Twenty-Ninth Memory

14 1 0
                                    

Perfect View

Ilang taon na ang lumipas matapos akong ipagpalit ni Rale sa career niya. And this heart of mine chose to be in a state before I met him. At hindi ko na hahayaang lumambot muli ito sa isang maling tao.

Isa na ko ngayong Outside Sales Representative sa isang car dealership. And I owe it a lot to my grandmother. Siya ang naging kasama ko para makalimutan lahat at simulan ang buhay na ninanais ko.

I just want a world where I don't get attach to anyone.

Kasi kahit anong gawin ko, kahit gaano ko pa kagusto, iiwan at iiwan ako ng isang taong naging parte na ng buhay ko. I've been through it many times. At wala ng ilalambot pa ang puso kong ilang beses ng iniwan.

"Rain, lunch?" Pagdungaw ni Cullen sa office ko. Sabay kaming grumaduate at pareho din kaming natanggap dito. He's an inside sales rep. "Don't overdo your work. You look so stressed. Hindi mo na magagamit 'yang magandang mong mukha sa customers natin, sige ka."

"Daldal mo." Bigkas ko sabay kuha ng shoulder bag at blazer ko.

Sabay kaming naglakad palabas ng building ni Cullen nang sumabay sa 'min si Sir Hyler, Sales Manager.

"Can I join you?" Tanong niya na ikinagulat naming pareho ni Cullen. I mean, hindi namin siya nakakasabay kumain at hindi siya masyadong nakikipag-close sa mga katrabaho niya. We didn't even have any non-serious conversation.

I smiled as a sign of approval. Pansin ko kasi sa mga mata ni Cullen na wala siyang balak sagutin si Sir Hyler. Sigurado akong galit pa rin siya dito dahil sinigawan siya nito noong nakaraang linggo.

Nakarating kami sa isang seafood restaurant na sinuggest ni Sir. Kitang-kita sa mga mata nito kung gaano niya kagusto ang restaurant na ito. The way he advertise this restaurant makes him like the owner of it.

Pansin ko naman ang pilit na ngiti ni Cullen habang nagsasalita si Sir.

"Bakit ka ba pumayag na sumama sa 'tin si Sir Hyler?" Bulong niya sa 'kin habang sinusundan namin ang pinag-uusapan naming dalawa.

"Wala naman akong sama ng loob sa kaniya. Anong gusto mo humindi ako? Edi nasali ako sa blacklist niya na kasama ka." Nang-aasar akong ngumiti sa kaniya na ikinagalit niya. I can see how his jaw clenched out of frustration. At wala akong nagawa kun'di sumabay sa pagpasok ni Sir sa restaurant.

Kilalang-kilala na siya ng mga staffs. At iginagalang pa siya. Maybe he's a long time customer here.

"Ma'am nandito na po si Sir Hyler." Pagtawag ng isa sa mga staff sa loob ng kitchen ng restaurant. At ikinagulat ko kung sino ang lumabas galing sa loob ng kitchen. She's wearing a uniform of a chef. At sobrang saya ko na nakita ko ulit siya.

"Brea..." I uttered.

"Rain!" Sumigaw siya sabay takbo papalapit sa 'kin upang ako'y yakapin. I hugged her tight. "I miss you, sobra-sobra. Oh my! Naiiyak ako."

Hindi ko magawang makapagsalita. Ang alam ko lang ay gustong-gusto ko lang siyang yakapin ng mahigpit. Hindi ko ito inaasahan. I found my bestfriend and God knows how happy I am.

Kumalas siya sa yakapin naming dalawa at hinawakan ang aking magkabilang balikat.

"Wuy! Ba't 'di ka man lang magsalita? Hindi mo ba ko na-miss?" Pansin niya sa 'kin. At hindi ko namalayang may luhang tumulo mula sa aking mga mata.

She was the only person that made me realize how beautiful the real world is. Na kahit anong lupit ng tadhana, once you open up your heart, happiness will find you in this world full of chaos.

"I'm just speechless. Speechless because of too much happiness. Hindi ko inaasahan na makikita kita ulit." Bigkas ko habang pinupunasan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi.

At habang binibigkas ko ang mga salitang 'yun ay hindi na rin niya napigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha.

