2

1.1K 24 5
                                    




Chapter 2

LAST NA TALAGA TO AH! di pa ako na nananghalian ang dami ko ng pinuntahang building na mamalaki. Pinatos ko na nga ang crew sa lotto pero hindi daw available ang cashier.

Kaylangan sa pupuntahan kong kumpanya matangap ako kundi kakainin ko ng buhay yung may ari nun, wala na desperada na akong makahuha ng trabaho.

Simula six am ng umaga umalis na ako at nag hanap ng pwedeng pasukang trabaho, sa dyaryo ako nag hanap, sama mo na pati website sa internet. Lagi kasi akong may internet bawal mawalan, adik ako sa facebook
yun lang happiness ko.

" manong pwede po bang mag apply ng trabaho dito?" Tanong ko sa guard may nakita kasi ako  sa labas na hiring na naka post sa ding ding. Siguro naman sa kanila yung nag papa apply dahil nasa ding ding nila yung papel.

" oo ija pero maya maya pa ang interview."nubayan

Ha? Anong maya maya pa, nagugutom na ako as in tumutunog na ang tiyan ko.In short kumakalam na ang sikmura ko.

" manong mga anong oras po ang interview?"

" isang oras pa ija, kung gusto mo umuwi ka muna at bumalik para hindi ka mapagod"

Uwi? Wala na akong pang uwi kung uuwi ako yung wala ng balikan.

Maghihintay na lang ako sa tabi, pero bago ang lahat bibili muna ako ng fishball may nakita akong nagtitinda. Naku mapapa kain ko na kayong mga bulate ko.

"Sige po manong salamat"

Agad naman akong pumunta sa mag titinda ng fishball, " manong sampung piso nga po sa fishball" gusto ko sana ng kwek kwek kaso............wala na akong pera.

Dahan dahan ko namang nginunguya ang fishball para lasap na lasap ang sarap.


" manong bayad po" sabi ko sa kanya at inabot ko na ang barya ko. Babye sampo.


Kalahating oras pa akong tutunganga sa harap ng malaking building nato. Ano namang gagawin ko.


Naisip kong manglimos kaso panigurado akong walang magbibigay sa ayos ba na man ng suot ko ngayon sinong magbibigay ng pera.

Nauuhaw na ako may nabibilhan ba dito ng icewater yung tig piso lang.Okay  lang kahit di mineral basta makainom ako.

Gutom padin ako hindi man lang ako nabusog sa fishball na kinain ko, pero mas okay na yung nakakain kahit papaano kaysa naman yung kanina na halos mamilipit ako sa sikmura.

Gutom na nga uhaw pa san kapa, wala ba talagang mabibilhan ng ice water dito.

Inilibot ko naman ang paningin ko kung may pagbibilhang tindahan. Pero sa tingin ko wala namang nag bebenta ng ice water sa loob ng malalaking building diba.

Hayyyy buhay lunok lunok na lang ng laway.

Lumipas ang oras at natapos ko na din ang kalahating oras na paghihintay.

Tatawid na sana ako papuntang building na pag aaplayan ko kaso biglang may humarorot na kotse sa harap ko kaya agad akong napa upo sa sahig. Hindi naman ako nabanga pero na shock ako na shock.

Akala ko mamamatay ako ng gutom jusq wag naman kasi food is layp. Ayokong mamatay ng gutom.

Hindi ako makatayo literal na bagsak talaga ang nangyari sakin, una pa pwet. Masheket sis mashaket.

" aray"

Sinubukan kong tumayo pero sumakit lang siya, grabe na ang pawis ko sa noo.

THE BOSS SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon