep it!up! Stacey! Persues here..."

And i respond with: "Hi" oh diba sobrang igsi pagod na siguro ko kaya natulog muna ako pag pikit ko ay hindi nagtagal nakatulog na rin ako inisip ko yung sinabi ni hazel na:"Sleep fights cancer"

Pag kagising ko tinignan ko ang cellphone ko at nagulat ako dahil may 10 unknown text messages ng tignan ko ay :
"Bakit ang igsi naman ng sagot mo?"

"Uy keep it! Up! Stacey! Bakit hindi ka nagrereply"

"Wala ka ba load?"

"Ayaw mo ba ko kausapin"

"Pwede ba ko pumunta dyan?" Hindi nya nga alam kung saan ako nakatira pano nya ko mapupuntahan.

"Nandito na ko sa tapat ng bahay mo"

"Nandito nako sa loob pinapasok na ko ng mama mo"

"Paakyat na mama mo."

"Kaya naman pala hindi nagrereply tulog eh."

"Hi! Keep it Up! Stacey! Gising na kung anong kinaganda mo pag gising sya namang kina cute mo pag tulog hahahaha wag ka sana magalit sa mama mo kasi pinapasok nya ko sa kwarto mo nga pala umuwi na ko ang tagal mo kasi magising eh mga 3 hours siguro ko naghintay sana pag gising mo magreply ka naman sige babye Keep it Up! Stacey! ☺️"

Pagkabasa ko ng mga msg ni Perseus ay sinave ko ang number nya pagkatapos ay nag reply ako: "Pano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Wala pang isang minuto ay nagreply sya :

"Nag lalakad kasi ako pauwi ng makita ko yung kotse nyo kaya nalaman ko na dun ka nakatira nga pala 5 streets lang ang layo ng bahay mo sa bahay ko"

And i replied: "Srsly ni la lang mo ang 5 streets ang layo kaya nun"

"Malapit lang yun..."

"Wag kana ulit papasok sa kwarto ko ng walang permiso mula saken ah"

"Okay"

Dahil maigsi na yung huling reply nya hindi na ko nagreply kasi naisip ko na baka ayaw na nya makipag usap o baka may ginagawa sya, at dahil 7:00 na bumaba na ko para kumain 7:00 kasi kami nagsisimula kumain eh. Pag baba ko naka handa na ang hapunan nagulat ako ng makita kong bacon, egg at bread ang naka handa sa hapunan

"Ngayong hapunan ay kakain tayo ng almusal at bukas kakain naman tayo ng hapunan sa almusal para ma experience mo" sabi ni papa ng nakangiti.

"Talaga po papa?" Natutuwang sabi ko

"Oo pero bukas pagkatapos natin kumain ng hapunan sa almusal back to normal na tayo" sagot ni papa

"Okay po" at niyakap ko si papa and he kiss me beside my head.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ko sa kwarto ko at binasa ang Tfios pagkaraan ng ilang minuto ay nag tumunog ang cellphone ko at isang text mula kay Perseus ang aking natanggap:

"Pwede ba ko pumunta dyan bukas?"

And i respond with: "No"

"Ha! Baket? Banned na ba ko dyan dahil sa illegal na pag pasok ko sa kwarto mo kanina?"

"Hindi. Magkita nalang tayo sa park"

"Okay. Kala ko galit ka saken 😅"

"Hindi ako galit sayo. 10:30 ah"

"Okay."

"Okay."


AN: Maganda po ba? nagustuhan nyo po ba? Sana basahin nyo po. Sa mga nagbasa maraming salamat po sana ay bumoto po kayo at mag comment kung ano man po ang nakikita nyong mali para maayos ko po sa uulutin maraming salamat po talaga sa pagbabasa ng aking libro.

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon