Gusto sana kitang makita
Kahit alam kong may mahal kang iba
Pero pasensya na dahil gusto kita
O baka nga mahal kitaSa tuwing ika'y nakikita
Puso ko'y lumiligaya
Ang tanong ko sinta,
Bakit nga ba mahal kita?Mali ba na ako'y umaasa
Para sa ating dalawa
Tama nga ba,
Ang aking nadarama?Paano nga ba
Ang limutin ka
Kung sa puso ko'y
Ika'y nag-iisaUnti-unting lunurin ang nadarama
Labis na pag-asa
Sana'y mawala na
Kaya turuan mo akong limutin ka.