First Encounter

25 4 2
                                    

Last Summer

March 28,2007

"Ay mare may kilala ka bang pumasok na makakatulong nila Marcelo? Kampanyahan na kasi kaya wala raw tatao sa bahay nila,taga tanggap lang naman daw ng bisita,syempre tagapagpa-meryenda at maglilinis na rin ng bahay habang wala sila"

Nakapikit pa ang mata ko ay naririnig ko na si Nanay na kausap si Aling Elsa.Natatamad pa akong bumangon pero ng marinig ko yong sinabi Nanay bigla ako napabangon.

"Nay, pwede ako na lang? Bakasyon naman, tamang tama para sa pasukan hindi na ako hihingi ng pang enroll at pambili ng gamit sa School sayo.

Alam ko naman kasi ang hirap ng sitwasyon namin ngayon dahil sa kapatid kong may sakit,kaya naman kahit papano eh gusto ko rin makatulong.

"Bakit kaya mo ba? Eh ultimo nga pag saing di mo pa magawa ng maayos,kung di malata eh sunog,baka mapahiya ako sayo kina Marcelo."tuloy tuloy na sabi ng Nanay habang nagwawalis ng bakuran namin.

"Oo naman Nay,di ba sabi mo tagatanggap lang nman ng bisita at gawaing bahay? Di nman ata kasama ang pagluluto di po ba? Kaya ko yon!" Sagot ko na sinisiguro kung kaya ko.Marunong naman talaga ako sa gawaing bahay lalo pa at nasa Probinsya kami,sa pagluluto lang talaga ako sablay.

"Hala sige at sasabihin ko kay Marcelo,wag mo ako ipapahiya dun Ghia,umayos ka."paninigurado nang Nanay.

" Opo Nay promise!"bigla ako naexcite at medyo kinakabahan din.

Sa totoo lang kinakabahan din ako,syempre nasanay akong kasama sila palagi sa dami ba naman naming magkakapatid,tapos sa susunod na araw ibang mga tao na ang makakasama ko.Kaibigan ni Nanay si Tata Marcelo tumatakbong Konsehal ng aming Bayan.Campaign Manager ang nanay ko kaya sila madalas nagkakasama sa mga kampanyahan.Lahat kasi ng raket na pwedeng pasukin,pinapasok ng nanay ko basta legal,nariyang naging member sya ng mga kung anu anung kompanya na nagbenenta ng kape,sabon at mga supplement para lang kumita ng pera.

Sampu kaming magkakapatid,pang anim ako at unang babae 15 years old,sa kasamaang palad nagkasakit ang panganay namin na sya pa namang tumutulong para sa pag aaral naming magkakapatid.Ang iba ko namang mga kuya ay nandito lang din kasama namin at tanging pangingisda lang ang pinagkakakitaan.Maaring mahirap ang buhay lalo pa't may sakit ang kapatid ki at lima kaming nag aaral,pero masipag ang Tatay at Nanay kaya kahit gaano kahirap kinakaya.

March 30,2007

"Naayos mo na ba mga gamit mo? Maya maya eh ihahatid na kita sa Bayan." sabi ni Nanay.

"Opo Nay, konti lang nman ang dinala kong damit,lalabhan ko na lang agad para masuot ko ulit." Ilang pares lang ang damit na dila ko kasi malapit lang nman ang bayan nmin wala pang isang oras ang byahe pag kailangan ko eh pwede namang magpadala na lamang ako doon.

" Hala sige na kumain ka na,maya maya ay lalakad na tayo."nagmamadaling pumasok sa loob ng kusina para maghugas ng plato si Nanay.

Pagdating namin sa Bayan ay ang Asawa ni Tata Marcelo ang nadatnan namin,si Nana Delia,may edad na sya nakasalamin at medyo maputi na rin ang buhok.

Nag usap lang sila sandali,pagkatapos ay iniwan na ako ni Nanay para umuwi samon.

"Mare,ikaw na bahala dyan kay Ghia,kahit anung gawaing bahay alam nyan pwera lang sa pagluluto."natatawabg sabi ni Nanay,bahagya naman ako ngumiti kay Nana Delia.

"Sige ako nang bahala dito,kailangan lang naman eh may mag aasikaso sa bisita pag wala kami ni Marcelo,ang apo ko lang kasi ang nandito pero di ko maasahan dito.Galing pa kasi yon ng Baguio nagbabakasyon lang dito kaya panay gala lamang ang ginagawa." Tuloy tuloy na kwento nu Nana Delia.

Last SummerWhere stories live. Discover now