Nakatingin si Glaiza habang nagpoprod si Rhian sa Stage.
Tapos na Prod niya kanina pa. Kaya eto siya nanonood nalang kasama ang ibang co-artist niya. Bigla naman nagsalita si Kakai sa tabi niya. Nagulat siya pero hindi niya pinahalata ng marinig niya ang sinabi nito."Alam mo Cha.. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundo. Pero bakit kailangan natin pakinggan yung sasabihin ng ibang tao sa atin?'' Saad ni Kakai na nakatingin din sa tinitignan ni Glaiza.
Sumulyap si Glaiza kay Kakai saglit at tingnan nito ang tinitignan ni Kakai. Pero sa halip na siya ay kabahan, napangiti nalang siya sa sinabi ng kaibigan at sumagot."Kai, minsan kasi kailangan din natin dumistansya hindi dahil sa nakikinig tayo sa sasabihin ng iba kundi gusto natin o ng ikaw mismo sa sarili mo na ano ba talaga? Kakayanin ko ba ito o huwag nalang. Pero dumating na yung oras o signs na hinihingi natin. Tatanggapin nalang talaga natin ito kung ano ang itadhana. Positive man o negative."
"At alam ba Kai kung ano yung akin?" Nakangiting saad ni Glaiza.
"Ano naman yun bakla?" Kakai.
"Secret! HAHAHAHAHA" Biro ni Glaiza kay Kakai. At ang isa ay napatingin sakanya at nakasimangot. "Eto naman hindi na mabiro. Syempre sasabihin ko sayo alam ko namang supportive ka at hindi ka mimosa. HAHAHA!"
"Oo naman no?! Unlike others. Pero ano nga! Dami mo naman segway e!" Kakai.
"Oo eto na! Para kang si Katrina din e no?!" "So balik tayo sa ating topic. Alam mo yung akin is Positive." Glaiza.
"Waaaaaaaaaaaaa!!!!! Bakla, invited ako sa kasal ha? Sagot ko na Catering! Hahahaha. Support ako sainyo." Excited na sabi ni Kakai.
"Kaloka ka. Ang advance mo naman magisip! Positive palang sinasabi ko sayo kasal na agad ang nasa utak mo. Pinangunagan mo agad ako. HAHAHAHA!" Glaiza.
"E alam ko naman yun yung susunod mong sasabihin e. Basta hindi ako mawawala sa kasal niyo ha? Kahit kunin mo pa akong ninang." Kakai. Hindi nila alam na dumating si Rhian sa likod ni Glaiza.
"Hey Glai. Ikakasal kana?" Nakangiti pero sa loob loob niya siya ay nasasaktan.
"Hindi hindi. Niloloko kasi akong nitong si Kakai e. Advance kung mag-isip." Ngiti ni Glaiza kay Rhian at sinamaan ng tingin si Kakai.
"Rhi, pineplaytime ko lang tong babaeng to. Masyado kasing seryoso. Pero invited ako ha? Bulong ni Kakai kay Rhian. Yung isa naman nakatingin lang sakanilang dalawa. Dahil alam na ni Rhian ang ibig sabihin nun. "So ako pala yun ha, Glaiza?" Pero sa isip niya lang.
"Tapos na prod mo, Rhi?" Tanong ni Glaiza.
"Yep. Why?" Rhian.
"Pwede ba kitang mainvite sa bahay? Birthday kasi ni nanay, sabi niya iinvite kita. If free ka na the whole night?" Glaiza.
------
Okay Cut! Next Chapter po ulit. Comment kayo pwedeng pwede. Heheh! Comment niyo din kung ano gusto niyo mangyare. See yah! 🤗
Please vote. Thank you. ❤
BINABASA MO ANG
ITO NA BA ANG ORAS?
RomanceMuling pagkikita. Ito kaya ay masayang o ito na ang pagkakataong kanilang inaantay? Handa na ba silang harapin ang dating hadlang saknilang pagmamahalan o ito na rin ang oras na inaantay nila na tanggapin sila ng kanikanilang mahal sa buhay? Abangan...