"Sa lahat ng nakilala ko, you were the most honest and genuine. How I love to look at your eyes because they speak of how sincere the words that coming out of your mouth. Bakit ka ba ganiyan? Pinapaiyak mo ko lagi. 'Lika nga dito." Bigkas niya sabay hatak sa 'kin upang yakapin ako ulit.

Pagkatapos ng ilang minuto ng yakapan ay umupo kaming dalawa sa may bakanteng upuan. Tumabi naman sa kaniya si Sir Hyler at sa 'kin namin si Cullen.

"Boyfriend mo?" Pagtukoy niya kay Cullen na agad ikinasamid ng katabi ko.

"Hindi. Kaibigan ko. Cullen, this is Brea, my long lost friend. And Brea, this is Cullen, nakilala ko siya sa lugar ni Lola. Pagkatapos kong umalis sa Elysian." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Gusto ko namang makilala mo si Hyler, my boyfriend." Bigkas niya habang masayang nakatingin dito.

Napagpasyahan naming kumain muna bago magkwentuhan dahil ang plano ni Brea ay lalabas raw kami mamaya pagkatapos ng trabaho upang mas mahaba pa ang oras ng pagkikwentuhan namin. We missed a lot of stories of each other.

Simula kasi noong umalis ako sa Elysian ay hindi niya na ko nagawang ma-contact. Ako mismo ang pumutol sa lahat ng pwedeng maging koneksyon ko sa lugar na 'yun.

Tinapos ko lahat ng trabaho buong maghapon na ikinapagod ko ng sobra. A lot of paper works were piled up before we took our lunch this afternoon kaya sobra akong napagod. But atleast, I will get to connect again with my long lost friend.

Tinawag ako ni Cullen at sabay kaming lumabas ng building, alas-syete ng gabi. Nadatnan naming naghihintay si Brea sa labas.

"Hindi pa ba tapos si Sir Hyler?" Tanong ko sa kaniya.

"Susunod na siya. Sasakay muna ako sa 'yo ngayon and we'll talk about a lot of stuffs along our way to the Sky Deck View Bar."

At ganoon nga ang nangyari. Si Cullen ay sumakay sa kaniyang kotse kasunod namin.

"How's your life, Miss Rain?" Tanong niya habang nagmamaneho ako.

Ikinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari pagkatapos kong umalis ng Elysian minus lahat ng istoryang kasama si Rale. I don't want to talk about him.

Pero hinding-hindi makakalagpas sa babaeng 'to ang kahit anong kwento ng buhay ko.

"How about Rale?" Seryoso niyang tanong na hindi ko nagawang lumingon sa kaniya.

"Kinalimutan ko na siya, Brea. He must have a wonderful life right now. And I should have, too." Simpleng sagot ko.

"Eh, bakit wala ka pang boyfriend hanggang ngayon?" Mausisa niyang tanong.

Eh, bakit nga ba wala? Bakit nga ba, Rain?

Alam ko dapat ang sagot. But why can't I find a proper answer to her question? Bakit nangangapa ako ng mga salitang dapat kong isagot sa kaniya?

"Huli ka. Kasi alam mo ang sagot pero ayaw mong aminin mismo sa sarili mo. Kilalang-kilala na kita, Ulan."

Nakarating kami sa bar na sinasabi ni Brea na hindi na muli pang nagtanong tungkol kay Rale. And that's why she's my friend. Kaya na niya ko agad intindihin kahit wala pa kong sinasabi.

To have someone understand your mind is a different kind of intimacy.

Umakyat kami sa taas at sobra akong namangha. It is giving us a whole view of the city.

Dumiretso ako sa may glass railings at tinignan ang buong syudad. Pumwesto ako sa may kaliwang dulong bahagi ng mga railings.

Lights are everywhere, high buildings are reachable, and the dark sky full of stars is very visible. Tinaas ko ang aking kamay at sinubukang abutin ang maliwanag na buwan. How can the stars and the moon be so beautiful in the darkest hours of the world?

Humarap ako sa katapat kong nasa may kanang bahagi ng dulo ng mga railings.

At hindi ko alam kung bakit dumagdag ang kaniyang mga mata sa mga nag-gagandahang bagay na nakikita ko ngayon.

He is looking at me with a glass wine on his hand.

"And this is what I call a perfect view. You, along with the stars and the moon." Rale said.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon