*36*

123 0 1
                                    

*36*

Firm

Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo na si Mr. Binetez at naglahad ng kamay sa akin.

"Thank you Architect Cinco!" He cheerfully said at agad ko namang tinanggap ang kamay niya.

"Thank you Sir." Malalim na boses ni Enoch ang narinig ko sa harap kaya napabaling ako ng tingin sa kanya.

Katatapos niya lang makipag kamay sa isa pa naming kasama sa loob ng silid. Sumulyap rin siya sa akin at tumango. Binalewala ko siya at nakipagkamay rin sa apat pa na natitirang mga tao sa loob ng silid.

Nandito lahat ng mga tao na pinagkautangan ni Tito Edmund. There were six of them at malalaki ang mga kailangan bayaran sa kanila. Enoch arranged this meeting para mapag-usapan ang paraan ng pagbabayad. Mabuti na lamang at mga kakilala rin pala nila Enoch ang mga ito kaya madali namin napakiusapan. Hindi rin nagtagal ang meeting kaya heto at nagpapaalam na sila.

"I can hire you as an architect for the house of my daughter Miss Cinco. Naghahanap iyon ng architect, iyon ay kung willing ka at may oras ka?" Nakangiti na sabi ni Sir Harold sa akin.

Sir Harold is a bit old because of his gray hair pero pagdating sa tindig at katangkaran ay masasabi kong guwapo siya noong kabataan niya. At, sa kanya may pinakamalaking utang si Tito Edmund.

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang natawa. He's too nice to offer me this job. May malaking utang si Tito Edmund sa kanya. I didn't expect he would offer me a job.

"That would be great Sir!" Tumawa ako ng bahagya. "Kaya lang po ay nakakahiya naman sa inyo. Hindi pa po kami nakakabayad? Ayos lang po kaya iyon, Sir?" Nahihiya na tanong ko because seriously, I think it's a little bit awkward.

Tumawa siya ng malakas. Umiling siya sa akin. Ngumiti naman ako para kahit papaano ay hindi nakakahiya ang tanong ko.

"That's not a problem Miss Cinco. I don't mix personal problems in my work. Work is work, iha." He smiled at me again. Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. "Don't worry, hindi ko ikakaltas sa utang mo ang magiging sweldo mo. Your pay for the job will be seperate."

Mas lalo lamang lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Well, aayaw pa ba ako?

Tumango ako sa kanya. "Thank you very much for this opportunity Sir."

Ngumiti siya sa akin. "You're welcome. So, I'll just contact you?"

Mabilis kong kinuha ang isang business card ko sa mesa at binigay ito sa kanya. Kinuha niya ito sa kamay ko at ilang sandali na pinagmasdan.

"Thank you Miss Cinco. Expect for a call anytime."

"Thank you too Sir."

"So, I'll go ahead?" Aniya.

Tumango ako. "Sige po. Ihahatid ko po kayo sa labas."

Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway kasama si Sir Harold nang makarating sa lobby ay nagpaalam ulit siya na mauuna na. Hinatid ko siya nang tingin at nang nakalabas na siya ng tuluyan sa building ay nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa di kalayuan ay si Enoch na may kinakausap pa na isang matandang lalaki. Naka corporate attire rin siguro ay kakilala niya. Hinintay kong matapos sila sa pag-uusap. Nagtanguan silang dalawa at saka tinapos na ang pag-uusap nila.

Sinulyapan ako ni Enoch at ilang sandali na napako ang tingin niya sa akin. Yumuko siya at nagsimula na maglakad sa pwesto ko.

"Thank you for today Lyr. And I'm sorry, this is not actually your job." Halos ibulong niya na lang iyon.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now