Kaharutan 9

0 1 0
                                    

Habang naglalakad may nakita akong magjowa.

Inner Me: Magbreak sana kayo!

Ako kasi 'yung tipo ng taong pag may nakitang lovers eh napakabitter. Akalain mo ba namang sa harap ko maglampungan! Nang-iinggit kayo?

"Uy Leny, bat ang sama mo makatingin?!" tanong ng kaibigan ko habang hawak ang kamay ng boyfriend niya.

Oo nga pala kaibigan ko nga pala itong lukaret nato. Madalas niya kasi akong isama at gawing third wheel. Kumbaga ako 'yung heart sa gitna nila.

Minsan nga sa sobrang sweet nila eh napakasarap nilang lagyan ng hamtik, este langgam.

Habang nagdidate sila medyo dumistansiya ako ng konti, naupo ako sa medyo malayo kung saan natatanaw ko parin sila.

'Yung mama naman kasi nitong si Shella (kaibigan ko) eh ginagawa akong body guard lagi.

[Bago umalis ng bahay--]

Mama ni Shella: Bantayan mo Leny yang kaibigan mo ha, wag mong iiwan yan. Inaasahan kita.

Me: Opo tita.

Inner Me: Ang laki na po ng anak ninyo tita, kaibigan po ako hindi yaya.

Habang nakaupo ako sa may bench at tinatanaw ang dalawa, may lalaking umupo sa tabi ko.

"Kunot na kunot naman ata yang noo mo?" turan niya habang nakatingin sa akin.

"Tingnan mo naman kasi iyong kaibigan ko ang harot harot, hagisan ko na kaya ng granada." sabay turo sa kaibigan ko.

Tumawa siya, kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oh ba't natawa ka?" tanong ko sabay ngiti narin, ng marealize na ang harsh pala ng sinabi ko.

"Wala naman, ang bitter mo ah" pagrireact niya sa sinabi ko.

"Totoo naman ah, kala mo naman magtatagal e magbibreak din naman yan."

Napangisi siya ulit sa sinabi kong iyon.

"Sira ulo kaba? Ba't ngisi ka ng ngisi diyan?" tanong ko.

"Wala nakakatawa ka lang magsalita."

Inner Me: Gwapo pala nitong mokong nato? Ano kayang pangalan nito?

"Harvey nga pala" pagpapakilala niya.

"Hu?"

Inner Me: Nababasa niya ba ang iniisip ko?

"Sabi ko I'm Harvey. Ikaw ano name mo?" pag-uulit niya.

"Sabi ni mama wag daw ako basta basta magbigay ng info ko sa strangers. Leny nga pala." tumawa siya ulit.

"I like you"

"Hu? Like agad?

"I mean I like your personality. I like your funny side. I hope I'd get to know you more."

"Naks naman, getting to know each other naba to?"

"Bakit hindi ba pweding makipagkilala?" tanong niya.

"Hindi, charot! Gusto mo jowain mona ako agad eh." tumawa siya.

"Sure." seryosong sabi niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko--

"I'm just kidding, ayokong magjowa sakit lang kayo sa ulo!" sabi ko sa kaniya. "Hoy! Shella! Tara na umuwi na tayo! Tama na kakaharot diyan! Magkikita pa naman kayo ulit!" pag-aaya ko kay Shella sabay tayo at agad ng umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAHARUTAN (Original Version) TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon