Prologue
Keirin's POV
"Wahhh! Ano bayan, wala pang kasunod?" malakas kong sigaw habang nagpapagulong-gulong sa higaan habang hinahampas hampas ang unan ko
Argh..
Inituntog ko ang ulo ko sa unan habang iniisip ang mga posibleng mangyayare sa comics na binabasa ko.
Uwuu... Paano kung naiinlove na talaga si Prince Anding kay Han? Pano na si Shen? Kawawa naman siya umaasa siya kay Han!
Iniangat ko na ang aking ulo sa unan at saka tinignan muli ang cellphone ko. Bigla namang uminit at namula ang pisngi ko dahil ang gwapo talaga ni Anding bwisit.
Mahilig akong magbasa ng comics at manga. Sa sobrang dami nito ay kulang na ang isang one whole sheet of pad paper pag sinulat mo. Ang nakakabanas, puro hindi tapos ang mga nababasa ko. Puro on-going. Kada araw ay naghihintay ako ng updates.
orPero okay na yun, minsan kase nauubusan na ako ng points/coins kapag nagbabasa ako. Marami akong app sa cellphone ko para magbasa. Webtoon, Webcomics, Mangatoon, Webnovel, Manga Rock at Manga Geek. Minsan pag wala na akong points ay sinesearch ko nalang sa Google at dala ng kaswertehan, lagi kong nahahanap.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nagulat ako nang magaalasingko na pala. Friday naman ngayon kaya naman sinulit ko na ang pagpupuyat. Sa sobrang kaadikan ko na sa pagbabasa nito, hindi na ako halos nakakakain ng maayos.
Madalas na rin akong nasesermunan ng nanay ko dahil hindi na ako bumababa ng kwarto ko. Well, di ko masisisi si mama dahil totoo naman. Wala akong magagawa dahil ito ang buhay ko.
Humiga ako ng maayos sa kama habang tinitignan ang kisame. Nagsimula akong mag-daydream at kunware nareincarnate din ako bilang bida sa mga nababasa kong comics.
Hayst, eto nanaman ako sa mga ilusyon ko. Antanda ko na para magisip ng ganito. Gagraduate na ako ng college eh. Pero okay na yun, atleast nawawala ang stress ko kapag nagbabasa ako ng comics at manga.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumayo. Bigla akong nauhaw at kailangan kong uminom ng tubig. Pagkatayo ko palang ay nagsimula na akong mahilo.
Ang kanang mata na gamit ko sa pagbabasa ay medyo nandidilim na ang paningin. Kinusot ko lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ano ito... Bakit parang bumibigat ang paghinga ko?
Hindi paman ako nakakarating sa kusina ay biglang nandilim ang paningin ko at pakiramdam ko ay nawalan ako ng malay.
Pagkamulat ng mata ko, wala akong makita kundi dilim.
Ang lamig...
Bigla akong nakarinig ng boses ng isang babae sa hindi malamang direksyon.
"Understood.. Cold Resistance Ability Activated" tugon nito
Kaagad naman na nawala ang lamig at bigla namang uminit.
Ang init..
"Understood.. Heat Resistance Ability Activated" tugon nitong muli
Eh? Naguguluhan na ako. Saan nanggagaling ang boses?
Bigla namang sumakit ang ulo ko.
Argh, ang sakit..
"Understood.. Pain Nullification Ability Activated"
Nabigla ako nang biglang mawala ang sakit. Natahimik ako ng ilang segundo.
I wish I'm alive..
"Understood.. Death Resistance and Immortal Ability Activated"
"Special Ability, 'Healing' is added"
I wish I'm strong..
" Understood... Overpower Ability Activated"
"Special Ability, 'Mastered' is added"
"Special Ability, 'Copy' is added"
If I'm already dead, I wish I am traveled in another world like in the comics I read.
"Understood.. Body Transmission Activated"
"Special skill, 'Gate' is added"
I don't know what's happening but I don't wanna die yet. Please let me live as it should be.
.........
Biglang bumukas ang mga mata ko ang hinahabol ko ang aking paghinga. Bigla akong napabangon at pagkaharap ko ay nakita kong umiiyak ang iilang mga tao sa harap ko.
Huh? Bakit sila nakasuot ng Chinese dress?
Tinignan ko rin ang aking suot at nagulat ako nang makita kong nakasuot rin ako ng damit pang Tsino. At ang nakakagulat ay mukhang isa akong anak mayaman.
"Buhay ang binibini!"
Nagulat kaming lahat ng may biglang sumigaw na katulong. Nakaturo ito sa akin at parang nakakita ng multo ang kaniyang reaksyon.
Napatingin silang lahat sa akin na may gulat na ekspresyon sa mukha. Napatigil rin sila sa kanilang pagiyak kanina. Nagtataka akong tumingin sa kanilang lahat.
"My lady is alive!" malakas nilang wika at nagtatatalon sa tuwa
Napahawak na lamang ako sa aking mukha at nagsimulang huminga ng malalim.
Panaginip lang ba ito, o natupad ang mga hiling ko?
BINABASA MO ANG
Empress from the Future
RomanceMay isang babaeng mahilig magbasa ng comics about Reincarnation. Sa hindi inaasahang pangyayare ay sa sobrang kaadikan niya sa mga ito ay namatay siya at muling nabuhay sa katauhan ni Wu Meixing, isang mahina at mahiyaing anak ng kagalang-galang na...