Lumilipad sa kung saan ang aking isip. Sobrang lalim na ang hirap nang umahon. Parang sasabog na yung utak ko sa sobrang dami kong iniisip na hindi ko naman alam kung ano.
Argh! eto nanaman, sumusumpung nanaman. Pangatlong gabi nang tuloy-tuloy na binibisita ako nito. My anxiety.
Natauhan ako nang maramdaman kong may tumulo sa sa gilid ng mata ko. Tumulo ito, sunod-sunod hanggang hindi ko na mapigilan. Kahit anong kurap ko ay hindi nababawasan ang mga ito.
Nakakapagtaka lang na tatlong gabi nang tuloy tuloy akong umiiyak. Sa katunayan ay inabot ako ng apas tres y media akong umiiyak. Hinayaan ko lang ang sariling kong kumalma dahil walamg mangyayari kahit na pahintuin ko ang sarili ko. Laging ganon ang ginagawa ko at hindi ko namamalayan ay hindi na ako umiiyak.
Madilim sa kwarto ko. Kahit anong liwanag ay wala kang makikita. Siguradong tulog na silang lahat dahil sa kalkula ko ay ala una na. Sobrang dilim na kahit dilat ang mga mata ko ay waring wala talagang nakikita.
Tumayo ako ng hindi gumagawa ng kahit anong ingay para hindi sila magising. Kailangan ko ng maidadampi sa mga mata kong paniguradong mugto nanaman. Hindi naman ako pwedeng magpakita ng ganito ang itsura ko.
Pinihit ko ang pintuan nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Hindi ko nakikita ang aking dinadaanan dahil sobrang dilim. Pero hindi ako nangamba dahil saulo ko naman ang daan papuntang ref namin.
Pagdating ko kanina sa eskwela ay bumili ako ng in-canned drinks dahil alam kong mangyayari nanaman ito. Hindi ko rin nakakalimutan ito kapag nag-g'grocery kami ni mama.
Tinahak ko ng sobrang tahimik ang daan papuntang kusina. At nang nakuha ko na ang aking pakay ay bumalik ako ng tahimik. Bago makarating ng kwarto ay madadaanan ko ang salas namin.
Doon natutulog ang lola ko pati na rin ang kapatid konv babae. Hilig nilang dalawa matulog sa salas at ang dahilan nila ay para hindi na sila lilipat pagkatapos nilang manuod ng tv.
Bumalik ako ng kwarto ng walang nagihising na sino man. Kaya dinampi-dampi ko na sa mata ko ang canned drink. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon kaya bihasang bihasa na ako.
Humiga nalang ako at tumitig sa kawalan kahit na ang totoo ay wala akong nakikita sa sobrang dilim.
Sa sobrang tahimik at walang ginagawa, gayong hindi ako nakakaramdam nang antok ay kinuha at pinalsak ko ang ear phones ko sa cellphone ko at nagpatugtog nalang ng kung anong kanta ang mapindot ko.
I walked across an empty land
I knew the pathway like the back of my hand
I felt the earth beneath my feet
Sat by the river, and it made me completeAng sarap sa pakiramdam kapag nakakarinig ako ng kanta. Libangan ko na ito bukod sa pagbabasa ng mga libro.
Oh, simple thing, where have you gone?
I'm getting old, and I need something to rely on
So tell me when you're gonna let me in
I'm getting tired, and I need somewhere to beginI came across a fallen tree
I felt the branches of it looking at me
Is this the place we used to love?
Is this the place that I've been dreaming of?Somewhere only we know
Somewhere only we know
Somewhere only we know?