Kyle Razor Mariano's POV
Isang katok ang nagpatigil sa akin sa pagpirma ng mga papeles ng student council. Binitawan ko ang ballpen bago bumuntong hininga at nagsalita upang papasukin kung sino man ang nasa labas.
“Come in”
Pumasok si Asha, ang secretary ng student council na mula sa College of Arts and Sciences.
“Good morning, Pres. Pinapatawag ka ng Dean ng CBA” bati niya sakin.
“Dean ng CBA? Bakit daw?”
“Hindi nabanggit sa'kin. Naghatid kasi ako ng papeles sa faculty kanina kaya nautusan ako pagdaan ako sa Dean's office”
I sighed. Ano na naman kaya ang problema?
“Thank you, Asha. May klase ka pa?” tanong ko sakaniya habang inaayos ang mga papeles at binabalik sa folder.
“Yup” she said, popping the p “Una na ako, Pres. Terror yung prof namin sa Stats, e.”
“Alright. Ingat and good luck.”
Nilock ko muna ang opisina ng council dahil wala namang tao roon ngayon. Halos lahat kasi ay nasa klase na at ang iba naman ay busy sa paghahanda at pagpupulong para sa darating na School Festival.
Kinakabahan ako habang papunta sa DO. Bihira lang naman kasi mangyari ito dahil iniiwasan naman ang mga tsismis. Tita ko ang kasalukuyang nakaupong Dean ng College of Business Administration na siyang kinabibilangan ko.
Hindi ako madalas na ipatawag ng Dean sa opisina ngunit hindi nangangahulugan iyon na hindi maganda ang samahan naming dalawa. Sa loob ng paaralan ay estudyante ako at Dean siya, ngunit paglabas ng gate ay siya ang Tita Liza ko at ako naman ang pamangkin niya.
Huminto ako sa tapat ng opisina at inihanda ang sarili ko. Kumatok ako at naghintay ng tatlong segundo bago pumasok sa loob.
Bumangad sa akin ang isang babae na umiiyak habang nakasalampak sa sofa. Inaalalayan naman siya ng isa pang babae.
Kung hindi ako nagkakamali ang babaeng umiiyak ay si Alessandra Walter. Isa siyang sikat na estudyante kahit na freshman palang siya. Kilala rin siya dahil siya ay kapatid ni Alexus Walter.
Sa upuan naman sa harap ng Dean nakaupo ang isa pang babae na magulo ang buhok at nakatungo dahilan upang hindi ko makita ang mukha niya.
“Mr. Mariano, sorry for the inconvenience. I know you are busy with the preparation of the school festival” wika ni Dean ng mapansin niya ako.
“It's alright, Dean” nakangiting sagot ko naman sakaniya
“Come and seat down, Mr. Mariano.”
Tumango ako bago umupo sa harap noong babaeng nakayuko at magulo ang buhok.
“May I ask why you called for me, Dean?” tanong ko kay Dean.
“Do you know her, Mr. Mariano?” turo ni Dean doon sa babaeng nasa harap ko.
Tiningnan ko naman ang babae at pilit inaninag ang mukha niya ngunit nakayuko pa rin.
Makiramdam ka naman hoy.
“Lift your face, Hija” striktong sabi ni Dean
Sumunod naman ang babae at bahagyang napakunot ang noo ko nang makilala ko kung sino ito.
If I'm not mistaken, her name is Serenity.
Tumango naman ako kay Dean na nakatingin sa akin ngayon.
“May I ask how you knew her?” sabi ni Dean, her voice laced with curiousity.
“Ilang beses na rin po siyang dinala sa office ko para ireklamo. Madalas ay ang Peace Keepers ang nag-eentertain ng kaso niya pero minsan naman ay si Harvey Collins ng Disciplinary council. Siya kasi ang department representative nila.”
“Is that so?” tanong naman ng Dean “Kung gano'n ay hindi ito ang unang beses na nagsimula ka ng gulo?!”
Bahagyang tumaas ang boses ng Dean kaya nagtaka ako. What the hell did this girl do this time?
