S1: Panaginip

92 4 2
                                    

Gusto ko nang makita ang crush ko. Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng school namin at kanina ko pa siya hinihintay na dumating. Ang tagal niya naman kasing pumasok sa school. Early pa naman akong pumunta tapos hindi ko pala siya makikita.

Umupo na lang ako sa may gilid habang naghihintay. Routine ko na ang paghihintay sa kaniya araw-araw kapag may pasok para lang masilayan ang napakagwapo niyang mukha. Ini-imagine ko na nasa harap ko siya at nakatingin sa 'kin. Hindi ko talaga maiwasang hindi kiligin kapag nakikita ko ang crush ko. Ang gwapo-gwapo niya kasi talaga.

Like O-M-G! Parang artista ang 'peg!

Natigil ako sa pagpapantasya sa kaniya nang biglang magkagulo ang mga babaeng schoolmate ko nang may humintong mamahaling kotse sa harap mismo ng gate. Sa sigawan at tilian pa lang ng mga babae alam ko na kung sino ang dumating.

Nagkumpulan ang mga babae na animo'y hinihintay ang idol nilang artista, may mga hawak-hawak pang mga pompoms at banners. Mas lalong nagkagulo at lumakas ang tilian nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang napakagwapong nilalang sa balat ng earth.

Bagay na bagay sa kaniya ang uniform ng mga lalaki at ang lolo niyo, may suot-suot pang sunglasses.

Modelo!

"Waaaahhhh! Ang gwapo mo Dustin! Akin ka na lang, please!?" impit na sigaw ng isang babae at hindi man lang siya pinansin ni Dustin, buti nga.

"Dustin! Marry me, please?!"

"Ang hot mo talaga baby Dustin!!!"

"Mahal ba ang sunglasses mo? Akin na lang!"

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Dustin na animo'y isang modelo na naglalakad sa isang fashion show at hindi pinapansin ang mga babaeng parang mga baliw kung makasigaw. Nahahawi naman ang mga babae at kusa siyang binibigyan ng daan na animo'y isa siyang prinsipe nila.

Tch! Akin lang 'yan, oy!

Ako, nakaupo lang at tinatanaw siyang pagkaguluhan ng mga kababaihan. Nagulat na lang ako nang dumaan siya sa harap ko. Naamoy ko pa ang mahalimuyak niyang pabango. Siguro ang mahal ng pabango niya. Kaiinggit naman.

Pumasok na siya sa loob kaya pumasok na rin ako. Habang naglalakad ay bigla akong nabunggo nang 'di inaasahan ng mga batang nagtatakbuhan. May mga bata talaga dito dahil nasa iisang campus lang ang elementary at high school.

Ngayon naman ay may tumulak sa 'kin at muntik na akong matumba nang biglang may humawak sa bewang ko bilang suporta para hindi tuluyang mag-landing ang plat kong pwet sa lupa.

Napatingin ako sa taong tumulong sa 'kin na nakahawak pa rin sa bewang ko. Nagulat ako sa taong nakita ko at muntik na naman akong matumba kaya mas humigpit ang pagkakahapit niya sa bewang ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya at parang napako na ang paningin ko sa napakaganda niyang mga mata. Nabalik na lang ako sa planet earth nang magsalita siya.

"Miss, are you okay?" nag-aalalang tanong niya at inalalayan akong tumayo ng maayos.

"A-ah y-yes...o-kay l-lang," nauutal na sagot ko at hindi makatingin ng deretso sa kaniya. Guess who, kung sino siya?

Ang ultimate crush ko lang naman na si Dustin! Ang swerte ko ba? Hahahaha slight.

"Right. Mag-ingat ka na lang sa susunod, miss-?" Nakalahad kamay niyang tanong.

"S-Shami Mendoza," nahihiyang pakilala ko at inabot ang kamay niya. Nakipag-shake hands siya at nagpakilala din.

"I'm Dustin Ferrer. Nice to meet you, Shami. Ciao!" Nakangiti niyang sabi at umalis na. Hindi naman niya kailangan magpakilala dahil kilala ko naman siya.

Natulala lang ako sa nangyari dahil ang crush ko nahawakan ko ang kamay. Shems! Mamamatay na ata ako sa kilig. Impit akong napatili at nagtatalon-talon dito sa gitna ng grounds.

Napapangiti akong tinahak ang daan patungo sa classroom ko. Pinagtitingan na nga ako e, dahil para akong baliw kung makangiti. Pake ba nila? E sa kinikilig ako e.

Sa hindi inaasahang pagkakataon biglang may humapit na naman sa bewang ko at sinandal ako sa pader. Nanlaki ang mata ko ng makita na naman si Dustin, parang kanina lang nando'n siya sa may bandang grounds tapos ngayon andito siya sa harap ko at sinandal ako sa pader.

Mygosh! Ang swerte ko ba talaga ngayong araw? Ang daming magagandang kaganapan na nasa panaginip ko lang nangyayari. Uwaaaa!

Namumula akong napatingin sa kaniya at nakita kong nakatingin din siya sa 'kin ng deretso. Malamlam ang kaniyang mga mata at wari mo'y parang nang hihipnotismo.

"Shami... I like you. Matagal na matagal na," mahinang usal niya at sakto lang para marinig ko.

"I like you too... Dustin," napapakagat labi at namumula kong sagot sa kaniya.

Napatingin siya sa aking labi at unti-unti niyang nilalapit ang labi niya sa labi ko. Napapikit na lang ako at hinihintay ang first ever kiss ko sa crush kong si Dustin na gusto din pala ako. Shems! This is it, pancit!

Nararamdaman ko na ang hininga niya at kinakabahan na ako dahil konting-konti na lang maglalapat na ang-




SPLAAAAAAAAASSSSSSSSSSSHHHHHH!

"Hoy! Bumangon ka na at tanghali na!"

Bigla akong napabangon dahil sa binuhusan ako ng malamig na tubig. Nakita ko si mama na nakangisi habang hawak ang pinaglagyan niya ng tubig.

Huhuhu! Sayang yung kiss namin ni Dustin 'di natuloy.

"Ma naman eh! Ang lapit-lapit na eh konting-konti na lang mahahalikan na ako ni Dus-"

Bigla kong naitakip sa bibig ko ang kamay ko nang ma-realize ko ang pinagsasabi ko. Waaaaahhhh! Nakakahiya sana 'di narinig ni mama 'yun.

"Kaya nga kita binuhusan ng tubig dahil kanina ka pa nakanguso diyan habang natutulog. Señorita tanghali na po at mamamalengke ka pa!"

Bigla akong namula sa sinabi ni mama. Ako nakanguso? Mygosh nakakahiya ka Shami. Ang harot-harot mo. Nakaramdam din ako ng kaunting inis dahil ako na naman ang mamamalengke.

"Bumangon ka na d'yan dahil alam nating pareho na hindi mangyayari ang nasa panaginip mo dahil ang gwapo-gwapo ng binatang 'yun para halikan ang isang katulad mong hindi biniyayaan ng kagandahan!"

Kilala si Dustin dito sa lugar namin dahil sa angkan nila na ubod ng yaman. Tapos ang gaganda pa ng mga lahi. Mga memsh!

"Ma! Nakakainis ka! Ang ganda-ganda ko kaya! Hmp!"

"HAHAHAHAHAHAHA hanggang sa panaginip mo na lang 'yan!"

Nakakainis si mama nilalait at pinagtatawanan pa niya ako. Humahalakhak pa siya habang lumalabas ng kwarto ko. Psh! Kainis. Sana magkatotoo na yung panaginip ko.

How I wish!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon