Jema's Point Of View
Walanjo naman 'tong si Kyla oh. Kanina pa 'ko naghihintay dito sa mall kung saan kami magkikita.
Me :
Hoy dzae, hanuna? Ilang dekada pa ba ang hihintayin ko? Darating ka pa ba o uuwi nalang ako?
Send...
Okay, tapos hindi siya nagrereply? 10 mins. na ang lumilipas. Wala pang reply. Lagot ka talaga sakin, Kyla!
Deanna's Point Of View
Kanina pa 'ko palibot-libot sa loob ng dorm. Putcha, sino ba kasing nagtago nun?
"Deans, ano ba? Nahihilo na 'ko sayo, promise." may pagkasarcastic na paninita nitong si Dani sakin.
"Have you seen my phone? It's missing. Kanina ko pa hinahanap eh." sabi ko naman saka inangat yung mga unan.
"Sana phone nalang ako." I look at Ponggay na kakapasok lang sa room namin.
"Para lagi mo 'kong hinahanap kapag nawawala ako.""Manahimik ka nga Pongs, tulungan niyo nalang kaya ako." Lumabas na ako ng kwarto. Waaaahh!
My phone, where are you? Bumaba na nga lang ako.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita kong hawak ni ate Bea ang phone ko.
"Hi Deans." Nakangiti pa itong bumati.
"Ate Bei!!!!" Patakbo akong lumapit sa kanya sabay hablot ng phone ko.
"Nasayo lang pala ang phone ko, alam mo bang kanina ko pa 'to hinahanap?""Ahh ehh... Ano, sorry na. Hahaha! Hiniram ko lang naman eh."
"Hiniram? May humihiram palang hindi nagpapaalam? tsk." Lumapit siya sakin saka ako niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Sorry na, sorry na, sorry na." Bahagya ko siyang tinulak.
"Oo na, tsk. Sino ba tenext mo? Baka may pinakialaman ka dito ha."
"Uy, wala ah. Kilala mo naman ako. Good ate ako. hehe. Tsaka kung sino ang tenext ko? Secret. Thank you ah. Sige, akyat nako." tapos iniwan niya na ako.
Naupo ako sa couch saka ko binuksan ang msgs. Binura niya ata.
*Doink* (find it sa notif. sound niyo.😂)
Agad kong binuksan yung mensahe, baka ito yung tenext ni Ate Bea.
From : 09** *** ****
Hoy dzae, hanuna? Ilang dekada pa ba ang hihintayin ko? Darating ka pa ba o uuwi nalang ako?
Naku, naku! Si ate Bea talaga oh.
*Doink*
From : 09** *** ****
Hoy Kyla, ano ba? Isa! Uuwi nako, bahala ka!
Nyerk. Ano daw? Kyla? So, hindi si ate Bea yung katext nito?
To : 09** *** ****
Ahh, sorry? Sino 'to?
Ha? Teka, Kyla?
Hindi Kyla ang name ko, sorry.
Naku, ganun ba? Sorry ah.
Hehe. Sorry talaga.---
Kyla's Point Of View
Naku, sa dami ba naman ng paper works na 'to, ewan ko lang kung makakapunta pa 'ko sa usapan namin ni Jema. The Queen Falcon everyone.
And speaking of the Queen Falcon. Ang dami lang naman niyang text. Patay ako.
From : Queen Falcon
KYLA ATIENZA!!!
MS LIBERO!!!
ANUNA?
Alam mo bang kakatext ko sayo,
nagkanda-wrong send na ako dito.Ang dami mo kasing ginagamit na number.
So, ano darating ka pa?
Uuwi na talaga ako, bahala ka.
Naku po. I forgot, napakama-inipin nga pala ni Queen Falcon. I'm dead.
To : Queen Falcon
Uy Jems, sorry na. Dami kasing pa paper works si prof. Bawi ako, promise. Sorry talaga.
Gaga ka pala eh. Nakakahiya tuloy. Wrong send pa 'ko. huhu!
Ano ba kasi talaga real number mo ng 'di ako naro-wrong send.Hahaha! Malay mo naman kasi,
yan na ang nakalaan at itinadhana para sayo. Ayiiieee!---
Jema's Point Of View
Langya. Nakuha pa niyang gumanyan, samantalang kasalanan niya naman kung bakit ako na-wrong send. Balasiyajan, dko na siya ire-reply.
*Bzzz!*
From : 0965 *** ****
It's okay. Kung gusto mo, ako nalang sasama sayo. Nasaan ka ba?
Ayla? Siya daw? Eh? Di naman kami close, tsaka di ako nakikipag-usap sa stranger. Charot!
Pero kung magtanong naman kasi kung nasaan ako, parang nakakatakot. Ayoko. Baka mamaya manyak 'to, tapos baka tanders na 'to. Ew! Never.
Bahala din siya diyan.
---
a/n : Hahaha!
YOU ARE READING
Wrong Send, Right Love
Short StoryAng estoryang nagsimula sa simpleng, WRONG SEND. Magtatapos kaya sa, RIGHT LOVE? ---- Credits sa may-ari ng photo na ginamit ko sa cover. Hehe. Sorry na.