“Hindi ka pa rin magsasalita? Mag-iisang oras na kayo dito pero wala pa akong naririnig sa'yo. Napakalakas ng loob mong magsimula ng gulo dito sa loob ng campus pagkatapos ay mananahimik ka kapag kinakausap ko?! Hindi na kayo high school para magsabunutan sa hallway! At hindi tinotolerate ng paaralan ang ganiyang ugali!”
Nagsabunutan sila sa hallway? Napatingin naman ako kay Alessandra na kasalukuyang maayos na ang upo sa sofa. Maayos ang buhok nito at ganon rin ang kasama niya. Binalik ko ang tingin ko sa babae na nasa harap ko. Magulo ang buhok nito at namumula ang pisngi. Halatang sinampal.
“... alam mo bang pwede kang makick out dahil sa pagsisimula ng gulo, Ms. Lopez?”
“You can't do that.”
Napatingin akong muli sa babaeng nasa harap ko ng bigla siyang magsalita. Her voice is calm and firm. It sound dangerous. Hindi ko na nasundan ang pinag usapan nila ng Dean kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari.
“Excuse me?” kunot noong tanong ni Dean
“No matter how hard they try, they can't kick me out of this school. I would stay here and graduate college.”
Nagulat ako sa sinabi niya at ganon din ang Dean.
“We will see about that, Ms. Lopez. For now, I would like to have a word with your parents. Pati na rin sayo Ms. Walter. Andiyan ba ang mga magulang mo ngayon?”
Napatingin naman ako kay Alessandra na parang nabigla sa sinabi ng Dean.
Something is not right here.
“N-no, Dean. Nasa abroad pa po ang parents ko para sa business conference. P-pero kung kailangan po ng parents, yung mommy nalang po ni Kleya” turo niya sa katabi niya, “Sinaktan din po kasi siya ni Serenity” sabi ni Alessandra.
Tumango lang si Dean tapos ay muling ibinaling ang tingin kay Serenity Lopez.
“How about you? Can your parents come tomorrow?”
“No.” Serenity.
“And why is that?”
“I have no parents” diretsong sagot niya.
Nagulat ako at gano'n rin si Dean. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pagngisi ni Alessandra sa sinagot ni Serenity.
“I will discuss this with the Disciplinary office. Ms. Benedicto, I'd be expecting your parents tomorrow. Ipaalam mo sakanila but I'll call them later to make sure. Ms. Lopez” bahagyang natigilan si Dean bago ipinagpagpatuloy ang pagsasalita “I'll also be expecting your guardian tomorrow. Dismissed.”
Lumabas na yung tatlong babae at naiwan naman ako sa loob.
Napasandal si Dean sa upuan niya at napahilot sa sintido.
“Kyle?”
“Yes, Dean?”
Natawa naman si Dean sa sinabi ko
“Sabay na tayong umuwi mamaya. Wait for me at the parking lot. You are dismissed.”
Tumango ako kay Dean at lumabas na ng opisina.
Paglabas ko ay sinalubong ako ng iba't ibang bulungan.
'Bakit nasa Dean's office din si Pres?'
'Ang pogi talaga ni Pres!'
'Nag-away daw si Alessandra Walter at Serenity Lopez kanina sa may hallway ng sophomore!'
'Eh? Anong ginagawa ni Princess Alessandra don? Tsaka nakakainis talaga yang Serenity na yan! Napaka warfreak!'
'Sinabunutan daw ni Alessandra at Kleya si Serenity eh tapos si Serenity naman tinulak si Alessandra tapos tumama sa pader. Pero di ko pa sure kung paano nagsimula, kasi pagdating noong source ko e nag-aaway na daw sila'
Hindi ko ugali na makinig sa bulungan sa paligid ko but that one caught my attention. Kung gano'n ay si Alessandra pala ang nanabunot kaya ganon kagulo ang buhok ni Serenity. But I wonder what happened to her face?
Napabuntong hininga nalang ako habang pabalik sa opisina para kunin ang gamit ko dahil malapit na magsimula ang klase ko.
This is gonna be a long day.