10

892 21 0
                                    


Chapter 10

Lumipas ang araw ng matapos yung gabing nag iiiyak ako sa kalsada habang yakap ni boss kayumanggi,

Simula din non ay nagiba ang pakiramdam ko, pakiramdam na parang may hindi okay sa katawan ko.

Palagi akong inaantok, pagkatapos nun ay minsan ay nasusuka ako, pero kahit ganon yung pakiramdam ko ay tinuloy ko parin ang pag aayos ng design ko like hello, sa susunod na araw na yun.

Hindi na ako nag pa check up sayang pera eh, ipapadala ko nalang kila tita ganda yung pang pa check up ko, tyaka normal lang namang sumakit yung ulo, lalo na kapag nagugutom.

Katulad ngayon nasa room ako, at 8:00 am na, at kaka almusal ko lang kanina sa canteen nung pagpasok ko, at ngayon gusto ko kumain ng lucky me.

Mababaliw na talaga ako, actually wala naman kaming ginagawa dito maliban sa pag sagot sa papel nato, may pina pa survey kasi samin na kung ano.

" huy nakakunot na naman yang noo mo"
Kalabit sakin ni andrea habang ngumunguya ng nova. Agad namang nagning ning ang mata ko.

" penge" sabay lahad ko ng aking magagandang kamay. Pumayag ka, maawa ka walang lucky me pero may Nova, okay na yan.

Napa simangot naman ako ng iiwas niya yung nova niya, " bawal.kapon ikaw nakaubos ng 'yumshot' ko, pati nung isang araw, pati nung nakaraang isang araw, tapos ngayon din, malaking NO way"

Damot

Hindi ko alam kung bakit naluluha ako ngayon, ang damot niya, penge lang eh, hindi ko naman uubusin.

" penge na andie" maluha luha kong sabi sa kanya pero ang bruha ayaw patinag. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

" ikaw babaita ka ang dami mong pera sa sweldo ng gwapo mong boss tapos wala kang pambiling sampung pisong chichirya"

" nakalimutan ko ngang bumili eh, tyaka madami ba akong pera, konti nga lang"
Naka simangot kong sabi, magbigay na kasi siya kukuha lang naman ako eh.

Huminga naman siya ng malalim na para bang defeat na defeat, " okay fine pasalamat ka kaibigan kita oh, may baon pa akong isa sayo nalang to... pero last na to"

Walang sabi sabing hinablot ko yung chichirya sa kamay niya at kinain, pramis last na to, hindi na ako hihingi. " agila lang" natatawang sabi niya. " hoy babaita mag diet ka nga tumataba kana oh" saway niya sakin, tumingin naman ako sa kanya at ngumiti habang ngumunguya.

" alam ko puputok na ngatong damit ko oh"
Pakita pa sa kanya yung butones. Na parang bibigay na, nginisihan niya naman ako.

" kain pa more" sabi niya sabay nguso sakin ako ngumiti lang.Kakain naman talaga ako kahit di niya sabihin.

Pagkatapos ko maubos yung kalahating Nova ay nakaramdam naman ako ng antok, feel at home ako sa room namin ah, malamig kasi dito kasi naka aircon, and yung teacher namin andun nag titipa sa laptop niya,

Yumuko na muna ako hindi naman siguro ako mapapansin dahil busy sila. Hangang sa nilamon na ako ng antok ko.

" Yumi! Gising.Hoy yumi gosh tulog mantika"
Nagising naman ako ng maramdaman ko ang alog sakin ni andrea. Kilala ko ng siya yun narinig ko yung boses niya eh.

" ummm 5 minutes" naantok pa ako, maaga naman akong natulog kagabi pero parang isang oras lang ang tinulog ko.

" hoy babaita anong five minutes more pa. Ano nasa higaan lang. And inform lang kita 30 minutes nalang bago ka malate sa trabaho mo."

THE BOSS SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon