S2: Paalam Kaibigan

87 4 0
                                    

"Andyyyyy!"

Ayoko nang lumingon dahil alam kong masasaktan na naman ako. Dahil kapag lumingon ako alam kong hindi na naman matutuloy ang plano kong pag-alis.

Ayoko na makita pang masaya siya sa piling ng iba. Ayoko na. Pagod na pagod na akong magtiis at magtago ng nararamdaman.

Siguro tama lang ang gagawin ko. Time naman siguro na mahalin ko din ang sarili ko. Nakakasawa nang gumawa ng effort para sa taong mahal mo pero 'di naman niya nakikita ang paghihirap na ginagawa mo.

Masakit man pero kailangan. Mahal na mahal kita Hideo pero sobra na. Handa na akong mag-umpisa muli na wala ka sa tabi ko. Kailangan kong sanayin ang sarili ko kahit mahirap.

Patuloy akong umiiyak habang nagmamadaling pumasok sa airport. Dahil alam kong pipigilan niya lang ako. Sobrang sakit na. Ayoko na.

"ANDYYYY PLEASE MAAWA KA SA'KIN!"

Mas binilisan ko ang paglalakad ko papasok nang marinig kong sumigaw na siya. Nasasaktan ako para sa sarili ko. Dahil konting-konti na lang bibigay na naman ako.

"ANDY PLEASE MAG-USAP TAYOO! 'DI MO KAILANGANG UMALIS PLEASE ANDY!"

Alam kong umiiyak na siya at nasasaktan ako dahil do'n. Umiiyak siya 'di dahil sa mahal niya ako bilang ako kundi mahal niya ako bilang isang kaibigan, isang kapatid.

Isang bestfriend na mapagkekwentuhan niya ng mga masasayang nangyayari sa kanila ni Daisy na pinsan ko.

"ANDY MAHAL NA MAHAL KITA PLEASE 'WAG MO KONG IWAN!"

Bigla akong napatigil sa pagmamadaling paglalakad papasok sa airport nang marinig ko ang kaniyang sinabi.

Alam kong papunta na siya dito at hindi ko na hinayaang makalapit pa siya sa'kin. Bigla akong humarap sa kaniya at nakita kong mugto ang kaniyang mga mata.

"D'yan ka lang,"

"Andy please!"

"Hideo makinig ka muna sa'kin, please!" Kahit nahihirapan na akong magsalita sinubukan ko paring harapin siya kahit masakit na.

"Mahal na mahal kita Andy please 'wag mo kong iwan katulad ni mama,"

Nakaluhod na siya ngayon at nagmamakaawa. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon dahil alam ko ang pinagdaanan niya noon nang iwan siya ng mama niya.

"Hideo please tama na! Maawa ka naman sakin oh. Pagod na pagod na akong masaktan...Hideo, minahal kita ng higit pa sa kaibigan pero ang saklap! Umasa ako na sana balang araw mamahalin mo din ako katulad ng pagmamahal na ibinibigay ko sa'yo! Hideo, pagod na pagod na akong umasa sa wala! Time naman siguro para mahalin ko din ang sarili ko, 'di ba?!"

Napasigaw na ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto kong ilabas lahat para isahan na lang. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon pero wala akong pakialam.

"A-andy, s-sorry hindi ko a-alam." Napayuko siya at mababakas parin ang lungkot sa kaniyang mukha kahit tumigil na siya sa pag-iyak.

"Hideo sorry pero pagod na ako e... pagod na pagod na. Sana maintindihan mo kung aalis ako. Hideo tandaan mo mahal na mahal kita."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok sa loob pero narinig ko pa ang huli niyang sinabi na nakapagpaiyak sa 'kin nang lubusan.

"Andrea, mahal kita pero sana... h'wag mo akong kalimutan. Bestfriend pa rin naman tayo, 'di ba?"

Ang sakit. Hindi ko na kayang masaktan pa. Mahal na mahal kita Hideo. Alam kong mahirap na kalimutan ka dahil halos buong pagkatao ko sinakop mo na. Susubukan kong magsimula ulit na malayo sayo kahit masakit, susubukan ko.

Kung magkikita man tayong muli sana ay ayos na ako. Sana ay maayos at masaya na kayo ni Daisy.

Mahal na mahal kita Hideo.

"Paalam aking kaibigan."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon