Lunes nanaman. Makikita na ulit kita. Mga 6 am ay nagising na ako pero hindi agad ako bumangon. Whole day schedule mo ngayon diba? 1 pa ako kaya mga 11 na ako papasok.
.
Mahal, nandito na ako sa eskwelahan. Nakita kita nakatambay sa tapat ng elementary building, kasama mo mga kaibigan mo pero hindi mo kinakausap si Jv— dati nating tropa, kasama natin sa gig ng paborito nating banda. Anong kaya nangyari sa inyo? Nadamay din ba siya?
"Bea!" sigaw ng kaklase ko at tumungo papunta sa bench na kinauupuan ko. Ilang dipa lang ang layo natin pero parang sobrang layo natin sa isa't isa.
"Uy!" Sigaw ko at inusog ang bag na nasa aking tabi upang bigyan ng pwesto ang kaibigan ko.
Tinignan kita sa peripheral vision ko, nagtago ka sa likod ng poste. Gets ko, ako rin naman may kagustuhan na umiwas ka muna sa akin hanggat cool off pa tayo.
Dinaldal ako ng aking kaibigan hanggang sa sunod sunod nang nagsidatingan ang iba naming kaklase at kaibigan. Nawala ka sa isip ko.
Habang naguusap kami ay lumapit si Jv, kinamusta niya ako. Doon na ako napaiyak. Sobra. Masakit at sariwang sariwa pa rin ang sugat. Mahal, paano mo natitiis na huwag akong kausapin? Na huwag akong pansinin? Bakit parang sa salita mo lamang ako mahal pero hindi sa gawa?
Nang matapos ang klase ay dali dali akong umuwi. Ayaw kong makita ka eh. Masakit. Baka mamaya ay may iba kang kasabay.
Kinamusta kita sa kaibigan mong si John, okay ka naman daw. Wala ka pang ibang babaeng nagugustuhan. Umaasa pa rin ako. Huling kwentuhan niyo tungkol sa akin ay magda-dalawang linggo na ang nakalipas. Tungkol yon sa balak mo akong balikan at plano niyong supresa. Hindi nga lang niya alam kailan.
.
Lumipas ang ilang araw na wala tayong pansinan. Miyerkules ngayon. Walang pansinan at todo ang iwas natin sa isa't isa.
Nang matapos ang klase ay dumiretso ka sa room ng teacher mo. Narinig kitang nagpapatugtog ng gitara. Nang nagsimula akong magsisigaw dahil ginugulo ako ng aking kaklase ay biglang lumakas ang iyong pagkanta.
"Hanggat tayo pa, tayong dalawa. Ikaw pa rin ang aking iibigin"
Nang marinig ko ang iyong tinig ay agad kong pinatigil ang ingay ng aking mga kaklase.
Inutusan ko si Paolo at January na akyatin ang room upang makita kung may kinakantahan ka.
"May kasama siyang babae tapos nasa lamesa siya nagpapatugtog ng gitara" wika ni Paolo na may kaseryosohan sa kaniyang pagmumukha
Tila gumuho mundo ko sa sinabi niyang iyon. Pinigilan kong hindi umiyak ngunit traydor ang luha sa aking mata at nagkusang tumulo.
"Uy! Joke lang! Siya at kaibigan niyang lalaki lang ang nandon. Eto naman, binabalewala ka na nga eh" natatawang sabi ni Paolo nang napansin niyang umiiyak na ako.
Peste. Akala ko naman...
Nagusap kami tungkol sa relasyon namin. Ayaw ko man pagusapan ay napakwento nila ako. Kung gaano kasakit at kung paano nila ako pinipilit na iwan at kalimutan na kita. Kung kasindali lang sana iyon ng pagsabi nila na kalimutan na kita. Why not diba? Siguro nagawa ko na pero hindi ko kaya.
Nagyaya si Paolo na kumain. Sakto namang papaalis na kayo nung nagsitayuan kami. Buti nalang at mabilis kang maglakad kaya tanging likod mo lamang ang aking nasilayan.
.
Huwebes na. Whole day kami ngayon. Magpra-praktis kaming sumayaw. Medyo magaan na loob ko.
Ngunit pagkapasok ko ay ikaw agad ang bumungad. Putek. Masakit man ay tinanggal ko na lamang ang aking salamin at sinalpak sa aking tenga ang earphones ko. Dumiretso ako sa loob ng school ngunit wala pa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Lullaby of the Broken
Non-FictionAfter making someone my world. We took a break to learn how to love myself. It was a hard challenge but, I accepted it.