Pahina IV

150 3 0
                                    

Mahal, mahal mo pa ba ako?

Mahal, mahal mo pa ba ako?
Ang tanong na gustong-gusto kong itanong sayo
Mahal, mahal mo pa ba ako?
Ang tanong na paulit ulit na sinasabi ng puso ko
Mahal, mahal mo pa ba ako?
At ang tanong na dumurog sa puso ko, dahil sa sinagot mo

"Mahal, mahal mo pa ba ako?"
Yan ang eksaktong tanong na tinanong ko sayo
Yan ang eksaktong tanong na nagpatigil sa mundo ko ng malaman ang sagot mo
Yan ang eksaktong tanong na iyong isinagot ng "hindi na, wala na akong nararamdaman sa iyo"

Pagkatapos mong sabihin ang mga salita
Ngumiti ka at tinignan ako sa mga mata,
Matang nagsasabing ayoko na
Matang nagsasabing tama na, itigil mo na
Ang kahibangan na mamahalin ka pa nya, kasi hindi na talaga

Mahal, mahalin mo ulit ako
Kahit di na ako ang mahal mo
Kahit di na ako ang nagpapasaya sayo
Kahit di na ako ang nasa puso mo
Kahit di na ako ang para sayo

Alam mo pinagsisihan ko ang pagtanong sayo
Pagtanong sayo na ako pa ba ang laman ng puso mo
At pagtanong sayo, na kung mahal mo pa ba ako
Kasi kahit ako, alam ko na isasagot mo
Na hindi na ako ang mahal mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MGA PAHINAWhere stories live. Discover now