Pahina I

251 5 0
                                    

PAASA

Limang letra ang bumubuo sa salitang PAASA
Limang letra nagsasabing UMASA ka
Limang letrang hindi ko alam kung TOTOO ba?
at
Limang letrang nagsasabing TIGILAN mo na

Hay, lagi nalang ba ganito
Sa bawat nakikita ko 'to ikaw ng ikaw nalang ang naalala ko
Sa bawat pintig ng pusong ito
Laging pangalan mo ang naririnig ko

Pwede bang tama na?
Kasi pagod na ako, pagod nang umasa
Pagod ng maniwala na akin ka pa
Pero sa isang iglap hindi na pala

Eto na naman ako
Nagsusulat ng tula para sayo
Na hindi mo naman mababasa kahit anong gawin ko
Kahit anong sulatin ko hindi mo mababasa ng buo

Kaya ito na ang huling tula na isusulat ko tungkol sayo
Ito na ang huling tula na gagawin ko para sayo
Ang huling limang letra na kailanman hindi na tutungkol sayo
At huling limang letra na magsasabi na sa WAKAS tapos na ako sayo.

MGA PAHINAWhere stories live. Discover now