Conversation

14 2 0
                                    

Last Summer

Tahimik lang akong nakinig sa kanta nya.Hindi ko inakalang may maganda pala itong boses,puro kasi Rap song lang ang naririnig kong pinapatugtug nya pagkatapos ay sasabayan nya.

"Tahimik ka ata?"sabay sampa sa upuan na inuupuan ko.Mahaba ang upuan na yari sa kahoy na sadyang nilagay doon habang hindi pa natatapos ang balkonahe.

Umusog ako papunta sa gilid para hindi kami magkatabi,hindi kasi ako komportable.Nagmistulang dulo sa dulo ang pwesto namin sa upuan na yun.

" Pasensya na sa kagaguhan ko ha,"
"Nag aaral ka pa pala?" Tanong nito.

Bumuntong hinga muna ako bago sagutin ang tanong nya.

"Oo,Forth year high school na ko sa pasukan,bakit mo natanong? Nagtatakang tanong ko.

"Wala narinig ko lang kanina sa usapan nyo ni Queenie,parang ang lungkot mo nga eh,nakonsensya tuloy ako bigla."sabay tawa na binawi naman nya agad.

"Konsensya?meron ka 'non? Tanong ko.

"Slight," tipid nyang sagot.

Tumahimik lang ako,pagkatapos ay muling tumingin sa ilaw na kanina ko pa tinitingnan.

" Sa tingin mo ba yon ang bahay nyo?"muli nyang tanong.

" Hindi,pero para mawala ang inip ko,yun ang iniisip ko,yung pinaka malayo na ilaw na yun" sabay turo sa ilaw na tinitingnan ko.

" Iniisip ko na yun ang bahay namin,miss ko na kasi sila,di pa kasi nadadalaw si Nanay dito kaya parang naiinip ako na walang ibang tao ako kakilala o pamilya na nakikita.Hindi ko namalayan ang luhang pumatak sa aking pisngi.

"Oh walang iyakan,nagku kwentohan lang tayo eh,"pabirong tugon nya,bigla syang umalis pero di nagtagal bumalik din agad.

"Punasan mo uhog mo!" Sabay tapon ng panyo sa may hita ko.

"Shhhh..tumigil ka nga,ang panget mo!" dagdag pa nito,kaya naman biglang nagbago ang mood ko at bahagyang nainis kay Marcus.

"Bumalik ka na lang sa kwarto mo para di mo makita mukha ko,tinawag ba kita?"inis kong sagot sa kanya.

"Wag ka na kasing umiyak,para kang tanga!" Sabi pa nito na tatawa tawa pa.

"Anong sabi mo,tanga ko?"
"Bakit sinabi ko ba sayong lapitan mo ko dito,nanahimik ako dito lalapit lapit ka?"sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Aba,malay ko bang hinihintay mo lang akong lumabas dto," nakangiti nyang sagot.

"Kuuuu!!.. Marcus kapal talaga ng mukha mo!"nasabi ko sabay tayo at hakbang  pabalik ng kwarto ko.

"Bakit di ba totoo?gwapo kong to iiwan mo kong mag isa dito,hoy!" Pasigaw nitong tugon.

Hindi na ako lumingon,pumasok na lamang ako sa aking silid pagkatapos ay bahagyang sinara ang pinto.

Bahagya lamang,bakit?hindi ko alam? Hindi ko alam kong bakit bigla ay ginusto kong silipin sya sa awang na pintuan ng aking kwarto.

Nakaupo sa gitna ng Mahabang upuan,nakade kuatro ang paa,habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa likod ng kanyang batok.Bigla ako napatingin sa panyo na hinagis nya sa akin kanina.

"Shhh..may puso ang gago,"bulong ko sa sarili ko.

Gwapo naman talaga si Marcus,matangkad, katamtaman ang tangos ng ilong,makapal na kilay nito,mga matang para bang nagbabaga,pero pag ngumiti ay parang may kristal na kumikinang.Dagdag pa ang maganda nitong boses na kanina ko lamang narinig.

Bigla kong natapik ang sarili ko 'hindi ka non magugustuhan'isip isip ko.Hindi naman kasi ako ganoon kaganda.

Average lang ang look ko,hanggang balikat na buhok,dark brown na mata,maputing balat at katamtamang tangkad lamang.Mayroon din akong maliit na peklat sa pagitan ng dalawa kong mata.

Last SummerWhere stories live. Discover now