Muling Pagkikita 2

39 0 0
                                    

"Waaaaaaaah! Nanay." sigaw ni Glaiza. Narinig ng kanyang ina pero hindi niya nalang ito pinansin dahil alam nito na nagpapanick lang ito sakanyang susuotin.

"Hay Glaiza. Ibang iba talaga epekto ni Rhian sayo." bulong  nito sa sarili at ngumiti habang nagluluto ng kaldereta.

Sa kwarto ni Glaiza. Nakakita na siya ng kanyang susuotin.
Ang kanyang napili ay Leather black jacket, white V-neck shirt, ripped jeans maong at Dr. Martens boots.

"Okay nato. Pogi naman ako. Kaya kayang kayang dalhin ang suot ko. HAHAHA!" Natatawa siyang lumabas ng kanyang kwarto. At bumaba na ito ng hagdan.

"Wow naman ate. Poging pogi ka ah? Hulaan ko saan lakad mo." Sabi nitong si Alchris.

"Huwag mo ng hulaan. Alam ko na yang sasabihin mo."
Taas kilang nitong sabi sakanya kapatid.

"Hahaha! Ikaw talaga ate hindi kana mabiro." Tinawanan nalang ito ni Alchris.

"Nay, Tay! Aalis muna po ako." Paalam ni Glaiza.

"Sige anak. Dalian niyong bumalik anak." Saad ng Ina.

"Opo nay!" Sabay labas ni Glaiza at dali daling pumunta ito sakanyang Mustang na kulay White.

At pinaharurot na ito papunta kena Rhian.

"Yung bata na yan napakabilis magpaandar! Boy sawayin mo nga yun mamaya. At ako'y nininerbyos pag siya lang ang bumabyahe!" Nanay.

"Ikaw naman. Maingat naman magmaneho yun. Alam mo naman bakit ganun un magdrive." Natatawang paliwang nito sa asawa.

Sakabilang banda.

Huminto muna si Glaiza saglit at tinext si Rhian.

To: Lablab ko (Yan ang name ni Rhian sa cellphone niya.)

Hi Rhi. Malapit na ko dyan. Be ready na po. :)

Nagreply si Rhian.

From: Lablab Cha (Yan nalang din para same. HAHA)

Okay Glai. Pasok ka lang. Kilala ka naman nila e. :p

Ng mabasa ni Glaiza yun ay madali na ulit siyang nagmaneho at pumasok entrance gate ng subdivision ng mga sikat ng Celebrities at may mga tungkulin sa Malacañang.

"Good Evening po boss. Sa bahay ng mga Howell." Sabi ni Glaiza sa SG.

"Good Evening din Ma'am Glaiza. Long time no see po ah. Sige ma'am tuloy po kayo. Naitawag na po kayo ni Ms.Rhian." Saad ng SG.

"Long time no see rin po kuya. Everyday nadin siguro tayo magkikita. Hehe. Sige kuya tuloy na ako. Salamat." Ngitimg sagot ni Glaiza.

Malapit lang naman sa entrance ang bahay nina Rhian kaya natuntun niya ito agad. Pasalamat nadin siya at kabisado niya pa ito. Valenzuela to Alabang ba naman e. Basta kay Rhian kabisado niya lahat.

Nakarating na siya sa tapat ng bahay ni Rhian at pinark niya na ang kanyang sasakyan at nagdoor bell. Ilang saglit lang binuksan na ito ng kasamabahay ng mga Howell.

"Good Evening Manang. Kamusta na po? Ngiting bati ni Glaiza sa matandang kasambahay.

"Ay nako Glaiza ikaw pala yan. Ang poging maganda mo talagang bata ka. Pasok ka. Buti at napadalaw kana ulit dito." Masayang sambit ng matanda.

"Oo nga po manang. Hayaan niyo po kapag pumayag si Tita Clara na pwedeng araw araw e aaraw arawin ko na talaga. Hahah!" Saad ni Glaiza na ikinatawa nito.

"O sya upo ka muna. Ikukuha kita ng juice." Manang.

"Sige po. Maraming salamat po Manang." Glaiza.

Habang nakaupo si Glaiza at nagkakalikot ng kanyang telepono. Ay may narinig siyang pababa ng hagdan. Kaya siya ay napalingon

Tila huminto ang mundo niya kahit simpleng damit lang ang suot ng kanyang mahal. Ay labis syang namamangha dito. Di ito napansin ni Rhian dahil may inaayos ito sakanya pouch. Sabay tawag sa kapatid na nasa kusina.

"Ate Nadine. Andyan na ba si Cha?" Sabi nito na hindi napansin si Glaiza sa sofa na nakatigin sakanya.

"Oo whiwhi sabi ni manang nandyan na. Kaya lower your voice. Mahiya ka sa suitor mo. Wahahahaha!" Sigaw ng mapang asar na ate ni Rhian.

Namula si Rhian dahil hindi lang pala siya ang tao sa Sala ngayon.

"Hi Glaiza. Kanina ka pa?" Hindi niya mahagilap ang dapat sasabihin. Namangha siya sa suot nitong si Glaiza. Ay nako Glai. Masyado kang pa impress ha? Ang poging maganda mo talaga. kaya ang dami kong kaagaw sayo. Bulong ni Rhian sa sarili na medyo may boses na hindi naman naintindihan ni Glaiza.

"Anong sabi mo Rhi?'' Saad ni Glaiza na medyo nalalabuan sa sinabi ng Rhian.

"Sabi ko kung kanina ka pa?" Pagiibang usapan ni Rhian.

"Ah hindi naman." Nginitian naman nito si Rhian.

"So let's go Glai?" Rhian.

"Your so beautiful Rhi." Biglang sabi ni Glaiza. Naikinapula ng pisngi ni Rhian.

"Yeah I know. Kaya hindi ka maka move on sakin e. Haha!" Sabi ni rhian. Pero in a way na biro lang.

"Ikaw talaga Rhian. Tara na nga! Inaantay na tayo nina nanay." Nakangiting sabi ni Glaiza sa kanyang Reyna.

"Wait! Paalam muna tayo kay Nads."

"Nads will go ahead na." Rhian to Nadine.

"Okay bye Whiwhi and Cha. Ingat sa pagmaneho Cha ah? Bantayan mo maigi yan baka makawala. Hahahahaha!'' Biro ni Glaiza sa dalawa.

"Nadine!! Shut up." Si rhian na medyo naasar.

"Okay okay, sorry na baby girl. Basta iuwi mo ng buo ang baby namin cha ah?"

"I will nads. Thanks, byee!" Ngiting sabi ni Glaiza.

----
Please vote and comment. Thanks po. Keepsafe everyone.

ITO NA BA ANG ORAS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon