Chapter 3

150 7 10
                                    


"Wala pa masyadong gawain dito, hindi pa naman officially open 'tong comedy bar. Sa ngayon, ang gagawin n'yo lang ay magtutulong-tulong linisin 'to."utos ni Mamu Paul, ang may-ari ng comedy bar. "Akala ko po waitress kami dito?"kunot-noong tanong ni Maddie.

"Oo, kaso hindi raw makakapasok ngayon 'yong isang janitress, may sakit daw. Tapos 'yong isang janitor naman, may mahalagang lakad raw. 'Wag kayong mag-alala, hindi kayo ang magm-mop at magpupunas ng mga bintana kapag nagbukas na tayo."nakangiting sagot ni Mamu Paul. Tumango silang limang waitress at ipinaliwanag na ng may-ari ang kanilang mga gagawin sa gabing iyon.

"Mamu, may mga bakla po sa labas. Maga-apply po para maging comedian."balita ng isang baklang galjng sa labas ng comedy bar. Pinapasok na niya ang mga sinasabing bakla sa labas ng bar at dinala kay Mamu.

"Mga 'te, ito si Mamu Paul. S'ya ang may-ari nitong comedy bar."

"Hello po!"sabay-sabay nilang bati. Isa-isa rin silang nagpakilala kay Mamu. "Sure ba kayong magaling kayong magpatawa?"tanong ng huli.

"Opo, Mamu! Maaasahan n'yo po, walang araw na hindi hahalakhak ang mga customer n'yo rito. Sisiguraduhin po naming paglabas nila rito ay nakangiti sila."nakangiting tugon ni Arci.

"Oh sige, sabi n'yo eh. Mataas ang expectations ko sa inyo ha? Next week ang bukas ng bar, ibigay n'yo na lang kay Pooh 'yong number n'yo. Tapos pakisulat dito 'yong full names at address n'yo."iniabot ni Mamu ang isang bond paper at ballpen kay Arci. Si Arci na ang nagsulat para sa kanilang lahat.

"Ariel Ciriaco Viceral? Anak ka ni—"

"A-Ah sige po, Mamu! Tawagan n'yo na lang po kami kung kailan ang exact date ng pagbubukas nitong comedy bar ha? Una na po kami,"nakangiti ngunit naiilang ding paalam ni Arci at nanguna na sa paglabas ng comedy bar.

"Mamu, ano 'yong sasabihin mo? Anak s'ya nino?"takang tanong ni Pooh. "Mayaman 'yong tatay ng baklang 'yon, Pooh! Sobrang yaman ng tatay noong Arci na 'yon."manghang sabi ni Mamu.



Dahil pareho silang walang lakad ngayong araw, sa wakas ay natuloy na ang unang araw ng training ni Maddie. Unang inayos ni Arci sa kaniya ay ang kaniyang lakad.

"'Te anong lakad 'yan? 'Yong lakad mo parang 'yong lakad ng mga bata sa Mini Ms. U sa Showtime."natatawang pang-aasar ni Arci. "Grabe, ang harsh naman n'on. Is it really that bad?"nakangusong tanong ni Maddie.

"Oo, kaya 'yan ang una nating aayusin. Tuturuan kita kung paano lumakad a la Catriona Gray."nakangising sabi ni Arci.

"Una sa lahat, girl, you sway the hips but you go it gracefully. 'Wag bouncy at 'wag kang magmadali. Namnamin mo 'yong oras na solo mo ang enteblado."habang sinasabi ang kaniyang instructions, ipinapakita rin ni Arci kung ano ang dapat gawin ni Maddie. Tahimik naman siyang pinapanood ng dalaga at inaaral ang kaniyang bawat galaw.

"And when you stop, ganito 'yong gawin mong pose. It's not like the usual ones beauty queens do. Sa ngayon ganito na lang muna ang gawin natin, but we'll give you your own character as time flies."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Runner UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon