Jema's Point Of View
Natapos na ang isang buwan at ganito lagi routine namin. Training, game, kain at tulog. Trainong ulit, basta mga ganun.
Di na kami masyadong nakakapagtext ni Deanna. Ewan ko, parang busy din yun masyado.
Miss ko na nga siya eh. Lols!
After our game, tapos na 'ko magpahinga. So, magsha-shower muna ako.
Paglabas ko ng shower nakita kong hawak ni ate Jia yung phone ko.
"Ahh may dumi kaya pinunasan ko." Sabi pa nito saka nilapag sa mesa yung phone.
Okay, kahit weird siya, ayoko nalang pansinin.
"May text ba 'ko? Binasa mo nuh?" pero dko matiis. Haha
"Hindi ah. Hindi, promise."
"Mamatey?"
"Oo na, binasa ko na. Haha! Ahm Kilala mo pala si Deanna?"
"Bakit, kilala mo siya?"
"Oo. Taga ALES yun eh, tsaka gaya ko setter din yun. Panong hindi ko makikilala?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Ano? Si Deanna? Taga-ALES? Taga-ALES ng pagod ko? Charot !
So, si Deanna ay taga-Lady Eagles.
I knew it ! Kaya pala pamilyar. Naku naku ! Pano na? pano na? Waaahh!
Sa lahat ba naman ng maro-wrong sendan ko, volleyball player pa? Waaahhh!
"Bakit? Anong problema?"
"Eh kasi ate Ji, hindi niya alam kung sino ako. Mahigit isang buwan na rin kamong nagkakatext , pero hindi niya pa ako kilala. Kasi...." Nagulat din siya kinwento ko.
"Ahh okay? Okay."
"Pwede bang satin nalang muna 'to? Until dumating yung birthday niya?" She noded.
"Ofcourse, maaasahan mo 'ko diyan."
"Jema!!" Sigaw ng isang babae mula sa labas.
"Kyla?" Pagkapasok nito ay niyakap niya ako.
"Hoy gaga, buhay ka pa pala."
"Grabe ka, nagtext kaya ako sayo. Sabi ko manunuod ako ng game mo? So ito. Ang galing mo girl. Tara labas tayo, libre kitang milktea."
Gusto ko yan! Haha!
Deanna's Point Of View
Walanjo naman oh ! Pagkatapos ng training namin, binalikan ko agad yung bag ko sa locker room.
But wait, my phone is...
Missing again?
Putcha! Miss ko na si Baby oh.
"Ponggay! Have you seen my phone?" I asked pagbalik ko sa gym kung saan sila nagtitipon. Umiling lang ito.
Busy siya sa sarili niyang phone.
"Dani have you seen my phone?"
"Ssshhh... Wag kang maingay, busy ako." Sa Blackpink -.-
"Ate Mads--"
"Deans hindi ko alam okay?" grabe siya. Wala pa 'kong nasasabi eh.
"Hurri, have you seen my phone?" Baling ko kay Kat. Hurri short for Hurricane. Haha!
"Nope." tipid nitong sagot.
Tumayo na 'ko. Hinanap ko nalang si Ate Bei. Baka nasa kanya na naman.
"Ano bang meron sa phone mo?" Napalingon ako kay Vanie.
"Oo nga." and ate Jho.
"Wala, wala. Ahm baka nakay ate Bea lang. tsk." Iniwan ko na sila.
Nasaan ba yung babaeng yun? tsk.
Ay ayun! Kausap pala si kuya Thirdy.
Mukang seryoso naman ang usapan nila kaya mamaya ko nalang lalapitan.
"Deans!"
"Oh Luigi, bakit?"
"Wala, mangangamusta lang."
"Ahh. Ayos lang naman. Hinihintay ko pa si ate Bei."
"Ganun ba? Sige, maiwan na kita ha." kumaway siya saka umalis na.
"Uy Deans? Ginagawa mo diyan?" buti andito na si ate Bei.
"Ahh. Hinihintay kita actually, nawawala kasi phone ko. Nasayo ba?"
Bigla siyang natigilan.
Okay?
What was that?
---
a/n : Luh?
YOU ARE READING
Wrong Send, Right Love
Short StoryAng estoryang nagsimula sa simpleng, WRONG SEND. Magtatapos kaya sa, RIGHT LOVE? ---- Credits sa may-ari ng photo na ginamit ko sa cover. Hehe. Sorry na.