para kay j 🖤 - 01222020

49 1 0
                                    

Kay tagal din nating 'di nagkita
Kumusta kana?
May problema ka ba?
Ok ka lang ba?

Ang tula kong ito
Ay para sa 'yo
Tandaan mo lang ang sasabihin ko
Ang pag-ibig kong ito'y 'di magbabago

Sa tula kong ito
Sinulat ko upang malaman mo
Na mahal ko
Ayos lang ako

Umulan man o bumagyo
Ako'y tapat parin sa 'yo
Kahit malayo ka sa piling ko
Mahal kita hanggang dulo

Magulo man ako
Pero hindi ang puso ko
Pagka't narito
Ang inaasam kong 'oo' mo

Hindi naman ako umaasa
Pero sa tingin ko may pag-asa
Na baka pwede tayo aking sinta
Ngunit alam kong hindi pwede na

Ang hiling ko lang sa 'yo
Sana 'wag kang magbago
At sundin mo lang ang puso mo
Masaya na ako para sa 'yo.

Tula Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon