Not Allowed
Lumipas ang ilang linggo at tuluyan na ngang bumalik ang The Square. They're back on the stage. At kahit nawala man sila ng ilang buwan ay hindi pa rin kumukupas ang kanilang kasikatan. Their fans are still the greatest supporters of the industry. At syempre, I am also back.
Kasalukuyan kaming magkasama ngayon ni Brea habang pinapanood ang comeback performance nila Rale sa tv. Kakasimula ng breaktime namin at napagdesisyunan naming dumiretso agad sa canteen para manood.
"Ba't hindi pa rin kumukupas 'yang mga 'yan?Ang gagaling pa rin."Manghang-manghang bigkas ni Brea.
But my eyes are fixed at the man I've missed performing. Siya lang ang pinapanood ko at hindi ko maalis ang aking ngiti habang nanonood. The voice, the moves, the charisma, how can he be so damn perfect?
Pareho kaming muntik mapamura ni Brea ng may biglang humarang sa pinapanood namin. And guess what, it's my annoying cousin.
"Hoy! Humarang ka jan kung kanais-nais 'yang mukhang ihaharang mo. Hindi kami nagpunta dito para lang magsayang ng oras na panoorin 'yang mga nakakasukang pagmumukha niyo." Matapang na bigkas ni Brea sa pinsan ko at sa mga alipores niya.
"Hindi naman ikaw pinunta namin dito. Nadamay ka lang." Mataray na sabi ni Vy sabay harap sa 'kin.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko.
"Wala lang. Trip ko lang sabihin sa'yo na ang layo ng agwat niyo ni Rale. Look at you. You can't even afford to watch him live. And you call yourself his girlfriend? Hanggang dito ka na lang sa Elysian, Rain. Dito ka lang nababagay." Bigkas niya na ikinadahilan upang ako'y tumayo at tapatan siya.
"At ikaw? Nababagay ka para sa kaniya? Ibahin mo ko, Vy. Pareho man tayong ipinanganak dito sa Elysian, pero may pangarap ako. And no one can ever dictate my future, not you." Asik ko sabay talikod na.
Nawalan na ko ng gana manood. Sinira ng walang 'ya kong pinsan.
Pinili ko na lang bumalik sa aming room at hintayin si prof. But then, there are more Vytheas here. Ang mga mata nilang sobrang manghusga ay isa-isang nagdadala ng mga salitang mas malala pa sa mga sinabi ng pinsan ko. Mga bulong-bulungang nagbibigay ng iritasyon sa aking tenga.
'Hindi na babalikan ni Rale 'yan.'
'Mas may nababagay kay Rale kaysa sa kaniya.'
'Pinatulan lang naman ni Rale 'yan dahil hindi niya alam na sikat pala siya. Ngayong bumalik na ang kaniyang alaala ay paniguradong mas pipiliin ni Rale si Canna.'
And that hurts more than I deserved.
Alam ko na noong una pa lang. We weren't in the same world. Pero anong magagawa ko? I love him. Mali bang magmahal ako ng kagaya niya? Mali bang sundin ko ang puso ko?
My tears are about to fall when I saw him smilingly waving at me. With a boquet in his arm, he entered our room and how wonderful it is that for a minute, I felt like I am Rain and he is just Rale, that we are just an ordinary couple who miss each other.
Tumayo ako at agad lumapit sa kaniya tsaka niya ko binigyan ng simpleng halik sa aking noo. Inabot niya ang bulaklak sa akin tsaka niya ko binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"I miss you..." He whispered.
"I miss you, so much."
Hindi ko alam pero bigla na lang lumandas ang aking luha sa aking pisngi. At hindi 'yun nakalagpas sa kaniyang atensyon. Agad niya itong napansin at kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mukha.
"Don't lie to me. What's wrong?" Gusto kong maging maayos para sa kaniya. Gusto kong 'wag siyang mag-alaala. Gusto kong ang buhay niya muna ang isipin niya kaya kailangan kong magpanggap.
I smiled. "Wala. Masaya lang ako."
"Maniniwala na lang ako dahil sinabi mo. But now, you'll be going with me." Bigkas niya at alam kong wala na kong magagawa dahil agad niya na kong hinila papunta sa kaniyang kotse.
"Rale, may klase pa ko. At alam mo 'yan." Pagpapaalala ko sa kaniya pagkatapos naming makaalis ng unibersidad.
Diretso pa rin siya sa pagdadrive na para bang pinlano niya na ang lahat-lahat.
"Pinaalam na kita." Sagot niya na nasa daan pa rin ang tingin.
"Sa'n ba tayo pupunta?"
"Just trust me." He gave me a glimpse with a smile in his face. At kahit anong bigat ng naramdaman ko kanina, makita lang siyang ganito ay agad napapalitan ng saya ang sakit.
Hindi ako tumigil kakatitig sa kaniya habang nagmamaneho siya. How I love to look at this beautiful view forever.
Nagulat ako ng ihinto niya ang kotse sa may tabi ng kalsada. Agad niyang hinawakan ang aking magkabilang pisngi at inatake ang aking mga labi. His lips are very passionate making me want to just stay in here and kiss him all day. I missed his kiss, I miss his eyes, I missed his presence, I missed his whole existence...
He stopped so that we can catch up with the air we lost. Ramdam ko ang paghabol niya ng kaniyang hininga dahil ang lapit pa rin ng kaniyang labi sa aking labi. Agad kong inilapat muli ang aking labi at ipinaramdam ang pagkasabik na ipinaramdam niya sa 'kin. His tongue found its way in the inside of my mouth. Napahilig na ko sa may bintana sa aking likuran dahil sa kaniyang ginagawa.
He stopped. Sabay kaming mabilis ang paghinga dahil hindi pa rin namin malayuan ang labi ng isa't isa.
"Don't look at me using those beautiful eyes of yours. I'm losing myself and damn it! Baka sumobra ako." Bigkas niya sabay bigay ng isang mabilis na halik.
"I missed you and god knows I'm controlling myself. So, be cooperative or else maaga kang magiging Mrs.Finn. Are we clear?" Pagpapaalala niya na agad ko namang sinang-ayunan. Hindi pa rin niya pinalampas ang aking labi dahil binigyan niya ako ulit ng isa pang smack kiss bago siya bumalik sa pagmamaneho.
Nakarating kami sa agency na kinabibilangan ng The Square at agad ko siyang tinanong kung anong ginagawa namin dito.
"I want you to watch me live. Para mas ganahan ako, Mrs.Finn." Bulong niya habang hawak-hawak ang aking baywang.
Hearing what he said, I found myself very much excited. Mapapanood ko siya ng live and god knows how I pray for this day to come. Gusto ko makikita niya kong sumisigaw habang hinahanggaan siya. Gusto ko makita niya kung gaano ako kasuportado sa kaniya. Gusto ko malaman niya na sobra ko siyang pinagmamalaki. I want him to feel that I am his number one fan.
Iniwan niya ko sa may VIP seat ng venue ng kanilang fan meet habang nag-aayos siya may backstage. Pero agad akong nagulat ng may lumapit sa 'king isang lalaki.
"You're Miss Rain Iqo, am I right? I am Yno, The Square's manager and I am here to inform you..." Pagputol niya ng kaniyang sasabihin na agad kong ikinakaba.
"You're not allowed to watch."

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...