Deanna's Point Of View
After seeing her with that girl na nagbigay ng milktea sa kanya, at hinalikan pa siya nito, ay tumalikod na ako. I think that was Nics? Putcha!
Bumili rin ako actually ng milktea para sa kanya, nakita ko kung pano siya ngumiti, she's really happy na tumanggap ng milktea mula sa iba.
Habang naglalakad ako, dko alam kung anong iisipin ko. Daming pumapasok sa utak ko.
Yung ang sakit isipin na napapangiti siya ng iba.
Pero tama bang umalis ako?
Ewan ko, siguro naman dba?
Ayokong sirain ang happiness niya. Hay! Deanna ano ba 'tong iniisip mo? Ewan! Nakakaparanoid, putcha!
Gusto ng puso kong bumalik sa kanya, pero 'tong utak sinasabing wag na.
Ang layo na siguro ng nalakad ko, tunaw na nga yung milktea na hawak ko, kaya tinapon ko nalang siya sa basurahan bago sumakay sa bus na huminto.
"May sasakay pa ata." Dinig kong sabi ng nasa likod ko, pero dko na ito pinansin.
"Mukang kanina pa siya tumatakbo." Sabi pa ng iba.
"Guys si Jema Galanza." Nag-angat ako ng tingin, agad-agad ng marinig ko yun.
"Oh the Queen Falcon."
"Anong kayang nangyare sa kanya"
Hell yeah! What happened to her?
Naupo siya sa tabi ko. Don't tell me kanina pa siya tumatakbo? Hinabol niya ba ako? Shet! ang stupid mo self.Pareho kaming hindi makapagsalita. Ako, dahil sa gulat, siya dahil sa pagod.
Hanggang sa bigla siyang nawalan ng malay. Putcha! What am I gonna do.
"Ms. Wong, dalhin mo siya sa ospital." Sabi pa ng ibang pasahero. She's right, she's right.
May bumaba para pumara ng taxi at may tumulong sakin na buhatin siya kaya nadala ko agad siya sa ospital.
Nakaupo lang ako sa tabi ng kamang hinihigaan niya. Tulog pa din siya. Mukang napagod talaga siya. Hay! Nakakakonsensiya naman, tsk.
Hawak ko lang ang kamay niya habang bahagya ko itong minamasahe.
"Baby.."
"Jema? Thanks to God at gising kana. Are you okay? May masakit ba sayo? Sabihin mo sakin, saang banda? Come on, tel--"
"B! Relax, ayos lang ako." Sabi pa niya saka siya ngumiti.
"I'm sorry B. Sorry, kasalanan ko-"
"Is it about the milktea? Or dahil kay Nics kaya ka umalis? B, Nics is just a friend to me, okay? Ayoko lang sumama ang loob niya kaya ko yun tinanggap. Wala ng mas hihigit pa sa kilig at saya na nararamdaman ko kapag ikaw ang nagbibigay nun sakin. Ayoko lang maging rude sa kanya. Pero dont blame yourself, I just love you kaya ko ginawa yun."
YOU ARE READING
Wrong Send, Right Love
Short StoryAng estoryang nagsimula sa simpleng, WRONG SEND. Magtatapos kaya sa, RIGHT LOVE? ---- Credits sa may-ari ng photo na ginamit ko sa cover. Hehe. Sorry na.